Chapter Eight

34.4K 717 79
                                    

Musika's POV

Almost 1 month na ang nakalipas, syempre getting stronger kami ni Trystan. Hang-out ang barkada pag di busy, tumatambay sa condo niya. Tapos yung friendship namin ni Miko okay naman. Getting to know each other more. Minsan pumupunta nga siya ng bahay eh ang awkward. Syempre sobrang close niya na sa family ko. Nasasabi ko naman kay Trystan pero hindi na siya nagseselos kasi sa tuwing nao-open up niya si Miko, sinsabi ko talaga sa kanya kung gano ko siya kamahal.

Program ng school ngayon, last day na rin ng summer class.

I'm planning to go on a vacation at gusto kong makasama si Trystan. Gusto kong i-tour siya sa hometown ko. Gusto kong makasama sya dun. Sana talaga payagan ako ng parents ko pero mukhang malabo... Papaano ko ba sila kukumbinsihin?

Ah! Siguro okay lang naman kay Mama? Sa kanya nalang ako magpapaalam. Basta kakausapin ko nalang siya mamaya pagkadating ko sa bahay.

"Ma?" pinuntahan ko siya sa kwarto nila ni Papa. Tamang-tama, wala pa si Papa. Mamaya pa yun.

"Yes, anak?"

"Ano... May sasabihin ako?"

"Ano yun?" she turned off the TV.

"Kasi, you see tapos na ang summer class namin. Gusto kong mag-bakasyon." umupo ako sa tabi niya.

"That's okay. San mo plano?"

"Uuwi po ako."

"San ka naman magsstay?"

"Hmmm.."

May apat na bahay kasi kami sa Japan.

Ang main talaga ay sa Hokkaido. Meron rin sa Tokyo, Osaka at Fukuoka.

"Siguro bibisahin ko lahat Ma."

"O kaya mong mag-travel mag-isa lang? Ang layo-layo ng mga bahay natin dun."

"Ma naman eh, I'm trying to be independent."

"Anak, kailangan kasama mo Kuya mo."

"Maaaa!"

Eh sa ayoko talaga! Mamaya magdadala ulit ng mga kabarkada yan eh tas magsstay lang sa bahay, ang kalat-kalat!

"Pero Ma."

"Yes?"

"May makakasama naman po ako eh."

"Who?"

"Si Trystan. Ma gusto ko po siyang i-tour sa Japan. Gusto ko siyang makasama dun."

Nag-iba ang expression ni Mama. Alam ko na kung anong iniisip niya.

"Alam mo namang masamang tingnan pag nagsasama ang binata at dalaga diba?"

"Ma naman. Wala naman po kaming gagawing masama. Tsaka Ma, na-prove ko ng hindi niya kayang gawin yun saken, na behave lang talaga kami."

"Ano naman yun?"

"You see, may condo na si Trystan diba? Tapos nag-stay kami dun, nakatulog kami na magkatabi sa kama. Wala siyang ginawa, nirerespeto niya po ko Ma at pinakita at pinaramdam niya po yun."

Nagulat si Mama pero mas pinaliwanag ko sa kanya.

"You trust him that much?"

"Oo Ma, kaya please? Ikaw rin po. Trust him, Ma."

"Musika, alam mong kahit na papayagan kita, ang Papa mo. 100 percent na hindi papayag yun."

"Ma, ang gusto ko po ngayon, di mo sasabihin sa kanya. Di mo sasabihing umuwi ako ng Japan at kasama ko si Trystan. Pati po kay Kuya."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon