CHAPTER 10: They're Here

104K 3.1K 54
                                    

-Liera's Pov-

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang ipakilala sakin ni Genson ang kanyang kakambal. Tatlong araw na rin simula noong lumipat ang kakambal niya sa section namin at halos pagpyestahan na sila ng mga classmates kong babae dahil sa ang gagwapo nilang pareho, kambal nga eh.

Sila na ang palagi kong kasama sa school. Kahit tatlo na kami, feeling ko parang dalawa parin kami ni Genson kasi yong kakambal niya parang di ata marunong magsalita, di rin marunong tumawa kahit ngumiti lang man. Lagi siyang naiirata sa kakambal niyang si Genson.

Panu ba naman eh yung isang to laging inaasar ang kakambal niya kaya laging nahihighblood sakanya si Jift. Hahaha. Naaaliw akong panoorin silang dalawa kasi parehong cute.

"Tss!" Yan palagi ang expression ni Jift doon kay Genson kapag naaasar na siya.

"Hahaha. Oh anu brad payag kaba?" tanung ni Genson kay Jift. Binibiro niya kasi na bagay daw kay Jift ang maging babae. Tanging isnob lang ang natanggap na sagot ni Genson galing sa kakambal. Nahihighblood nanaman siya. Alam ko yun. Nararamdaman ko.

"Chill bro! yan na kasing sinasabi ko sayo eh, wag mo na kasing ubusin timplahin yung kape dun sa bahay, magtira ka naman sakin. Hahaha. ", sabay hawak dun ni Genson sa balikat ni Jift pero tinapik naman to ng isa.

Pinagtitinginan narin sila ng mga babaeng estudyante dito sa canteen, tinging pagnanasa. Sakin naman? tinging nakakamatay. Haha kung nakakamatay lang talaga yung mga titig nila. Kanina pa siguro ako patay.

Biglang tumayo 'tong si Jift at padabog na naglakad palabas ng canteen. Di ata nakayanan yung pang aasar ng kakambal niya.

Tumingin sa gawi ko si Genson habang nakataas ang dalawang kilay na para bang nagtatanung sya kung bakit nag walk out yung kakambal nya.

"Ewan ko sa inyong dalawa." Bulong ko sabay irap sa kawalan.

•••••

"Tara na." yaya ni Genson sakin palabas ng canteen. Tapos na rin kasi kaming kumain. Tumayo na ako at nagpagpag sa aking palda. May mga pagkain kasing nangalaglag. Ganun kasi ako pagkumain. Hindi maaaring walang masayang.

At dahil vacant namin ngayon sa math, ang pinakapaborito kong subject, di joke lang. Haha. Dun muna siguro ako sa harden tatambay. Masarap kasi ang hangin dun. Sumunod naman sakin si Genson.

"Woah! Sarap talaga dito ng hangin no." sabay higa niya dito sa carabao grass at nag uunat-unat pa ng katawan.

"Kaya nga gusto ko dito eh." sagot ko naman na sinabayan ko ng paglanghap sa simoy ng hangin.

Kinapa ko sa loob ng bag ko yung cellphone ko tsaka earphone. Makikinig nalang ako ng music. Wala na kong kausap pa kasi sleeping beauty na kasi tong kasama ko. Napagod siguro sa pang aasar sa kakambal niya kanina.

Dinadama ko ang bawat paghampas ng malamig na hangin sa aking balat. Nakatingala lang ako ngayon sa langit, maaliwalas ang ulap at maraming ibon ang nagsisiliparan.

Tiningnan kong mabuti ang katabi kong mahimbing na mahimbing na natutulog ngayon. Ang tangos ng ilong niya pag naka sideview pero tangos pa din naman pag nakaharap.

Tinanggal ko muna ang isang earphone sa aking kanang tenga kaya rinig na rinig ko ang mahihinang paghilik niya.

Umiwas agad ako ng tingin at mabilis na ibinalik sa tenga ang earphone nang bigla siyang gumalaw. Akala ko nga magigising na siya eh pero hindi. Tumagilid lang pala ito at humarap sakin na tulog na tulog parin.

Parang hindi ako makahinga sa sobrang lapit ng mukha niya.

Dahan dahan kong naipikit ang aking mga mata nang makaramdam na ako ng antuk.

•••••

-Jift's Pov-

Muli akong tumalon papunta doon sa kabilang sanga ng puno noong marinig nanaman ang kanilang kaluskos.

Tinalasan ko rin ang aking pakiramdam para matanto ko kung nasan ang mga iyon! D*mn! I didn't knew that they're also here. Di ko aakalain na nakakapasok na din sila dito sa mundo ng mga mortal.

Tumalon ako pababa at tumakbo papasok sa lumang classroom ng campus na ito.

I stand firmly while I keep my eyes in every edge of this room. Alam kong napapalibutan na nila ako ngayon.

Napaatras ako ng bahagya nang biglang namuo ang isang barrier sa palibot ng classroom kasabay noon ang paglitaw ng tatlong taong nakasuot ng itim na balabal.

I clenched my fist as I saw them.

•••••

-Liera's Pov-

*After 30 minutes*

Napabalikwas ako ng bangon nang makaramdam ako ng kakaiba sa paligid. Kinakabahan ako. Ang sasama ng aura nila. Tama hindi lang isa ang nararamdaman ko kundi tatlo sila. Dito lang sila sa palagid. Nararamdaman ko yun.

Maya't maya pa'y nakarinig ako ng pagsabug galing doon sa lumang classroom sa likod ng campus na ito. Napabalikwas rin ng bangon si Genson.

Kita mo sa mga kulay berde nitong mga mata ang kaba.

"Anu yun!?" gulat na tanung sakin ni Genson.

Nagkibit balikat lang ako sakanya tapos ay tumayo na ako. Tumakbo agad ako ng mabilis na agad naman niyang sinundan. Nauna pa nga siya sakin sa pagtakbo.

Dapat lumayo na ang mga estudyante doon dahil masyadong delikado ang mga aura nila.

Pagkarating na pagkarating namin doon ay nagkakagulo na doon ang mga estudyante.

"Sino siya?"

"Kawawa naman"

"Ou nga ang gwapo pa naman"

"Diba siya si? Oh my gosh! Asawa ko yan"

"Anung nangyari besh?"

"Humingi kayo ng tulong bilis!"

Samut saring bulung bulungan ang naririnig namin ngayon sa mga estudyante. Nakipagsiksikan na rin kami ni Genson doon para makiusyoso.

Halos nagulat kaming pareho ni Genson nang makita kung sino ang tinutukoy nila.

Si Jift. He's kneeling on the ground at sira sira na ang suot nyang uniporme. He keep holding his shoulder where his wound is. At mukhang malalim ang sugat niya doon dahil walang tigil ang pag-agos doon ng dugo. Mukha rin siyang pagod na pagod dahil sa hinihingal siya.

Tumakbo kami papalapit ni Genson at tinulungan siyang buhatin patayo para madala na siya sa clinic. Si Genson sa kaliwang braso, ako naman sa kanan. Parang sumabak siya sa gyera mag isa dahil sa itsura niya ngayon, puro rin sugat ang mga palad niya. Anu bang nangyari?

"They're here." bulong nito sa kakambal.

Sinong sila ang tinutukoy niya?


•••••

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon