CHAPTER 36

14.9K 341 10
                                    

"Another bottle please!" sigaw ni Musika sa waiter at wala nang malay. Inaalalayan nalang siya ng mga kaibigan niya. "Ikaw kasi Jam eh, sabing wag painumin si Mika kasi ang bilis malasing." "She needs it to get rid of her thoughts. I'm just tryin' to help our bestfriend, Joyce." Pagtatalo nila Jammie at Joyce. "Guys, enough na. Iuwi na natin 'to." sabi ni Chaldea at sinenyasan sila Kenji na dalhin si Mika sa loob ng kotse ni Jam. "Guys, ang o-OA niyo ha! Hindi--- pa 'ko lasing noh. Hahaha!" inagaw niya pa ang baso ni Russel pero binawi naman agad ito. "Ano ba, pabayaan niyo nga--- ako. Hindi na ako bata!" "Mika, tama na yan. Lasing ka na." awat ni Russel. Katabi niya ito at binabantayan siya. Tinititigan niya si Russel habang ngumingiti at mas lalong naniningkit na ang mga mata dahil sa kalasingan. Hinawakan niya ang mukha ng binata at kinurot-kurot ang pisngi. "Ang cute-cute talaga ng crush ko! Hmmm! Kagigil!" pinipigilan ni Russel ang mga kamay nitong pinipisil ang pisngi niya. "Mika, umuwi na tayo." tumayo si Joyce. "Ano ba Joyceeee. Hindi pa 'ko lasing eeeeh..." 

Nababasag na ang trip ng barkada at inawat si Mika pero tinulak niya si Kenji. "Musika!" Pasigaw na sabi ni Kenji. Nasasaktan siyang makita ang bestfriend niyang nalalasing dahil kay Trystan. Galit na galit siya dito. "Ano Kenji... Ba't galit ka sakin? Wala naman ako ginawa aaah." Paglalambing ni Mika at niyakap-yakap siya. "Nakakainis na ha. Umuwi na nga tayo eh!" "O-kaaaay... Sabi mo eeeh..." Napakalot nalang sa ulo ang mga kaibigan niyang nahihirapan siyang awatin at marami pang tao sa loob ng bar. Nakaabala pa sila ng ibang mga customers. 

"Ayan kasi eh. Ano na namang ipapaalam natin kila Tita?" ani Joyce at pabagsak na umupo sa sofa, sa bahay nila Jam. "Don't worry, akong bahala." Lumapit si Jam sa telepono nila. Wala nga pala ang mga magulang niya dahil treatment schedule ulit ng Daddy nito sa States. May sakit kasi sa kidney ang Daddy niya pero unti-tuni na namang naaagapan naman ito. "Anong sasabihin mo?" tanong ni Jessa. "Na dito muna magssleepover si Musika dahil uuwi na si Jessa bukas." "Wag na wag mong sasabihing may mga kasama tayong lalaki. Di papayagan 'yan." "I know." Kinausap ng masinsinan ni Jammie ang Papa ni Musika at talagang kinakabahan siya habang sinasagot ang mga tanong nito. "Oh my freaking gosh! Nawala ang pagiging tipsy ko ha!" nagpanic si Jam at tinawanan ng barkada habang si Mika naman, nasa loob na ng tutulugan nilang mga babae at natutulog. "Naging lalaki, real quick eh. Hahahahaha!" Inasar siya ng mga kaibigang lalaki. 

Nagmeryenda muna sila at nag usap. "Hindi ka masyadong nagsasalita pag kasama kami tol noh?" tanong ni Eazer kay Russel. "Ah ano... Nahihiya pa kasi ako eh." Inakbayan siya ni Kenji. "Ba't ka naman mahihiya samin? Tangina neto parang di lalaki eh. Hahaha!" "Ulul! Syempre di ko pa kayo gaanong kaclose." Tinititigan lang siya ni Jam at pinagmamasdan ito. Napansin naman siya ni Russel kaya tinanong niya kung anong problema. "Nothing. It's just that... Russel. May tanong ako." inayos ni Jam ang pagkaupo niya. "Seryoso ka ba kay Musika?" Napangiti si Russel. "Oo, sobra." "Weh?" biglang singit ni Chaldea, siniko siya ni Jessa. 

"Kasi diba, we all know na... naging you know... fuccboi ka dati." "Dati yun. May pag-asa namang magbago diba?" "Russel, please. Please be serious. I don't wanna see my bestfriend crying over guys again."Pagmamakaawa ni Jam at napasuklay sa buhok. "Gosh. This is so frustrating." "Wag kayong mag-alala. Mapagkatiwalaan niyo naman ako. Hindi na ako yung dating Russel na nakilala niyo nung highschool." "Talaga brad? Seryosohan ba 'to?" inakbayan siya ni Eazer. "Sa oras na malaman kong ikaw na naman ang nagpapaiyak kay Musika, tol sinasabi ko sayo. Di kita lulubayan. Magkamatayan na tayo. Isama mo pa mga tropa mo. Syempre isasama ko rin sakin!" Natawa sila bigla kay Kenji pero seryoso naman ito. "Pero seryoso nga. Mahal na mahal namin yang si Musika kahit ganyan 'yan. Kaya kung pwede, wala na sanang maging gulo kagaya nung dati. Nagkaroon pa sila ng gap ng namayapang bestfriend niya." ani Eazer. 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon