Chapter Twenty One

19.2K 426 41
                                    

Trystan's POV

"Where's Mika-chan?" Tanong nung Shinohara.

"She's inside with Shun."

Tumango lang siya. Kakain na ako. T*ngina niyo.

Hindi ako masyadong makapag concentrate sa pagkain dahil kinakausap ako netong mga kaibigan ni Musika at panay tanong tungkol sakin. Badtrip ako, di niyo ba nakikita? Siya nalang kaya tanungin niyo? Ba't di raw kami sabay, ba't parang magkagalit raw kami, pucha naguguluhan pa 'ko sa English nila kasi nagtuturuan pa kaya di ko masyadong maintindihan. Ako pa tuloy ata yung nagmumukhang tanga.

"I'm gonna call them." Paalam ko sa kanila pagkatapos kong kumain pero dahil sa di ko naman matiis si Musika, kumuha ako ng plato at nilagyan ito ng mga alam kong paborito niyang pagkain.

Baka kung ano nang nangyayari sa kanila dun...?

Kumatok ako sa pinto at binuksan ito pero wala siya sa kwarto nilang mga babae. Pumunta ako sa kwarto naming mga lalake dahil dun ko naman sila iniwan ni Shun kanina. Wala naman siguro silang ginagawang masama, diba? May tiwala naman ako kay Musika.

Idinikit ko muna ang ulo ko sa pinto para makinig pero tahimik kaya binuksan ko na ang pinto at nakita silang nagyayakapan.

P*tang*na talaga, nanggigigil ako. Hindi ba niya iniisip ang nararamdaman ko? Hindi niya ba naiisip kung bakit ako nagakakaganito?! Alam niya ba kung, anong ginagawa niya ngayon?

Nakatitig lang ako sa kanila. Naninigas ang isa kong kamao pero nakontrol ko ang sarili ko at buti nalang may maliit na mesa sa gilid at itinabi ko ang hawak kong ibibigay sana kay Mika para makakain na. Sinarado ko ang pinto nang hindi nila namamalayan.

Sumandal ako sa pader at kinalma ang sarili. Ang sarap magwala! Nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang galit kaya napapikit nalang akong tumingala.

Biglang bumukas ang pinto at natauhan ako. Nakita ko si Mika na magang-maga ang mga mata. Nanghina ako bigla nang makita siyang nagkakaganyan.

Hindi sila nagsalita at nakapamulsa lang si Shun na mukhang hinihintay si Mika na lumabas. Tumalikod na ako at naunang maglakad.

"Okay ka na pala." Tanging nasabi ko nalang at patuloy na naglakad. Iniwan ko silang dalawa. Nawalan na talaga 'ko ng ganang kumain, p*t*ngi*ang buhay' to, o!

Nagsisiyahan silang lahat, nagkakantahan at nagtatawanan. Ako? Naglalakad patungo sa seashore. Magpapahangin. Ang sama ng loob ko, p*ta talaga.

Umupo ako sa kahoy at tumingala sa langit. Naaalala ko na naman ang mukha ni Musika kanina. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Naiinis ako sa sarili ko. Isa lang ang hindi ko kayang kontrolin sa sarili ko at yun ay selos.

Kumuha ako ng maliliit na shells at corals at tinapon ito sa dagat.

"Dyan naman kayo nararapat, diba."
Nababaliw na ata ako.

"T*ngina mo kasi talaga, Trystan. Mukhang nahigitan ka pa ng isang sikat na artista. Sino ba naman ako, diba. Heto lang naman kasi ako eh!"

Sisigaw na sana ako sinara ko nalang ang bibig ko at nangungugat na sa kakapigil.

"You okay, man?"

Inis na lumingon ako sa nagsalita.

Eh g*go ka pala eh!

"Yeah, I'm good. I feel awesome."
Umupo siya sa tabi ko, teka. Wag mong sabihing bading 'tong g*gong ito?

"About what happened earlier, it's now what you think, man. I know you're jealous of me being close to Mi--ka."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon