Chapter Thirty One

17.5K 425 12
                                    

Musika's POV

"Ma, ano bang mga pinaglihi ninyo sakin nuon?"

Umupo siya sa tabi ko at inalala ang tanong ko. "Nako, anak. You wouldn't believe it. Sobrang pinahirapan ko nga ang Papa mo nuon para lang maibigay sakin ang gusto ko." Tumawa naman siya. Ano kayang ibig-sabihin ni Mama?

"Ano yun, Ma?"
"Well, takam na takam ako nuon sa crispy na balat ng letchon."
Natawa naman ako out of disbelief.
"Talaga, Ma? Letchon?! Kaya pala... Kaya pala ang taba ko nuon eh."

"Hahahaha! At talagang gusto ko pa na ang Papa mo ang magluto! Alam mo ba kung anong ginawa ko? Umuwi kami ng probinsya, dun sa Lolo't Lola mo para maturuan siya ng Uncle mo kung pano mag ihaw ng letchon dahil nga gusto kong siya mismo ang magluto para sakin. You have no idea, anak. Sobrang tuwa ng Papa mo nun kahit na hirap na hirap siya. Tapos pinaakyat ko pa siya sa puno ng pomelo kasi gusto kong siya mismo ang pumitas."

Napalakas ang tawa ko dahil hindi ko lubos-maisip na ginawa yun ng Papa ko. Si Papa na tahimik lang at nakakatakot. Pagdating kay Mama, nagiging maamo siya. Ang saya siguro nila nuon...

"Eh kay Kuya naman, Ma?"
"Hay nako, maselan ang pagbubuntis ko dyan sa kuya mo. Wala akong ibang gustong kainin nuon kundi Curry lang then strawberries na isinasawsaw ko sa suka na may asin. Ang weird, noh? Nasa Hokkaido lang rin kami nuon at diring-diri ako sa amoy ng isda or any seafood. Kaya nga pag kumakain ang Papa mo ng may sushi o ano pang may fish, talagang pinapalayo ko siya sakin. Kawawa nga pala ang Papa mo nuon sakin, noh?" Natawa ulit siya.

"Musika, anak. I know you're starting to feel that same experience I had. Sana tulad ng Papa mo, hindi ka pababayaan ni Trystan. Miski ako, mahihirapan ako pag wala si Papa mo sa tabi ko habang pinagbubuntis ko kayo nuon. Lagi akong umiiyak kasi I was like obsessed with your Papa's scent," tumawa si Mama. "Eh lagi siyang busy sa company. Kung strikto ang Papa mo ngayon, nako! Ten times naman ang Lolo mo. Ayaw niyang pinapabayaan ng Papa mo ang responsibilities niya sa company kaya wala akong magawa nuon. Iniiyak ko lang tapos tinitingnan ang pictures namin together sa photo album. Maraming beses pang hindi siya nakakauwi for how many days pero I tried my best to understand him and it made me stronger."

Okay pa naman kami ni Trystan ngayon. So far, nadi-distract ko naman ang sarili ko pag nakakaramdam ako ng pagkakamiss sa kanya eh. May video calls naman kaya okay lang...

Parang ang sarap kumain ng marshmallows ngayon, ah. Matingnan ko nga sa kusina kung may stock. Nagpaalam muna ako kay Mama at iniwan siya sa garden. Sila kuya at kuya Shun naman ay nasa gameroom, as usual. Yun nga lang, napapansin kong umiiwas sakin si kuya Shun. Ewan ko nga eh kung bakit. Siguro OA lang talaga ako ngayon.

"Yun!" Kinuha ko naman ang isang pack ng marshmallows at umupo sa counter. May natitira pa naman sa binili ni Trystan kanina. Ang sarap, swear! May pinahanda ring prutas si Mama para sakin kaya kinain ko na rin. Wala pa ngang dinner eh, baka busog na ako neto mamaya. Naalala kong may research pa pala akong gagawin kaya pinadala ko nalang sa kwarto ko ang mga pagkain. Bigla naman akong napalingon sa phone kong may missed calls na pala ni Trystan. Kumain muna ako saka siya tinawagan.

"Hello?"
["Kin. Kumain ka na ba?"]
"Nagmemeryenda ako ngayon. Marshmallows! Gusto mo ba?"
["Sweets na naman. Ikaw ah, kumain ka rin po ng gulay para healthy si baby."]

Heatlhy naman ang marshmallows, diba?

Healthy ba?

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon