Chapter Seventeen

28.5K 522 45
                                    

Musika's POV

Nasa Kyanaru Shiti Hakata (Canal City Hakata) kami ni Trystan ngayon para gumala at manuod ng sine, kumain at kung anu-ano pa. Kung pwede lang talaga sanang hindi na umuwi, nako. Sinasabi ko talaga!

Masyadong masaya dito sa Japan eh. Yun bang walang pinoproblema at nag-eenjoy nalang araw-araw? Buti sana kung wala kaming mga magulang noh? Hahaha!

"Grabe, bukas sa Hokkaido na naman tayo pagkatapos babalik na ng Pinas." Sabi niya habang kumakain ng ice cream.

"Ganon na nga. Excited na nga akong makasabay ang Crude Play bukas eh."
Sumimangot naman siya, "Sus. Mas gwapo naman ako sa mga yun." Kinurot ko nga ang pisngi niya.

"Baliw. Inalok na nga tayo ni kuya Shun eh malamang, tatanggi pa ba tayo?"
"Kung sa bagay, di hassle. Makakasakay na rin ako ng private jet ng isang sikat na celebrity! Hahahaha!"

Magsasalita pa lang sana ako nang may mga narinig ako sa kabilang table.

"Onna wa totemo minikuidesu! Naze, onna to sono kakkoi otoko wa nanidesu ka?" (Ang pangit naman ng babaeng 'yan. Bakit ba kasama niya 'yang gwapong lalaki?)

"Tabun sore wa chodo kare no yujin desu." (Baka kaibigan niya lang)
"Souda to i!" (Sana nga)
"Ne!" (Oo nga)

Kumukulo na ang dugo ko at di ko napigilang lumapit sa kanila.

"Kutabare! Busu!"
(Go to hell! Mga pangit!)
Napasigaw ako at tiningnan sila isa-isa,
"I nanda kutte!" (Nakakadiri talaga!)
"Warugaki~ ne?" (Ang sama pa ng ugali, noh?) Tiningnan nila ako mulan ulo hanggang paa.

"Urusai, kono yarou! Watashitachi no ushiro ni hanashi o teishi suru ka hoka no atashi wa, kimi no kubi no uchi subete no anata no nodo o katto! Ii kagen ni shiro!"
(Manahimik ka ngang bw*sit ka! Tigilan mo ang pagchi-chismis samin kung hindi puputulin ko 'yang mga lalamunan niyo sa leeg niyo! Tigilan niyo nga ang pagkakalat niyo!)

"I-Ikou! Tch!" (T-Tara na!) Sabi nung isa nilang kasamang makapal ang eyebrows at umalis na.

Hindi na ako yung Musika na hindi marunong lumaban! Hinding-hindi k ona hahayaang apakan niyo ang pagkatao ko.

"Kono tako!" (Mga octopus na yun!)
Sigaw ko sa kanila. Nagtitinginan nga ang mga tao samin.

"Ano bang nangyari? Nakakahiya ka naman, kin. Ang daming tao, o. May mga kumuha pa ng video nun."
"Basta! Halika na nga." Hinila ko siya.
"Oh, teka lang naman. Masyadong mainit ang ulo mo. Gusto mo pa ba ng ice cream?"

"Nawalan na 'ko ng gana. Nakakainis!"
"Ssshh... tama na, okay?"
Tumahimik nalang ako at umupo sa bench. Inalok niya sakin ang ice cream.
"Ang pangit mong kumain kapag nakasimangot." Asar niya pa.
"Wala ako sa mood."
"Yung kilay mo, o. Sige ka, pag 'yang mga 'yan tuluyang dumikit..."

Di ko na siya pinansin at kumain parin.

"Baka mabulunan ka niyan kin, ha? Ano bang nangyari?"
"Kumain ka na nga lang muna dyan."
"May sinabi ba silang hindi maganda?"

"Tara na nga, punta tayong Ramen Stadium. Masarap dun!"
Umakyat kami sa 5th floor ng Canal City at dun, pinakain ko siya ng Ramen. Iba't-ibang style ng Ramen ang hinahanda at ipinili ko siya ng paborito ko, ang Sapporo-style Ramen.

"Kung ano man yun, Mika, dapat pabayaan mo nalang. Wag kang pumatol sa hindi mo ka-level. Ngumiti ka na nga."

Di parin ako umimik. Naiinis ako. Sino ba sila sa tingin nila para pagsabihan ako ng ganun? Ang sarap nilang ipakain kay Yuki!

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon