CHAPTER 42

13.8K 346 49
                                    

Ilang oras ko atang pinag-isipan ang sinabi sakin ni Trystan. 

"Kaya nga magpakalayo-layo na tayo." 

Ang ibig niyang sabihin ay ang magtanan kami diba? Tumakas? Lumayo? Tapos ano nalang ang mangyayari samin? Kanina pa siya tumatawag at nagtetext sakin pero hindi ko sinasagot. Naguguluhan ako. Mahal na mahal ko siya, oo. Pero yung sinasabi niyang tumakas kami? Hindi ko lubos na maisip yun. Hindi ko alam ang gagawin ko... Nakokosensya ako para sa baby niya at kay Millicent... Bumangon ako mula sa kama at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at tumungong kusina. Ikakain ko nalang 'to. 

Nakakainis naman eh... Binabagabag parin ako ng sinabi ni Trystan. Paano kaya pag sumama ako sa kanya? Magiging masaya naman siguro ako diba? Magiging masaya kami pareho... Kaso... Di ko talaga kayang gawin yun eh. Masyado pa kaming bata at hindi pa 'ko handang mamuhay na wala sa tabi ng mga magulang at lalo na kay Kuya. Ayoko, hindi ko gagawin ang sinabi niya sakin. Lalayuan ko na talaga siya... Makakaya ko 'to. It takes a lot of time to get over him pero kakayanin ko... Hindi kami para sa isa't-isa. Siguro tinetest lang ako ni God kung hanggang saan ang makakaya ko sa sitwasyong 'to. Magiging selfish ako pag nilayo ko siya sa anak niya at kay Millicent. They're meant for each other. Feeling ko ako ang epal sa story nila. 

Kinabukasan, matamlay akong pumasok sa school. Naiisip ko parin at kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasan. "Huy! Okay ka lang?" biglang tanong sakin ni Russel. "A-Ah, oo." Ngumiti ako at umupo. Nasa cafeteria kami ngayon. "Oh," inabutan niya 'ko ng Chuckie. "Thank you..." "Ano na naman ba mga iniisip mo?" Tumabi siya sakin at inakbayan ako. "YOLO, Mika. Andito naman ako eh. Makikinig ako sayo." "Weh?" Napatawa ako. Si Russel Tanaka na ba talaga 'to? "Oo nga, promise. Cross my heart, hope to die." Minarkahan niya pa ng cross ang dibdib niya. "Pero ayokong pati ikaw madamay sa problema ko eh." "Anong klaseng problema ba yan? Family, friends, pera? Ah imposible yun." "Baliw!" "Eh ano nga?" "Si Trystan..." Napatahimik siya at bumuntong-hininga. "Siya pala." Bigla siyang nanlamig sakin at kumain nalang. "Huy..." Hindi niya 'ko sinagot. Eh. Ba't nagiguilty akong ngayon? Hindi ko nga alam kung seryoso talaga siya sakin eh. Aaargh! Ano ba naman 'tooooo. Feeling ko tutubuan na 'ko ng mga puting buhok eh. 

"Hoy Russel. Para kang bading dyan eh." "Ha?" Hindi niya parin ako kinikibo kahit na tapos na kaming kumain. Busy na pala sila Joyce at Chaldea. Nasa ospital nalang sila palagi. Ano kayang feeling maging nursing noh? Too much stress! Hahaha! "San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Bigla kasi siyang lumiko at papuntang kabilang building. "Klase ko na maya-maya." "A-Aahh..." "I-Ikaw ba?" Napakamot siya sa ulo niya at tiningnan ang relo. Feeling ko distorbo ako eh. "Sa library nalang. Si-Sige..." Tumalikod na 'ko at naglakad pero bigla niyang hinila ang kamay ko. "Sama ako." Napatingin naman ako sa kamay namin. "Sabi mo may pasok ka?" Inalis niya naman 'to at pinasok sa bulsa. "Oo nga pero may 30 minutes vacant pa 'ko eh." "So?" "Sasama ako sayo." "Dun ka sa mga kaklase mo." "Nasa lungga sila." "Lungga?" "Mineski." "Ah, DOTA na naman." "Oo." Parang ang awkward na ng pag-uusap namin. Ano ba naman 'to. 

Pumasok kami sa library. Nakita naman ni Russel ang ibang mga kaklase niya ata at kinausap siya kaya nasa gitna lang ako at hinihintay siya. Biglang lumingon yung isa nilang kasama at nagsitinginan silang lahat sakin at parang inasar si Russel. Aba ba't ang sama makatingin sakin 'tong isang 'to? Kapal naman ng make-up! Siguro may crush 'to kay Russel. Hahaha! Nagpaalam naman siya at bumalik sakin. Sinusundan niya lang naman ako at naghanap ng magandang basahin. Nakita ko ang "Guinness Book of Records 2016"at kinuha ito. Naghanap kami ng vacant table at doon umupo. Napansin ko siyang nagtetext sa cellphone niya.

Hala... ba't ako naiinis? 

Kinuha ko iyon mula sa mga kamay niya at binasa ito. "Oy! Akin na!" sigaw niya pero mahina lang. "Angie?" Binasa ko naman ang conversation nila...

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon