CHAPTER 34

18.4K 405 49
                                    

"Musika," sabi niya, "S-Sorry, okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" tanong niya. Nasaktan? Oo Trystan, sobra. Sobra... "Musika, okay ka lang?" Napalingon ako kay Russel. "Oo," ngumiti ako kay Trystan, "Okay lang ako." Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na palayo. Anong ginagawa ng lalaking 'to dito? Tch. Badtrip. Panira ng araw. "Musika!" "Tara na, Russel." "Musika!" Hinila ako ni Trystan paharap sa kanya at napabitaw ako sa hawak ko kay Russel. "Matagal ko nang gustong sabihin sayo 'to. Please, pakinggan mo na muna ako." Nagisip-isip ako. Papayag ba ako? Baka naman siguro importante talaga. Sige... "Russel, hintayin mo nalang ako sa peak? Dun sa may fountain." Wala nang nagawa si Russel at sinunod ako. Nakita kong nagkatitigan sila ni Trystan. "Mahal ang oras ko." "Bibilhin ko." Nainis ako nang ngumiti siya at dinala ako sa isang cafe. "Anong gusto mong kainin?" "Busog ako." "Drinks nalang?" "Ikaw bahala." Napatitig ako sa dala niyang supot at nakitang Anmum ito. Napansin naman niyang napatitig ako dito kaya itinabi niya ito. He cleared his throat as he placed his arms on the table.

"Kamusta ka na?" So may balak pa pala siyang kamustahin ako matapos ang lahat? WOW HA. "Okay na okay. Eh kayo? Kamusta naman kayo nung Millicent?" Isang malapag na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Okay naman." "Kelan raw siya manganganak?" I tried my best to act cool and lively. "Siguro by July." I said taking a sip of my juice. "Kamusta naman pag-aaral mo?" He asked. "Okay lang, aiming for good grades. Eh ikaw?" "Okay lang rin."I nodded at him and muttered "Good." And then he smiled at me. "Eh sila Tita kamusta?" Magkakamustahan lang pala kami dito? My God. I'm wasting my time! "Okay lang rin." "Eh sila Joyce?" Ano ba naman 'to. "As usual, mga baliw parin." "Send my regards to them." Ngumiti lang ako at iniwas ang tingin niya. "Anong ginagawa mo dito kasama si Russel?" "Malamang, gumala." Di ko na napigilan ang sarili ko kaya dineretsa ko na siya. "Grabe nagtatanong lang naman, galit ka na agad?" "Hindi naman." Ang plastic na kaya ng ngiti ko sa kanya, kanina pa. Dapat napansin niya na 'yon. "Alam ko namang ayaw mo 'kong makausap." Ba't gusto kong umiyak sa kanya? Ba't gusto ko siyang yakapin nang sobrang higpit at sabihin sa kanyang miss na miss ko na siya at sobrang sakit na? Napapakagat ako sa dila ko. Mukhang babagsak na ang luha ko in no time... 

"Mika," hinawakan niya ng sobrang higpit ang kamay ko. Sana hindi tumulo, sana hindi tumulo... "Ayokong umiiyak ka dahil sakin." Oo, hindi nagpapigil ang mga luha ko. "Gusto kong humingi ng tawad sayo dahil sa nagawa ko. Dahil nasaktan kita. Patawarin mo 'ko." Nakayuko siya, umiiyak. Pangatlong beses ko na ata siyang nakitang umiyak sa harap ko. Gusto kong tumayo at yakapin si Trystan pero pinipigilan ako ng utak ko. "Alagaan mo nang mabuti ang magiging anak niyo, pati na rin siya." I tried my best to give him a smile kahit pati sipon ko, tumutulo na. Buti nalang may dala akong panyo lagi. Mga panyong laging pumupunas sa mga luha ko. "Sorry talaga..." nakayuko lang siya at nakatakip ang isang kamay sa mata habang ang isa namay ay nakahawak sa kamay ko. Hindi ko alam ba't naging ganito bigla. Naglaho lahat ng isang iglap lang. Lahat ng mga pinagsamahan namin, unti-unti nang nabubura. "Be a good Father," pinakawalan ko ang kamay niya at tumayo. "Balang araw mapapatawad din kita. Mag-iingat ka Trystan ha? Sige..." nagmadali akong maglakad palabas ng cafe at iniwan siya. Pumunta ako sa pinakamalapit na restroom at pumasok sa cubicle at doon inilabas lahat. 

***

Hinanap ni Russel si Mika at habang nasa gitna ng daan ay nakasalubong niya si Trystan. "San si Mika?" tanong niya. "Umalis na." Napansin niyang namamaga ang mga mata nito. Nilagpasan niya na ito at kinuha ang cellphone mula sa bulsa para matawagan si Musika pero hindi parin ito sinasagot. Tinext niya ito nang tinext at umaasang magrereply dito pero wala parin. Kinakabahan na siya dahil baka kung ano nang nangyari kaya di siya tumigil sa pagtawag dito. Malaking buntong hininga ang napakawalan niya nang sagutin ito. "Mika? Doko? Boku wa anata o sagashite kimashita. Hontoni shinpai desu." (Mika? Where are you? I've been looking for you. I'm really worried) "Nandito ako sa Peak. Wala ka naman dito... Kanina pa kita hinahanap." Matamlay ang boses nito. Nagmadali siyang umakyat sa escalator at bumalik sa rooftop ng mall. "San ka?" "Nandito sa may bridge." Pinatay niya ang phone at pinuntahan ito. Napabuntong hininga na naman siya nang makita si Musika na nakaupo lang at nakayuko sa cellphone. 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon