Chapter Four

46.6K 951 182
                                    

Trystan's POV

"Pano niyo 'to nagawa?!"
"We trusted you, anak..."

"Ma, Pa! Masaya kami ni Trystan!"

"Mahal na mahal po namin ang isa't-isa."'

"Pero--- mga bata pa kayo, bakit ngayon pa?!"

"P-Papa!"

"Uugghhhh!"

"Tama na po, please!"
"Pa, tama na! Please!"

"Mama... Mama si Trystan..."

"Ugghhh! Ma-mahal ko po siya..."

"Papa! No! I love him! Please!"

"How could you do this to us?!"

"Parang--- awa niyo na po..."

"Papa!"

*
Aaahhh... ang ingay.

Dahan-dahan akong napamulat at nakita silang nanonuod na pala ng horror movie.

Panaginip na naman pala. Pabalik-balik nalang yun ah? Familiar yung scene pero parang hindi naman siya ang kasama ko, blurry lang yung face. Ni hindi ko makilala ang boses.

"Oh my gosh, oh my gosh, oh my gosh!" Narinig ko si Musika at nakitang magkatabi sila ni Joyce at Jammie.

Ano yung panaginip ko?
Aaarrgh ewaaaan.

"Guys, gising na ang hari."
Sabi ni Eazer.

"Anong--- anong oras na?"

"Oras na po para bumili ka ng relo."
Tinapunan ko nga ng unan sa mukha.
"Heh."

Tumingin ako sa wall clock at almost 6:30 na pala.

"Kiiiin..." Pangungulit ko kay Mika, gusto ko siyang tumabi sakin. Nakaupo sila ni Joyce sa carpet at kumakain.

"O? Waaaahhh!"
Ang cute niyang matakot. Haha!

"Anong movie?"
"The Boy. OMG, magtago ka na bilis!"

"Ba't pa kasi binasag!"
"Aaahhh!" Nagsigawan silang lahat. Tae kahit di naman ako nanonuod, nadadamay ako sa jump scares.
"Ayoko na!"

Okay. Busy sila.

Tumayo na muna ako para makapag-cr.

"Ops, ops. San ka pupunta?" Hinawakan niya ang kamay ko.
"Magsi-CR lang po. Sama ka?"
Asar ko, "Eh! Hmm..." ba't parang natatawa siya? Tsaka di siya makatingin sa mga mata ko.

"Ba't ka natatawa?"
"Ha? Wa-wala ah! Kasi ang gwapo mo."

"Alam ko. Anong nakakatawa dun?"
"Kasi--- kasi joke lang yun!"

At tumawa silang lahat na nakatingin sakin.

"Mga baliw! Gutom na ata kayo. Dito na kayo kumain. Hahaha!"

"Magpa-deliver nalang tayo."

"Sige, sige. Ako na magbabayad."
Alok ko naman.

"Ano pa nga ba?"
"Sige na, ihing-ihi na ako. Bitawan mo nga kamay ko, kin. Para kang ano dyan eh."

"Ano... Mamaya nalang?" Hinila niya ako at natatawa silang lahat. Nag video pa ang mga loko.

"Anong meron?"

Ah, baka may surpresa sila para sakin. Hahaha! Naks!

"Sobrang lalabas na ihi ko. Gusto mo bang magkasakit ako sa kidney, ha?"
"Hindiiii! Mamaya nalang kasi."
"Bakit ba? Mabilis lang 'to."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon