Chapter Seven

37.6K 768 70
                                    

Musika's POV

"Holy cow... Yan yung latest lambo, diba?" Kinunan naman ng picture ni Cha para ipakita kay Eazer. "Pano kaya pag pinagtripan 'yan ng mga loko-loko sa daan, noh?" Natawa naman si Joyce.

Biglang bumukas ang pinto ng lambo, "Siguro artista 'yan." Bulong naman ni Cha. "Tara na nga. Bili tayo nyan bukas na bukas, tig tatatlo tayo." "In our dreams!"

Bumaba na kami sa hagdan at biglang bumukas naman ang pinto nito.

"Oy, Mika?"

Napahinto ako nang makita kung sino ang niluwa ng sasakyan at---
"OMG, is that Miko Ong?!"

Shoot...

Kinalbit ako ni Joyce at tumalikod naman ako para hindi niya ako makita.
"Girl! Wag kang magtago. Papalapit na siya!" Hinila ako ni Joyce.
"Nakita niya ba tayo?" Bulong ko naman.
"Malamang! Pero I'm not sure kung nakita ka niya," pinilit niya akong bumaba ng hagdan. "Mika, ayan na siya! Paakyat na!"

Hindi ko naman inaasahan na makita siya dito. Hay, sabi niya pala na malapit lang siya sa school!

"Musika? Is that you?"
Wala akong choice kundi ngitian siya. Inayos ko naman konti ang uniform ko dahil sa kahihila ni Joyce sakin.
"A-Ah, hello. Nagkita nga tayo..." Hindi ko siya matingnan diretso sa mga mata.
"Ah, mga kaibigan ko pala."

"Hi! I'm Joyce." Nakipagkamayan siya at kinikilig pa ang loko. Hahaha!
"Chaldea, Cha nalang."

"Hello, hello. Buti naman at naabutan ko kayo. Actually, I was just gonna buy some coffee. Susunduin ko nga sana si Musika kaso pauwi na raw siya--" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil baka ma-misinterpret nila.
"Ah, oo. Napadaan lang rin kami dito eh. Pauwi na nga sana talaga kami."

"Ganun ba? Bad timing talaga, o. I would be glad if you could stay much longer sana." Hinawakan naman ni Joyce ang kamay ko at parang sinenyasan ako.

Nakita ko si Trystan na nag park at dala niya ang motor niya, galing din siyang school. "A-Ah, ano kasi eh. Susunduin sana ako ng boyfriend ko?"

Nakita ko naman ang pagka dismaya niya sa kanyang mukha. "I see. You have a boyfriend na pala. Hmm... Pakilala mo naman sakin." Nilingon ko naman si Trystan na nag-iba na ang timla ng mukha at papalapit na samin.

"Nandito na pala siya."
Lumingon naman si Miko sa tinitingnan kong direction. "Yung papalapit?"
"Yup." Ngumiti lang siya.

"Hi, baby." Hinalikan ako ni Trystan sa pisngi pagkadating niya.

"Umm, Mika. Mauna na kami, ah? Text-text nalang! It's nice meeting you, Miko. Bye, Trystan!" Agad na umalis sina Cha at Joyce at sinenyasan pa ako ng "Aja!" Huhuhu! Help! Iniwan pa nila ako sa panahon na kailangan na kailangan ko sila!

"Trystan, pare," inabot ni Miko ang kamay niya. "Boyfriend ni Musika."
"Miko, bro. Family friend. We finally met." Para lang akong poste sa gitna nila at sana lang talaga noh, kainin ako ng black hole ngayon. Sumulyap naman si Miko sakin.

Melody! Tulungan mo ako, please!

"Ah, sige. Pasok na muna ako sa loob. Bibili lang kasi ako ng coffee eh." Paalam niya samin, "Sige, Mika. Ingat kayo, ah. Bro." Nakahinga na ako ng sobrang luwag nung pumasok na siya sa cafe.

"Ano, tara?"
Nauna na siyang bumaba kaya sumunod ako. "Sa kanya ba 'to?" Turo naman ni Trystan sa lambo niyang naka park sa tabi naman. "Siguro spoiled brat yun." Natawa naman ako at pabiro siyang kinurot sa pisngi, "Only child lang eh, bibili tayo nyan bukas, gusto mo?" Pagbibiro ko naman. "Anong bukas? Ngayon na. Bibili akong lima!"

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon