Chapter Fourteen

25.5K 548 52
                                    

Trystan's POV

Naalimpungatan ako at biglang nakaramdam ng pagkauhaw kaya bumangon ako't bumaba para makainom ng tubig. 

Anong oras na ba 'to? Napakamot ako sa ulo at pagkatapos kong uminom ay bumalik ako sa kwarto. Nakita ko si Musika na nag-iba ang position kaya na-occupy niya lahat ng space. 

"Ang likot talagang matulog ng batang 'to." Napangiti ako habang dahan-dahan siyang inuurong at humiga.

P*ta, nawala antok ko. Nag-iiba na naman pakiramdam ko. Trystan, tae ka, ilang beses na kayong natulog ng magkatabi. Ba't ganyan parin nararamdaman mo? Masanay ka na dapat, t*ngina mo!

Bwi*it, makabangon na nga lang. Maglalaro nalang ako ng COC, tae badtrip naman. Sobrang ginaw pa dito, o. Naka-jacket na nga ako tapos nakasuot pa ng socks, malamig parin.

"Yume no yanai?"

Nagulat ako dahil biglang nagsalita si Mika at bumangon siya while rubbing her eyes. Wala akong naintindihan sa sinabi niya.

"Ano?" 

She yawned at humiga ulit.
"Bakit ka gising?" 

"Aahh... Eh kasi nagising ako bigla tsaka di na rin ako makatulog." Nakatalikod lang ako sa kanya na nakayuko lang.
"Eehhh? Sore wa mada ni-jidesu"
Bakas sa boses niya na sobrang inaantok pa at walang ganang magsalita.

"Ha? Ano, kin?" 

Bigla siyang humiga ulit.
"Koko ni kite~" 

"Mika naman, wala akong naiintindihan." Binaba ko ang iPad at lumapit sa kanya. 

"Ano?"

"Neru..." 

"Ha?"

"Iku..."

Dahil hinihila niya naman ang damit ko ay mukhang gusto niya atang matulog na rin ako. Humiga nalang ako tapos bigla niya akong niyakap mula sa gilid kaya mas ninenerbyos ako. Hindi ako komportable, punyemaaas ano ba namang pakiramdam 'to!

Isa pa 'tong girlfriend ko, naghahapon pa eh alam niya namang wala akong naiintindihan. Ang higpit pa ng yakap niya, sh*t hindi na talaga ako makatulog. Mukhang puyat na naman ako neto. Lagi nalang akong kinukulang sa tulog, tae.

Hindi ko alam pero bigla ko siyang hinarap at pilit na ginigising. 

"Kin..."
"Mika, gising." Inaalog ko siya pero wala.
"Hmmm..." Tumalikod tuloy siya sakin.
"Musika." Inaalis niya ang kamay ko sa braso niya at mukhang nagagalit na.
"Hmmm..."

Tae, why does she need to moan like that? 

Napapa-english ako nang wala sa oras. Binuksan niya ang mga mata niya kaya mas nakakaramdam ako ng excitement--- aahh p*ta, ayokong mangyari 'to, ayokong mag-iba ang tingin niya sakin, ayokong gawin sa kanya ang bagay na 'yon!

Bigla akong bumangon kaya mas nagising siya at nagtaka sakin.

"Matulog ka na, di pa talaga 'ko inaantok." Nakatayo akong nilingon siya.

"Doko?"

"Kin, wala akong naiintindihan, okay?"
Kinuha ko ang iPad at baka sa sala nalang ulit ako tumambay.

"Gom--- sorry, sorry... Hmmmm!"
She stretched her arms at bumangon na rin. Hindi ko namalayang pinagmamasdan ko na pala ang suot niyang short na sobrang iksi pati sando. Hindi ba siya nilalamig? Kakaiba talaga.
Tsaka--- naaakit na nga ata ako. Ewan!

"Anong problema, kin?"
Niyakap niya ako mula sa likod. Ang clumsy niya talaga, hindi man lang iniisip na natutukso rin ako.
"Wa--wala, wala. Matulog ka na, please?"
"Ha? Eh parang kasi. Sige na, sabihin mo na." Ang kulit...

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon