Chapter Thirty

19K 443 85
                                    


Musika's POV


"Tapos na ba klase mo?"
"Ah, oo. May 30 minutes pa akong break." Talagang sinamahan niya parin ako dito sa cafeteria.
"Kamusta ka na, Mika? Ang tagal nating hindi nagkita."
"O-Okay lang naman. Ikaw? Anong course mo pala?"
Binigay niya naman sakin ang enrollment form niya. "Ahh... Chemical Engineering. Galing ah." Bumili rin siya ng meryenda at sumabay sakin sa table.

Hindi naman masyadong nagtagal ang pag-uusap namin ni Russel kasi may klase pa siya. Aabsent nga ako sa klase ngayong hapon dahil sa appointment ko mamayang 2:00 PM sa OB-Gyne clinic at susunduin ako mamaya ni Trystan.

"Musika, Bianca will be your partner for the presentation next week."

ANO?!

"Sir?!" Nilingon ko si Bianca at pareho kaming nakasimangot. Letche, bakit ba lagi akong pinaglalaruan ng tadhana!
"Is there any problem?"
"None, sir."
"Alright, get the copies here. Hindi ako nagbibigay ng extensions. Understood, class?"
"Yes, sir."

Ako na ang tumayo at kinuha ang binigay na kopya. Kailangan pa naming magpa photocopy ulit para tig isa-isa kami. Nakakainis naman, kaming dalawa pa talaga. Pagkatapos magbigay ni Sir ng instructions ay niligpit ko na ang bag ko, lumapit naman si Bianca.
"Ako na magpapakopya. Balik ko nalang sayo mamaya."

"Samahan na kita, nagmamadali kasi ako eh."

Hindi naman siya umimik at sinunod ko na sa pakopyahan.

"Heto." Ibinalik niya ito sakin pero kailangan naming magkasamang gawin ang report kaya wala akong choice.
"San natin pwedeng gawin itong report?"
"Sa bahay nalang, kung gusto mo."

Hindi rin pwede sa bahay dahil nandun si kuya Shun at baka kung ano na namang gagawin niya kaya pumayag na ako at lumabas ng campus para hintayin sila Mama at Trystan.

"Hi, Ma!"
Pumasok ako sa kotse at hinalikan siya sa pisngi. "Kanina pa naghihintay si Trystan sa clinic." Ani Mama binalik ang attention sa phone niya.

"I'm really glad anak na okay na kayo ng Papa mo. Hahabol siya satin sa dinner mamaya with Trystan's parents. Shall we buy you a new dress?"

"No, Ma. Marami pa nga akong hindi naisusuot na dress sa wardrobe eh."

"Anyway, si Dra. Padilla ang naging OB-Gyne ko sa inyo ng kuya mo. She's been my most trusted Doctor ever since."

Naisip ko naman kung hindi ba masakit ang gagawing check-up sakin. Tae talaga, nakakahiya naman yung titingnan ang ano mo. Huhuhu!

"Hi, baby! Namiss kita agad."
Hinalikan ako ni Trystan sa pisngi at nag mano kay Mama, "Good afternoon po, Tita. Thank you po sa pagsama samin."
"Ano pa nga ba... Excited kaya ako sa magiging apo ko! Tara na sa loob."

Nanlalamig na naman ang mga kamay ko dahil baka kung anong gawin sakin sa loob. Nakaalalay nga lang lagi sa Trystan sakin.

"At three weeks pregnant, always remember, okay? Drink plenty of fluids, respond right away if your body indicates that you should slow down or even stop and most importantly! Avoid smoking, alcohol, medications, or exposure to chemicals." Ani Doktora at nagsulat ng recommended supplements niya.

"Ah, wala naman po akong bisyo."
Sabi ko naman. "How about your partner? Does he smoke? Avoid second-hand smoking din, iha."

"Yes po, Doc."

"Even earlier than the third week of your pregnancy, how well you eat and care for yourself makes a big difference in the quality of nutrition your baby receives. I wrote all of my recommendations here."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon