CHAPTER 35

15.6K 331 32
                                    

Musika's POV

Umalis ako ng bahay dahil kakain na naman kami sa labas kasama ang barkada. Sinundo ako ni Russel at pinagpaalam ako kay Mama. "San na naman kayo pupunta?" "Kuya talaga oh, KJ." "Boku wa omae ga kikoeru." (I can hear you) Tinawanan ako ni Russel. "Shinpai shinaide. Kanojo no sewa o suru." (Don't worry. I'll take care of her) "Mochiron!" Ba't parang hindi gaanong strict si Kuya pagdating kay Russel pero kay Trystan, napakastrict? Hay nako, Mika. Wag mo na ngang isipin yung lalaking yun. Tsk. "Hayaku ienikaeru" (Be home early) "Oo na! Ojichan!" (Grandpa) "Aitsu--!" (You--!) "Hahahaha!" Hinila ko na si Russel palabas ng bahay. "M-Matta ne!" (See you!) pahabol ni Russel tsaka umalis na kami. "Ang kulit niyo noh?" "Oo, ganon kami maglambingan." "Hahaha! Buti ka pa eh may kapatid ka." Nag-iisang anak lang kasi siya.

Nakita naman agad namin ang kotse ni Jam sa labas ng sinasabi nilang bagong burger house. Pumasok kami at pinagtitinginan pa siya nung mga babae sa kabilang table ha. Naaalala ko na naman si Trystan. Apple of the eye kasi yung lokong yun. Laging pinagtitinginan ng mga babae. Pati tuloy ako najjudge. Hay Mika! Ba't mo na naman ba iniisip yun. May sariling pamilya na yung ex mong yun. Wala nang pag-asang magkakabalikan pa kayo. Sa mundong 'to, temporary lahat. Akala mo siya na, di pala. Maling tao lang pala. Si Russel? Ewan ko nga kung seryoso talaga sakin 'to eh. Remember, womanizer/casanova/fccboi dati 'yan.

At narealize ko nalang bigla na may trust issues na pala ako. How can I trust my heart to someone again when I've been terribly hurt?

Bigla kong napansin si Joyce na napatitig sa labas ng bintana at animoy nakakita ng multo kaya tumingin rin ako sa direksyon na tinititigan niya.

Sana pala di ko nalang siya napansin...

Nakita ko si Trystan na inalalayan si Millicent paakyat sa hagdan at binasa ko ang building na papasukan nila. "OB/GYN Ultrasound Clinic" Napansin ako ni Joyce at sinenyasan akong wag nang tingnan pero di ko maiwasan eh. Hanggang sa nakapasok na sila sa loob. "May problema ba, Mika?" biglang tanong ni Chaldea. "W-wala, wala. Nagugutom lang ako." "Parating na order natin. Baboy mo talaga." Asar sakin ni Kenji kaya dinilaan ko siya. "Para kayong mga bata." Inasar rin namin si Eazer. Usap-usap lang hanggang sa dumating na yung inorder namin. Giant burger nga ang inorder ko eh. "Hep hep hep! Akin lang 'to." "Hala grabe si Musika. Pustahan tayo guys, tataba ulit 'to." "Hahaha! Pano na 'yan?" Asar sakin ni Russel. "Patikim lang naman eh." "Hep! Dyan ka lang Eazer ha. Woy Kenji!" "Hoy para kayong mga bata." "Hahaha! Pag di ko 'to kinaya, ibibigay ko sa inyo." Kinuha ko na ang utensils at kumain na. "Grabe 'tong babaeng 'to. Tao ka pa ba?" "Josha." Puno pa pala bibig ko, mwehehe! "Alam mo rin kasi, sabi ng Mommy ko, don't talk when your mouth is full!" Napatawa ako sa naalala kong sinabi ni Melody sakin nung nasa Jollibee kami at nagtatalo.

"Luh, nakakain lang ng giant burger naging baliw na. Kaloka!" Asar na naman ni Jam. "Hahahahaha!"

Sumilip ulit ako sa bintana at saktong pagsilip ko, nakita ko sila Trystan at Millicent na tumatawid sa daan at parang papunta dito. Kaya ang ginawa ko ay sumiksik sa gilid ni Russel at pilit na nagtago. Patay-malisya lang ako at tahimik na kumain habang nag-iingay sila. I lifted my head to see what they're up to now at napansin silang napatingin sa bandang likuran namin. Lumingon ako at nakita sila Trystan at Millicent na nasa harap namin at nagkatagpo ang mga tingin namin. Hindi ako makapagsalita. Nabulunan ako kaya inabutan kaagad ako ng tubig ni Russel.

Langya. Bakit kayo pumasok dito?!

"Ehem..." binigyan ko ng masamang tingin si Kenji. "U-Uy tol! Musta?" bati ni Eazer. "O-Okay lang. Kayo?" ANG AWKWARD.

Sana naging burger nalang ako ngayon! Sana kainin ako ng inuupuan ko. Sana may bombang sumabog. Juskoooo tulong!

"Hi sa inyo!" Nakakairita talaga ang boses ng babaitang 'to. Ang sarap ipalapa sa titans eh. Hooooo! Charlotte characters, ipasanib niyo sakin ang mga taglay niyong abilidad! Anak ng tukneneng talaga. Ba't ba nagagalit ako. Ex na nga eh. Past is past! EX NA NGA EH ANO BAAAA. Pakiramdam ko ay natataranta ako kaya uminom ako ng tubig. Kinakabahan rin at the same time at parang natataeng ewan. Yung nanlalamig yung buong kawatan ko lalong-lalo na sa tiyan. Bigla akong napatayo at nagpaalam sa kanilang pumunta ng CR. "Samahan na kita." Sumunod sakin si Russel.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon