EPILOGUE...

22.9K 390 99
                                    

"Dali, dali ako na naman! Ayusin mo yung angle ha, yung hindi ako gaanong mataba sa picture." utos ko kay Kenji nang makuha ko ang bagong binyag na baby at nag-pose. "Pakiiiiissss!!" "Pinagsasabi mo!" Natawa ang lahat kay Kenji. "Joke lang eh. Say 'cheese'!" Ngumiti ako nang sobrang lapad habang hawak-hawak ang baby dito sa harap ng altar ng simbahan. "Patingin nga." Lumapit si Kenji at ipinakita samen. Siya kasi ang photographer ngayon. "Grabe, magkasing-size na yung braso mo tsaka yung baby o." Pabiro kong sinapak sa braso si Kenji at tawang-tawa ang loko.

"Salamat sa pagpunta, Mika. Talagang pumayag kang maging Ninang ni Stancent." Ngumiti ako sa kanya at tumingin ulit kay baby. "Syempre naman. Ang cute-cute ng anak niyo eh." Napatingin ako sa papalapit na si Millicent. "Hello, Ate! Thank you sa pagpunta niyo ha?" "Palalampasin pa ba namin 'to?" sabi ni Kenji habang nilalaro ang baby. "Ang cute-cute niya noh." ani Joyce. "Hoy pahawak naman. Imma take a selfie with baby." Binigay ko kay Jammie si baby Stancent. "O guys, picture daw tayong lahat." Pumagitna si Jammie sa amin hawak-hawak si Stancent at ngumiti sa camera. "Diretso na tayo sa bahay pagkatapos ng picture taking, ha." Sabi ni Trystan. "Artista na pala ang baby natin oh. Ang daming nagpapapicture." Natatawa si Millicent at tiningnan namin sila Joyce at ang barkada. "Oy, sali ako dyan!" Nagmadali akong tumabi sa kanila at nag-groufie.

***

"Pagod ka na kaagad?" Tanong sakin ni Abigail habang sinusuot ko ang boxer shorts. "Wala lang ako sa mood." "That is so not you, Russel." Tiningnan ko lang siya habang nagbibihis. Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo at kumuha ng isa at sinindihan ito. "Get over her. Wala kang mapapala sa kakaisip mo sa kanya." "Wala ka ring pake." "Jusko, ewan ko sayo. Hindi ka naman ganyan dati, ah?" "Aba malay ko." Yumakap siya sakin mula sa likod at hinawakan ang dibdib ko. "Pero sigurado ka bang ayaw mo na?" "Oo." Tanging sabi ko lang at humithit pa sa yosi. "Alam mo, okay lang naman sakin na ganito lang tayo eh. Fuck buddies. Since high school diba? I'm always here..." Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "I'm only one call away." Nilingon ko siyang kasalukuyang tinutukso ako sa mga facial expressions niya. "Next time ulit. Thanks." Kinuha ko na ang cellphone ko sa mesa at isinuot ang relo saka umalis ng kwarto niya.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon