CHAPTER 37

14.5K 355 35
                                    

Pauwi na kami at hindi raw kami maihahatid ni Jam dahil may departmental meeting sila. "Hello?" napalingon ako kay Russel. May tumawag sa kanya, sino kaya 'yon? "Boo!" "Kainis ka talaga." Sinimangutan ko si Kenji. "Ano na namang pinag-iisip mo dyan, ha?" tanong niya at inakbayan ako. "Wala! Dun ka nga." "Ang sungit! Namiss lang kitang baboy ka eh." "Baboy ka dyan. Di mo parin ba tanggap 'tong katawan ko ngayon ha?" "Hindi, mas maganda ka naman nung mataba ka pa eh." "Neknek mo! Bola pa." Bigla niyang kinurot ang braso ko. "Araaay! Masakit ha." "See? Wala na 'kong tabang makukurot sayo eh." "Ewan ko sayo, bumili ka ng unan dun." Tumawa siya. "Mika," napalingon ako kay Russel. "Si Mama bigla akong pinapauwi eh. Hindi kita mahahatid pauwi?" "Sige, okay lang. Magpapahatid nalang ako kina Kenji." "Sigurado ka? Pasensya na talaga ha?" "Walang problema," ngumiti ako. "Ingat ka sa pagmamaneho." Ngumiti siya at nagpaalam sa iba. 

Pero ihahatid rin ni Kenji si Jessa. Okay lang kaya? Baka magselos yun! Hahaha! "Hindi, sasabay nalang ako kina Eazer. Hoy unggoy! Dahan-dahan lang sa pagmamaneho ha? Text mo nalang ako pag naihatid mo na 'tong si Mika." "Oo na po, madam!" Naiiyak tuloy ako, matagal-tagal na naman naming makakasama si Jessa. Babalik na kasi sya dun sa Lola niya eh. Sembreak is over. Matapos ang mahabang yakapan at pagdadrama at konting pag-uusap nila ni Kenji ay nauna na silang umalis. Sakay ni Eazer si Cha at Jessa habang si ako at si Joyce naman ang ihahatid ni Kenji. "Baka maflat 'tong gulong ko sayo, Joyce ha?" "Heh! Flat kita dyan eh." "Hahaha! Grabe di talaga mabiro!" Naunang umangkas si Joyce habang ako naman sa pinakahuli. Una naman niyang naihatid si Joyce. "Nagutom ako. Kain muna tayo?" biglang sabi ni Kenji at tumigil sa mga streetfood. "Namiss kong kumain ng mga ganito." Nakakita ako ng kwek-kwek at naalala ko si Trystan. Naman eh! 

"Alam kong paborito mo 'to!" tinuro ni Kenji ang Kikiam at Tempura na niluluto sa isang malaking kawali. "Libre mo 'ko? Hahaha! Fifty nalang pera ko dito." "Ayoko nga, dapat nga ikaw manlibre eh." "Oh sige, since ihahatid mo naman ako." "Joke lang! Ako taya ngayon." Kumuha ako ng stick at tumuhog ng maraming kikiam at tempura. My most favorite part is the sauce. Ang sarap kasi nilang magluto ng sauce eh. Hahaha! Iba talaga ang sarap ng streetfoods, swear. "Takaw noh?" kinausap ni Kenji ang tindero. "Wag mo nga 'kong pansinin. Kukuha pa po ako ha?" Magkano na ba lahat?" binilang ng lalaki ang kinuha ko. "Ilan po ba ang kinuha niyo kanina, ma'am?" Uhhhh... "Di ko maalala eh." "Jusko." tinawanan ako ni Kenji. "Sige lang boy, sosobrahan ko nalang bayad ko." "Sige po." Natawa ako at medyo nahiya pa, may mga kumakain rin kasi sa gilid eh. Lumalabas talaga pagiging matakaw ko oh.

"Ang ganda mo naman para kumain ng streetfood, miss. Mukhang mayaman ka pa." Nagulat ako isang lalaking customer na kumausap sakin. "A-ahh hindi naman po." "Takaw nga eh." Kenji talaga, asar! "Kuya talaga oh kung anu-anong pinagsasabi." "Boyfriend mo?" tanong niya at tiningnan si Kenji. "Hindi ah! Bestfriend po." "Boyfriend niya ako. Bakit?" Sinapok ko siya ng mahina. "Wag kang maniwala dyan. Baliw yan eh. May saltik ang utak." "Ang sama niya pong girlfriend noh?" Bwisit talaga 'tong isang 'to oh. Ang hilig talagang mangasar eh. 

"Matagal pa? Ilang sticks na ba nakain mo?" "Teka lang naman, gusto ko pa eh!" Tiningnan niya ang hawak kong sticks. "Nak ng--- ang dami na niyan Musika oh!" "Pake ko? Pinapalaki ko lang ang babayaran mo noh." Dinilaan ko siya. "hoy bente lang pera ko dito." Muntik na 'kong mabulunan. "Seryoso ba 'yan?" Tiningnan ko ang kinakain ko at parang nawalan na 'ko ng gana. Ngumiti ako sa tindero. "Itutusok ko talaga sayo 'tong sticks eh." "Seryoso nga. Hala. Malay ko bang aabot sa ganyan karami ang kakainin mo." Inubos ko na ang natitira at tinapon ang mga sticks. "Baliw ka! Di mo sinabi!" Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at nilabas ang 50 pesos ko. "Tamo! Fifty lang!" "Jokeeee!" "Bwisit ka talaga!" sinuntok ko siya at pagkatapos ay binayaran niya na. "Nauuhaw ako. Bilhan mo ko ng softdrink." "Aba! Ang demanding mo Musika ha!" "Sabi mo ikaw ang taya. Nilulubos ko lang." Wala naman siyang nagawa at binilhan ako ng softdrink pagkatapos ay umupo ako sa pwedeng maupuan para uminom. "Ang baboy talaga." Mahinang sabi niya pero narinig ko. "Anong sabi mo?!" "Ha? Pinagsasabi mo?" nilabas niya ang cellphone niya at nagtext. 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon