CHAPTER 16: Blood Royali Section

88.9K 2.9K 72
                                    

-Liera's Pov-



"LIERAA!"


Napatalon ako ng kunti sa aking kinauupuan nang marinig kong sumigaw si Famella mula roon sa salas. Tumakbo ako palabas ng kwarto. Baka kasi kung anu ng nangyari sakanya.


"Bakit FAM!? Anyari!? may pumasok ba na magnanakaw!? Nasaan!? May nakuha ba sila? Sinaktan kaba nila? Sabihin mo sakin, anu!?" sunod sunod na tanung ko sakanya habang palinga linga sa paligid.


Lumapit siya sakin ng nakapamewang at hinampas ako ng  libro isang beses sa aking ulo. Di pa ata na kontento kasi ginawa pa niyang tatlo.


"Gag*!! Malalate na tayo. Kanina kapa jan sa kwarto mo. Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito. Nabwesit na nga ata sakin si Acirej sa kakasigaw ko sayo eh!" maktol niya habang nakapamewang parin. Kumalog na ata yung cerebrum at cerebellum ko sa hampas niyang iyon.


"Ah kasi--Hihii pasensya kana kasi--di pa ako tapus at hinampas nanaman ako nito sa aking ulo.


"Wag na daming paliwanag. Malalate na tayo." Sambit pa niya pagkatapos ay sinukbit na niya ang kanyang bag sa kanyang balikat at naglakad na palabas. Kaya hinapit ko na rin ang aking bag sa mesa at sumunod na rin sakanya palabas.


Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway, nakakapanibago. Kadalasan kasi nag-iingay tong isa. I wonder kung anong mahika merun siya. Hulaan ko, baka weather. Haha ewan.


"Anyway Fam. Ano palang mahika mo?"


Di ko na mapigilan pa at tinanong ko na talaga siya kaya huminto siya sa paglalakad at tiningnan ako.


"Bat mo natanong?" tanong naman niya sa akin habang nakataas ang isang kilay. Umiling lang ako.


"Healer. Taga gamot lang naman ako ng mga nasusugatang mga estudyante dito sa school every time na magtraining sila or mag leveling pero hindi ko pa talaga masyadong namamaster iyon ng mabuti that's why I'm still here in a pink uniform." mahabang sagot niya bago ngumuso.


"Oh? I see. By the way anung sinasabi mong leveling?" tanung ko ulit sakanya.


"Yun yung time na kailangan nating mga estudyanting mag--" naputol ang sagot niyang iyon nang biglang tumunog ang speaker.


DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon