CHAPTER 50: THE FINALE

20.5K 347 30
                                    

Kinabukasan, binalitaan ako ng isa sa mga kasambahay namin at sinabing nakikita niya rawng dumadaan si Trystan dito sa block namin at panay silip pa nga raw dito sa loob at parang hinahanap nga raw ako. Wala naman na akong naging reaction pero nainis ako. Ano pa bang kailangan niya sakin? Hindi man lang ba siya makapagfocus dun sa anak niya? Ang tagal na nung huli kaming mag-usap tapos hanggang ngayon pinipilit niya paring makita ako? Nananahimik na nga ako dito eh. Syempre naman nasasaktan parin ako sa fact na magiging tatay na siya at dun pa talaga sa babaeng yun. Sinayang niya yung mga pinagsamahan namin, sinayang niya yung lahat ng oras na binigay ko sa kanya. Naibigay ko na nga lahat. Lahat-lahat. Kung iisipin ko, hindi parin ako makapaniwalang nakuha na nga niya yung isa sa mga iniingat-ingatan ko. Masyado akong nagpadala sa emotions eh. Masyado akong nabulag sa pag-ibig na 'yan. Ang bata-bata ko pa... Alam ko namang sa generation na 'to ngayon masyadong overrated na ang mga teenagers na involved sa mga matured na bagay at hindi ko parin matanggap na isa na 'ko dun. Nahihiya akong sabihing inosente ako dahil nasubukan ko na ang ganoong bagay. Natatakot akong baka husgahan ako dahil sobrang bata pa 'ko at dapat ikakasal ka muna bago yun. Naiinis ako sa kanya, ba't hindi niya pinigilan ang sarili niya. Nirerespeto nga niya raw ako pero ba't niya parin ginawa yun? Istahp na Musika, ang OA mo na. Hahahaha. 

Pababa pa lang ako nang makita ko si Joyce sa sofa at umiinom ng juice. Nagulat ako kaya napasigaw ako nang tinawag ko siya. "Anong ginagawa mo dito?" Niyakap ko siya at umupo kami pareho. "Ano kasi... uhm..." "Ano nga? Tinext mo sana ako na pupunta ka pala." "Eh kasi ano eh..." Ipinakita niyang dala niya ang laptop niya. "Anong meron dyan?" "Kasi... magpapaturo sana ako sa Kuya mo kung paano gamitin ang Photoshop." Napatakip ako ng bibig at pabiro siyang hinampas sa braso. "Malandi ka talaga! Hahahaha!" Inasar ko siya dahil namumula na siya. "At talagang sa asungot pa na yun ha. Iba ka rin eh." "Sinong asungot?" Napalingon ako kay Kuya na may dalang tray ng meryenda. Ang gwapo niya pa nga sa glasses niyang suot niya ngayon. "Hoy! Baka naman hindi tama ang mga ituturo mo dito sa bestfriend ko ha." Asar ko naman sa kanya. "Ako? Magtuturo ng mali? Sa galing kong 'to?" "Eh di ikaw na ang tensai." (genius) "Mahiya ka nga kay Joyce. Ang yabang talaga besh noh?" "Manahimik ka nga. Wag mo muna kaming distorbohin ngayon." "Aba, aba! Psh, fine. Basta besh wag kang magpapauto dyan." "Acchi ni ike!" (Go away!) "Dame!" (Bad!) "Tch." Natawa ako sa mukha ni Joyce. Priceless reaction! Hahahaha! "Fine. Iwan na muna kita dito besh ha. Tawagan mo lang ako." "Sige besh. Thank you." Sobrang demure niya ata ngayon ah? Hahahaha! "Hindi naman ikaw ang pinuntahan niya dito in the first place." "Heh! Akuma!" (Devil) 

Dumiretso naman ako sa kwarto ko, as usual at nagbabad lang sa YouTube. Kung anu-anong creepy and weird documentaries/videos ang pinanuod ko hanggang sa nauwi nalang sa pagbabad sa Facebook tapos bored parin ako. Ano na kayang nangyayari dun sa dalawa? Sobrang kilig siguro ni Joyce ngayon, hahahahahaha! Crush na crush niya ang Kuya ko eh. Sa dinami-dami ba namang nagkagusto sa asungot na yun, ang swerte-swerte na ni Joyce hahaha! Mabait naman si Kuya eh. Wala namang problema kahit na tamad, kain, tulog at computer/video games lang ang alam nun. Ang alam ko maeffort at malambing rin yun eh. Hindi nga lang masyadong matured yung utak hahaha! 

Napahiga nalang ako sa kama ko at kinuha ang phone. As usual, nagtext ulit si Kenji at sinabing lalabas na naman raw kaming magtotropa mamayang hapon. Nakausap niya na raw si Jessa at inimbitahan rin para sa gala namin mamaya pero pass na muna raw. Naiintindihan naman namin siyang lahat na gusto niya pa muna ng "space" kaya hinayaan nalang muna namin. 

"Mas mabuti na rin yung hindi na muna kayo nagkikita ni Jessa kasi mabilis siyang makakapag move on." ani Joyce nang makaupo kami sa table. Nasa mall kaming magkakaibigan ngayon at kasalukuyan pang nagmemeryenda dito sa McDo. "Oo nga eh, mas mahihirapan siya pag lagi ka niyang kasama o kausap." sabi ko naman. Katabi kami ni Kenji pero hindi ibig sabihin nun na may something na kami. Talagang mag bestfriends parin ang turingan namin sa isa't-isa. Inaakbayan niya ako, hinahatid sa bahay o sinusundo, sweet parin siya sakin pero normal na naman yun dahil lagi naman syang ganon pagdating sakin kaya walang halong malisya. "Yun na nga eh." tanging nasabi niya lang. Oo, nag-aalala siya para kay Jessa. Natural, kahit papaano ay may mga pinagsamahan sila at malinis ang intensyon niya kay Jessa. Naaappreciate niya lahat ng efforts at time ni Jessa pero kahit anong pansin niya, kaibigan lang daw talaga ang turing niya eh. 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon