Chapter Thirty Two

18.8K 423 40
                                    

Trystan's POV

Buntis ako at ikaw ang ama! Naiintindihan mo ba yun, kuya Trystan?! Mag iisang buwan na!

F*cking sh*t.

Yun lang ang masasabi ko. Anakn ng p*ta talaga! Sa sobrang saya ko na magkakaanak na kami ni Musika, muntik ko nang makalimutan na may nangyari pala sa amin nung Millicent.

Trystan, ba't ka pa nabuhay, g*go ka? Anong gagawin mo ngayon?! Papaano ko matatakasan ang problemang ito? Wala na akong mukhang maihaharap sa pamilya ko, sa mga kaibigan ni Musika at lalong-lalo na sa pamilya niya.

Naghihintay nalang kami ng kasal!

Natauhan ako nang makarinig ako ng tawa mula sa likod at nakita ko kaagad si Russel na kasama si Musika.

Teka, anong ginagawa nila dyan?!
Pinatay ko ang cellphone ko at itinago ito sa bulsa. Patay na, kanina pa ba sila dyan? Teka, narinig ba nila na may kausap ako sa phone?

"Russel."

Lumingon sila sakin.

"O, Trystan. Andyan ka pala. Kanina ka pa hinihintay ni Mika dito."

Oh, sh*t. Hindi malabong narinig ni Mika ang mga sinabi ko pero base sa expression niya ngayon, mukhang wala naman.

"Ah, kausap ko kasi yung-- yung kasamahan ko sa project eh. May problema kasi kaya..."

"Ganun ba? Ge, ge. CR muna ako."

Ginulo niya muna ang buhok ni Mika bago umalis. "Tara na, kin?"
Hinawakan ko ang kamay niya at bumalik kami sa pwesto naming kasama sila Kenji. Kanina pa nga siya bantay nang bantay kay Mika. Pucha naman, bakit lahat ata sila nakabantay kay Mika? At parang lahat ng mga nagkagusto sa kanya eh nandito.

Nakakatawa. Iinom ko na nga lang 'to ng alak! Bwis*t na buhay 'to!

"Kin, swimming lang kami ha?"
"Okay, susunod ako."
Tinabi ko ang phone sa mesa at siniguradong nakapatay ito. Mamaya tumawag pa yung baliw na yun.

"Anong susunod ka, ha? Hindi!"

Bigla akong binuhat nila Kenji at Eazer sabay itinapon sa pool. Tawa kami nang tawa hanggang sa sinunod naman nila si Russel.

"Mga g*go!" Sigaw naming dalawa.

"Ops! Akala niyo, ha!"

Mas lumakas ang tawa nang itulak rin sila nila Masaru at Shun. Lumangoy ako malapit kay Musika para alalayan siya kahit papaano at umupo kami sa gilid habang naglalaro naman ng talsikan ng tubig ang iba. "Kin, umahon ka na pag giniginaw ka na, ah?" Tumango si Musika at sumandal sa braso ko.

Now Playing: "What Lovers Do"
by Maroon 5 ft. SZA

Mika, I'm so sorry. Gusto kitang protektahan, hindi mo dapat malaman ang nangyari kay Millicent. Patawarin niyo 'ko ni baby. Hindi ko ginusto ang nangyari. Lasing na lasing ako nuon...

"Kin? Okay ka lang?" Natauhan na naman ako nang kausapin ako ni Musika. "H-Ha? Oo, naisip ko lang yung problema sa project."

"Sorry, kin. Naging busy ako lately... Sana mapatawad mo 'ko."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon