CHAPTER 47

16.2K 377 93
                                    

Musika's POV

"Oo na nga eh, tumaba na ako." Walang gana kong sagot sa kanila. Pinuntahan ako nila Jessa, Jammie, Kenji at Eazer dito sa bahay. Kakauwi nga lang kahapon netong bruha eh. Sina Chaldea't Joyce naman, next week pa ang uwi. "Grabe, excited na akong bumalik ang dating Musika." Sabi ni Jessa at pinagtatawanan ako. "Ang sama-sama niyo sakin. Eh ano naman kung tumaba ako ulit diba? Tsaka mas maganda buhay ko nung mataba pa ako." "Pano na si Russel?" "Bahala siya." Napasimangot na naman ako't napasandal sa inuupuan. Gagala sana kami pero lumakas ang ulankaya tinamad na kaming lumabas. "Hoy! Tigilan niyo nga 'yan. Ayokong magkalanggam 'tong kwarto ko." Bungad ko kina Jessa at Kenji na nagkukulitan sa harap ko. Iniinis ako eh. Aaaaarrrgh! Ang bitter-bitter ko na! Nakakalungkot! 

"Bitter si ateng! O siya, dun nga kayo sa guest room guys. Kanina pa kayo ha." Natawa ako sa sinabi ni Jam. "Miss ko na tuloy si Cha." Si Eazer naman at nilalaro lang ang cellphone. "Hoy, magsi-aral nga muna kayo. Puro kayo landi eh." Pinagtawanan lang ako ng mga loko. Tumabi naman si Eazer sakin at kinurot ang braso ko. "Ang laki na oh." "So?!" Naiinis talaga ako, di ko alam kung bakit. "May mens ka ba?" Tanong niya sakin. "Wala! Gutom lang siguro ako." Ngumiwi siya. "Hala ka, RIP Miss Instrams 2015." Pangaasar ni Kenji. "Tara guys, kain tayo sa labas?" Sabi naman ni Jam kaya tumayo agad ako't kinuha ang phone ko. "Sige, tara! San?" Napanganga lang sila sakin at hinintay ko lang na sumagot si Jam. "Ang lakas pa ng ulan oh. Gusto ko ngang matulog." Humiga si Eazer sa kama ko. "Woy! Kama ko yan! May bayad!" "Grabe 'to!"

Kinuha ni Kenji ang gitara ko't nagsimulang tumugtog. Nakatingin siya sakin. "I met you in the dark, you lit me up... You made me feel as though I was enough. We danced the night away, we drank too much... I held your hair back when you were throwing up." Hindi ko alam kung akong irereact ko. Nakatitig lang siya sakin habang kumakanta at di ko alam kung anong meron sa mga titig na 'yon. Napatingin ako kay Jessa na baka napansin si Kenji. Tulala lang siya at walang expression. Tumawa ako para sirain ang aura na namamagitan samin. "Kumakanta pa nga ako eh." Pagrereklamo ni Kenji. "Eh ampangit ng boses mo eh." Pangaasar ko naman.

Di naman siya nakinig at pinatuloy parin ang pagkanta. "I knew I loved you then but you'd never know... 'Cause I played it cool when I was scared of letting go. I knew I needed you but I never showed... But I wanna stay with you until we're grey and old... Just say you won't let go... Just say you won't let go." Pumalakpak ako para di halatang naiilang ako. "Wow! Galing talaga ni bestfriend!" Ngumiti naman siya, nakatingin parin sakin. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko, mabubulol ata ako. Nilingon ko si Eazer na natutulog, si Jam na busy sa phone niya at... si Jessa na tulala parin. Parang may gustong sabihin sakin si Kenji sa mga expression niya pero baka assuming lang talaga ako. Inagaw ko nalang ang gitara sa kanya at tumugtog ng "Paris" by The Chainsmokers. Nakakailang ang mga titig na binibigay ni Kenji sakin. Sinimangutan ko siya pero tinawanan niya lang ako. Inagaw niya ang gitara at tumugtog ulit. "Inaantok ako sa mga kanta mo eh." Humiga ako at tumabi kay Eazer. "Usog nga!" Tinulak-tulak ko siya pero mukhang tulog na nga talaga. Bigla ba naman siyang gumalaw at niyakap ako, ginawa akong unan! 

"Eazerrrr! Ang bigat ng paa't kamay mo!" Hindi niya ako pinansin at inaalis ko ang kamay niya pero ayaw magpaawat. "Hoy Eazer!" Sabi naman ni Kenji at ginising siya. "Ano ba! Natutulog yung tao eh!" Minulat niya ang isa niyang mata at napatingin sakin pero mas yumakap pa ang kupal at natulog ulit. Bigla namang may tumunog na camera at cellphone pala 'yon ni Jammie. "Hoy! Jaaam! Burahin mo 'yan, isa!" "No freakin' way! I'm gonna post this on Facebook!" Hindi ko maagaw ang phone niya dahil nga nakayakap sakin si Eazer kaya wala akong nagawa. "Makikita ni Chaldea yan! Baliw ka ba?" "So? We're all friends here! OA mo te ha." Waaaahhhh makikita nilang tumaba na ako't aasarin na naman ng mga nakakilala sakin. "Hoy Eazer ha! Sobra na 'yan." Biglang inalis ni Kenji ang pagkayakap sakin ni Eazer at dinaganan niya 'to. "Ano ba! Ang kukulit niyo, yung kama ko masisira!" Bumangon ako habang natatawa sa pagwwrestling ng dalawa at tumabi kay Jessa. 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon