Four

13K 444 2
                                    

Hinatid ko hanggang sa bahay niya si Majah. She's still shaking mula sa nangyari sakanya kanina. I can't blame her, nakakatakot nga naman kasi yun. Tsaka gabi na din kaya nag offer na kong ihatid siya.

Kasama namin hanggang ngayon si Lucas, nakasakay siya sa likod. Gustuhin ko mang iwan siya kanina hindi naman pwede dahil wala daw siyang dalang sasakyan at baka biglang magising yung mga punks at pag tripan siya.

"Nandito na tayo." I said nang makarating kami sa tapat bahay nila.

"Salamat sa pag hatid at sa tulong."

"Welcome." Bumeso lang siya sakin tsaka bumaba ng kotse. I look at Lucas from the mirror. "Ikaw, dito ka maupo sa harap hindi mo ko driver."

"Ang sungit mo talaga sakin."

"Sumunod ka nalang!" Irita kong sabi. Ang dami pang sinasabi di nalang sumunod, nag papaawa look pa akala mo naman effective.

Bumaba siya ng kotse mula sa likod tsaka umupo pumunta sa harap kaya yung ngisi niya lumaki na naman, habang nakatitig sakin.

"Wag mo kong titigan baka dukutin ko mata mo!" I warned.

"Ang sweet mo talaga."

Urgh! Nakakainis talaga siya, feeling ko nga kahit wala siyang gawin maiinis padin ako sakanya eh. Napaka hanhin kasi, siguro kung hindi puro kalokohan laman ng bibig niya baka magkasundo pa kami.

Sinimulan ko nalang ang pagmamaneho at nag patutog sa loob ng sasakyan para di niya ko kausapin, magandang idea diba?

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng biglang may sumulpot sa harap namin na isang tao kaya bigla akong na preno sa gulat. What the fuck!

Tinignan ko ulit yung humarang sa daan namin at laking gulat ko na hindi naman pala tao ang muntikan ko ng mabundol kundi isang bampira, pinakita niya yung pangil ng isang bampira at pula nitong mga nakakatakot na mata, habang nakangiting nakatitig direkta sakin.

Shit! Alam ba niyang half vampire ako?

Kung alam ko lang binundol ko nalang sana siya kanina.

"Dito ka lang." Kalmadong sabi ni Lucas habang nakatingin dun sa Bampira, teka hindi manlang ba siya natatakot?

Aakma sana siyang buksan yung pinto pero pinigilan ko. "Anong gagawin mo?" Tanong ko. Tumingin siya sakin at unti unting naging pula ang mga mata nito.

Shocks! Lucas is also a vampire?

"Papatayin ko siya." Hindi na ko kumontra at hinayaan siyang bumaba ng kotse ko at harapin yung isang bampira.

Pero nang makitang nung bampirang humarang sa daan namin na bampira din pala si Lucas umalis din naman agad ito at nawala na parang bula.

Nanatili lang ako ng kotse ko habang yung katawan ko ay parang na paralyzed sa dalawang bampirang nakikita ko kanina, ito ang unang beses na makakita ako ng dalawang bampira na mag kasama sa iisang lugar maliban sa mga magulang ko at pareho silang.. nakakatakot.

Hindi ako makapaniwalang katabi ko lang kanina ang isang bampira.

Dahan dahang humarap sa direksyon ko si Lucas nang tila masigurado niyang wala na yung isang bampira, yung nga mata niyang nakakatakot at handa ng pumatay ay nag balik na sa normal. Dahan dahan siyang nag lakad papalapit sakin, kaya nakaramdam ako ng kaba.

Pero nag karoon parin ako ng lakas ng loob na bumaba ng kotse ko at humarap sakanya, hindi naman siguro siya bad vampire dahil kung OO kanina pa niya ko kinain at pinatay or pwede ding humahanap lang siya ng pagkakataong gawin yun kaya di ko parin ibinaba ang depensa ko kung sakaling sakmalin niya ko.

"I'isa kang bampira?" Hindi parin makapaniwala kong sabi.

"Ganun na nga." Kalmado niyang sabi habang nag lalakad padin papalapit sakin.

"Alam mo yung tungkol sakin?"

"Oo."

"Bakit di mo sinabing bampira ka?"

"Dahil alam kong lalayo ka. Hindi kita sasaktan Amber, maniwala ka dahil kung gusto ko talagang gawin yun noon ko pa ginawa."

Bakit ba hindi ko manlang napansin na bampira siya? Bakit hindi ko manlang sinubukang pakingan yung puso niya kung tumitibok ba o hindi, dahil sa totoo lang tibok ng puso lang ang paraan upang malaman kung bampira ang tao o hindi. Ang puso ng bampira hindi na tumitibok dahil nga patay naman na talaga sila.

"Kung ganun anong plano mo at ginulo mo ko at lagi kang nakadikit sakin?"

"Gusto kitang protektahan."

"Bakit mo naman gagawin yun?"

"Hindi pa ba, obvious?" Tanong niya and in just a blink of eye nasa harap ko na siya. Hinaplos niya ko sa pisnge gamit ang likod ng kamay niya. "Gusto kita, Amber."

He slowly bends his face and kisses my lips, softly.

"Umalis na tayo dito, baka nasa paligid lang yung bampira kanina." He said after the kiss. I just nodded my head to him.

Hinawakan niya ko sa kamay at ipinaglapat ang mga palad namin na parang isang couple tsaka kami nag lakad papunta sa kotse.

Binuksan niya yung pinto sa passenger seat. "Ako na ang magmamaneho, i don't think na kaya mong mag maneho." He said. Tama siya after ng lahat ng nangyari, i don't think na kaya kong mag maneho. Mabuti nalang at hindi ko mabundol din yung bampira kanina dahil paniguradong hindi na ko papalabasin nila Papa sa bahay pag nalaman nilang may humarang na bampira sakin at may nagkakagustong bampira sakin.

Hindi ko alam kung totoo bang gusto niya ko kasi naman playboy siya. Pero yung itsura niya ngayon malayong malayo sa itsura niyang pagiging playboy sa school.

Nang makasakay ako ng passenger seat si Lucas naman ang sa driving seat tsaka namin sinimulan yung byahe.

Until now windang pa din ako sa nakita ko at nalaman ko, pero isa lang ang ikinaluwag ng dibdib ko buti nalang wala na si Majah nung magpakita yung bampirang yun.

Hinatid ako ni Lucas hanggang sa kanto lang malapit sa bahay namin dahil baka maramdaman siya ni Papa kaya naisip naming hanggang dito nalang siya.

"Salamat sa pag hatid." Mahina kong sabi.

Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito ng hindi inaalis sa ang tingin sakin. "Welcome." Bumaba na siya at bigla nalang nawala sa paningin ko. Lumipat ako ng driving seat tsaka sinimulang mag maneho papalapit sa bahay.

The Immortal's SecretDove le storie prendono vita. Scoprilo ora