Chapter Eleven

33.2K 662 27
                                    

Musika's POV

Para kaming Dora and Boots ni Trystan dito sa Tokyo. Kasalukuyan kaming nasa loob ng Matsuya Ginza, mall dito sa Chuo. Medyo napapagod na nga ako sa kakalakad eh. Mamaya kakain kami ng street foods, ipapatikim ko sa kanya lahat!

"Ang dami mong pinamili ha." Siya kasi may dala ng mga shopping bags ko. Hehehe! "Minsan lang naman yan eh." Kinunan ko ulit siya ng litrato. Para siyang model na naging personal PA ni Musika Mashima. Natawa tuloy ako at sinimangutan pa ako. "Mga babae talaga." Umiling siya at sumunod.

Nasa cafe na kami ngayon para kumain ng matatamis. Pang energize! Beat energy gap. Hahaha!

"Ang hihilig niyo sa fashion." Sabi pa niya at sumubo ng cake. "Kayo rin kayang mga lalaki. Mga papogi masyado." Nag pogi-sign naman siya, "Eh pogi na ako, no need na sakin." I made faces, "totoo kaya." Inaasar niya na naman ako sa mga mapamatay niyang tingin at ngiti.

Aaahh! Wag kang pahalata, Mika!

"Yiieee! Namumula siya o."
"Mainit kasi."
"Sobrang lamig nga eh tas kumakain ka pa ng ice cream sandwich. Sus, dami mo talagang palusot, Musika."

"Ewan ko sayo, Trystan." 
"Kinikilig 'yan."
"Mukha mo."
"Sobrang gwapo."
"Kapal." Parang Siopao na hindi galing sa Chowking!

"Mahal mo naman."
"Asa ka."
"Mahal na mahal pa nga eh." 

Yang ngiti mong 'yan Trystan, ha!

"The day after tomorrow, pupunta naman tayong Osaka. Tapos siguro after 2 days again, Fukuoka, then lastly sa Hokkaido." 

"Sasakay tayo nung bullet train?" 
Parang bata talaga si Trystan pag nae-excite. Sobrang hassle ng bakasyon namin dito noh? Bahala na basta gusto kong ipakita kay Trystan ang mga lugar na pinanggalingan ko! Kung pwede lang, lahat ng mga favorite places ko dito sa Japan ay pupuntahan namin pero kulang na kulang sa oras. I'll save those moments nalang. Hopefully, someday. Trystan and I could live here when we get married. Charot!

Hindi naman natin siguro malalaman ang mangyayari in the near future pero kung gusto nating matupad nga yung gusto nating mangyari, we'll work for it. We'll find ways! BDO lang? Hahaha! Kahit ano pa ang mga mangyari, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, 'til death do us part. Ay, hahaha!

"1 week lang tayo dito diba?"
"Hmmm.. Pwede naman tayong mag-extend. Siguro?"

Nga naman. Gaya ng sinabi ko, kung gusto mong mangyari ang gusto mong mangyari, gagawa ka ng paraan!

"Papagalitan ka ng parents mo." 
"Maiintindihan naman nila."

"What about your Dad?" 

Napaisip ako. I lied to him and Kuya for the first time. Napapa-paranoid na tuloy ako.

9 PM nang makauwi na kami at sobrang nangangalay na ang mga paa ko but we had so much fun! Ready na nga kami para matulog pero babad pa ako sa internet. Ka-chat ko sina Joyce sa groupchat namin sa messenger. Online nga silang lahat eh. Nagsesend ako ng voice messages at videos pati pictures sa kanila. Si Trystan? Nasa kabilang sofa, nanonuod ng soccer. 

"Inggit sina Kenji, kin o."
"Bakit naman?"
"Gusto rin nilang makapunta dito. Hahaha!"
"Sabihin mo, bilisan nila. Ngayon na." 

Biglang tumunog ang doorbell at paglabas ko ay nakita ko si Etsuko. Kinabahan ako dahil baka isa sa mga tauhan ni Papa. Grabe pa naman ang connections nun dito. Heto na nga bang sinasabi ko basta nagsisinungaling eh... Paranoid ka lagi.

"Mika-chan!" She waved her hand. "Dozou, dozou!" (Pasok ka, pasok ka)
Umupo kami sa sofa pagkadating namin sa sala. "Ah, domo." (Hello) Bati niya kay Trystan nang makita niya itong nakahiga lang. "Hello!" Umayos siya ng pagkaupo, nahihiya ata kay Etsuko. Hahaha!

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon