Chapter Twenty Six

17K 356 65
                                    


Trystan's POV


"Kamusta ka na? Sabi ko na nga ba, ikaw yung nakita kong naglalakad kanina!"
"A-Ah, hehehehe! Ako na nga siguro yun."
"Mukhang may lulutuin ka, ah?"
"Yup. Chicken curry."
"Wow! Patikim naman!"

"Joke!"
Tumawa siya at biglang kumapit sakin habang naglalakad ako.
"Bigla nalang akong hindi makapag send sayo ng chat eh. Akala ko nga nasira ang messenger ko. Yun pala..."
"Yun ba... Ano kasi eh--"
"Okay lang yun, I understand Ate Mika naman. Ayoko ring pagmulan niyo 'ko ng away noh. Uuwi ka na ba?"
"Ah, oo. Hinihintay niya kasi ako sa condo eh. Magluluto pa 'ko ng dinner."

Di siya umimik at nakita ko na kotse ko kaya dahan-dahan kong inalis ang kapit niya sa braso ko. "Sige, ha. Mauna na muna ako." Kumaway ako.

"Okay..."

Woah, that was intense!

Pumasok ako ng kotse at nilingon si Millicent na nakatayo parin.
Napailing nalang ako at umalis na.

5:00 PM

"Andito na ako."
Ni-lock ko ang pinto at nagmadaling tumungo sa sala. Nakita ko si Musika na tulog parin. Magluluto na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone niya at nakitang tumagawag si Shun.

"Ikaw na naman?"

"Sino 'yan, kin?"

Napalingon ako kay Musika na kagigising lang at bumangon.
Iniabot ko ang phone niya at sinagot niya naman ito.

"Moshi-moshi?"

Makapagluto na nga lang. Nawala tuloy mood ko. Kailangan ba talagang update nang update si Mika sa kanya? Eh si Masaru nga, hindi naman ganun. Eh kahit nga si Tita eh, hindi naman!

Hoy, Trystan! Magbalat ka nalang ng patatas! Punyemas!

Kinuha ko nalang ang Beats speaker para hindi mainip. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina. Nabigla naman ako dun sa Millicent. Buti nalang hindi ko kasama si Musika nun. Tsk tsk...

Hinihintay ko nalang na maluto ang chicken curry kaya bumalik na muna ako sa sala at nagbabad lang pala si Mika sa Facebook.

Ano kayang pinag-usapan nila ni Shun?

"Kin," tumabi ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. "Ang sarap, amoy na amoy ko na." Lumingon naman siya sakin at hinalikan ako sa leeg.

Teka--- sh*t... Kanina niya pa hinahalikan ang leeg ko. Ang cute nga eh pero ngayon ko lang nakita si Mika na ganito ka-clingy sakin.

"Gutom ka na ba?"
"Sobra..."

***

Musika's POV

Binaon ko ang mukha ko sa dibdib ni Trystan. Gustong-gusto ko talaga siyang yakapin magdamag.

Bigla akong hinalikan ni Trystan at bumalik na naman yung weird na nararamdaman ko.

"Hmmm..."

Tumagal pa ang halik namin hanggang sa pumaibabaw siya. Ayan na naman, nababaliw na naman ako sa mga halik niyang pamatay sa leeg ko.

Bigla siyang huminto at tumayo.
"M-May niluluto nga pala ako."
Tumakbo siya sa kusina.

Wait, did I just--- bakit parang ginusto ko talaga yung nangyari?

Ugh, weird! I shouldn't be like this!

"Kin," umupo si Trystan sa tabi ko at sumandal sakin. "Luto na. Kain na tayo?" Napahiga ako sa sofa at napatitig naman siya sa dibdib ko. Dahan-dahan siyang lumapit dito at hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinigilan sa ginawa niya.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon