Chapter Thirteen

32.7K 598 35
                                    

Musika's POV

"O, ano? Masarap noh?" 
Tanong sakin ni Trystan nang sinubuan niya ako ng niluluto niyang adobong manok.

"Hmmm..." Ninanamnam ko ang lasa nito at hindi ako makapaniwala sa sobrang sarap. Kakaiba sa luto ng Mama ko o ng chef namin sa bahay.

Talaga bang siya ang nagluto ng adobong 'to? GRABE. SOBRANG SARAP. Yung matamis-tamis tapos parang andami niyang hinalong sangkap dito at medyo oily pa.

"Silence means yes!"
"Tataba ata ako ulit sayo, kin pag ganito niluto mo." Ang lapad ng ngiti niya habang hinahanda ang mesa. "Specialty ko 'to eh. Turo sakin ng Lolo ko. May resto rin kasi sila sa probinsya at ang Tito ko naman nagmana. Chef din siya eh."

Kaya pala ang sarap ng niluto ni Tita nung first time niya akong pagdalhan ng muffin nuon.

"Sabi ko na eh." Natatawa siyang pagmasdan akong kumain. "Ngayon lang ata ako nakakaubos ng ilang bowl ng rice simula nung mag diet ako. Ang sarap talaga, kin. Thank you dito, ah?"
Dinagdagan niya pa ng adobo ang plato ko. No chopsticks this time. Nakakamiss talaga ang lutong pinoy! 

"Nahiya naman ako. Culinary Arts nalang sana kinuha mo." Sabi ko sa kanya nang matapos kaming kumain.
"Hahaha! Sus. Di ko na kailangang pag-aralan ang pagluluto."
"Pakisarado ng bintana, sobrang hangin na naman eh." Tiningnan ko ang tyan kong sobrang busog. Grabe, nakakamiss naman kumain ng marami sa breakfast. Simula kasi nung mag diet ako, hindi na ako masyadong kumakain ng rice for breakfast. Kadalasan kasi pancakes, waffles, oatmeal or cereal ang kinakain ko nuon.

Nag-grocery kami para sa kakainin mamaya sa party. Kung posible lang sana na maimbitahan ko lahat ng mga kaibigan ko ngayon, gagawin ko talaga. Bakit ba kasi ang layo-layo. Hahaha!  

Tinawagan ko mula sa telepono ang matalik na kaibigan kong si Koharu mula dito. Syempre naman yung mga telephone numbers ng mga kakilala namin dito ay nakalagay sa phone book kaya keep in touch parin kaming lahat.

["Moshi-moshi!"] (Hello- on phone)
"Ne, Koharu-chan! Musika desu!"
(Hey, Koharu! It's Musika)
["Eh? Musika?! Hisashiburi!"]
(It's been so long)
"Hisashiburi! Ne, anata ga watashinoie ni kimasu ka?" (Long time no see! Pwede ka bang pumunta dito sa bahay ngayon?)
["Anata wa ima... imidesu ka?!"] (Ibig mong sabihin, ngayon na?)
"Hai!" (Oo!)
["Mochiron! Mayu-chan o motarashimasu."] (Sige ba! Dadalhin ko si Mayu)
"Sou! Jaa na!" (Okay! Kitakits!)  

Si Mayu ay ang kapatid niya at kaibigan ko rin. Magpapatulong ako sa kanilang mag-decorate. Their house is just 3 blocks away from ours. 

"Sino yun?" Tanong ni Trystan.
"Si Koharu. Magpapatulong tayo sa kanilang mag prepare dito para sa party mamaya." He sighed.
"Ah, okay. Mao-OP na naman ako neto."
"Tutulungan naman kitang mag-translate eh. Tsaka 'yang si Koharu, marunong naman mag english yun kaya makakausap mo siya ng maayos."

Maya-maya lang ay nag ring ang doorbell at nakita ko sina Koharu sa monitor at lumabas ako para salubungin sila sa gate.

"Eh?! Mika-chan?! U-Uso!" (Mika? Di nga?!) Di makapaniwala nilang bungad sakin nang lumabas ako sa gate.
"Yabai!" (Amazing!) Bungad naman ni Mayu at nagyakapan kaming tatlo.
"Uwaa! Arienai itsuno!" (Di kapani-paniwala!) Hinahawakan nila ang braso at pisngi ko ngayon. Ang kukulit parin pala talaga nila. Hahaha!

"Kawaii ja, Mika-chan!" (Ang cute mo lalo, Mika) Ani Etsuko. "Ne? Kawaii desho!" (Diba? Ang cute niya!)
"Maa..." (Well...) Tanging nasabi ko nalang dahil hindi parin sila kumakalma ngayon. Hahaha!
"Ureshikatta. Hontoni!" (Ang saya ko para sayo. Sobra!) Niyakap ako ni Mayu. Naiiyak ako sa mga compliment nila sakin. Nakakatuwa, nakakataba ng puso.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon