Ten

10.9K 444 25
                                    

Pinapanuod ko lang si Lucas sa pag luluto at aaminin ko magaling siyang kumilos sa pag dating sa kusina at ang gwapo niyag tignan. Na amin ko naman ng gwapo talaga siya diba? Kung ganun uulitin ko ulit na gwapo siya. Mas lalo siyang gumagwapo habang nagluluto.

Tumingin siya sakin habang busy siya sa pag luluto kaya nakipagtitigan lang ako sakanya. He slowly showing his smirks. "Wag mo kong tignan ng ganyan, nakalimutan mo na atang nandito ka sa bahay ko."

I blink rapidly. "Bakit ano bang tingin ang gusto mo?"

Ginamit niya yung bilis niya at lumapit sakin. Hinawakan niya ko sa chin at inangat ang ulo ko para magtama ang mga mata namin. "Ayos na sakin yung simpleng tingin lang wag kang makikipag titigan dahil marupok ako at mabilis maakit lalo na sayo."

I slapped his hand using the back of my hand. "Magluto ka nalang, dahil pag nagsalita ka pa ng kamayakan.. uuwi ako."

He laughed. "Okay, baby." He winks.

Tulad nga ng sabi ko bumalik nalang siya sa pagluluto niya. Masunurin naman pala siya. "Alam mo wala sa awra mo ang marunong mag luto." I comment.

"Sabihin nalang natin na may kakilala ako noon na mahilig kumain kaya nag aral akong magluto." He said not bothering himself to look at me.

"Oh-wow! Ex ba?" I asked.

"Hindi naging kami."

"She must be really special para magaral si Lucas Lawrence magluto." Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kunting selos sa kung sino mang babae yun.

"Where is she now?" I asked again.

"I don't know." Humarap siya sakin at tumingin sa mga mata ko ng sobrang seryoso. "Let's not talk about her."

"Last nalang.. vampire ba siya?"

"Oo." Tumalikod nalang ulit siya at nag focus sa pagluluto. Dahil ayaw na niyang pag usapan tumahimik nalang ako dahil baka magalit pa siya pag nag tanong ako. Teka kailan pa ko nag alalang magagalit siya sakin? Shocks! Kasalanan to ng mga labi niya.

Natapos siya sa pagluluto at tumulong na ko sa paghahain, nakakahiya naman kasi siya na nga nag luto wala pa kong gagawin. Nang makapag hain kami, nag simula naman na kaming kumain and i must say.. this is really good.

"You liked it?" He asked, smirking.

"I love it." I said chewing. He grins at me, inilapit niya at ginamit niya yung thumb niya para punasan ang dulo ng labi ko.

"Kung alam ko lang na matakaw ka edi sana dinamihan ko ang pagluluto." He teases.

"Kasalanan mo dahil sinarapan mong magluto."

He laughed. "Okay, next time di ko na sasarapan."

"May next time pa?"

"Oo, syempre naman." Hinalikan niya ko ng mabilis sa labi kahit na may laman pa yung bibig ko.

"Nakakadami ka na ng halik ah!" Pagaangal ko.

"Ang sarap mo kasing halikan eh."

"Manyak ka kamo!"

He smirks playfully. "Gusto mong malaman ang meaning talaga ng manyak? Ipapakita ko sayo."

"Subukan mo lang!" I warned.

He laughed at my reaction. "Mabuti pa, bilisan mo na dyan baka hinahanap ka na sainyo."

Shocks! Tama siya, siguradong paktay ako nito kay Papa. Nag madali akong ubusin yung pagkaing niluto, ayokong mag aksaya ng pagkain kaya inubos ko pero ang pinaka dahilan talaga ay masarap ang luto niya.

Nang matapos naman kaming kumain, umuwi din naman agad kami. Hinatid niya ko syempre, pero tulad ng mga nakaraan niyang pag hatid hanggang kanto lang siya para hindi siya maramdaman ni Papa.

"Salamat sa pag hatid, Lucas."

"Bilang kapalit ng pag hatid ko, buksan mo bintana mo mamaya."

I roll my eyes. "Shut up, dude." Hinalikan niya lang ako sa pisnge tsaka siya tuluyang bumaba ng kotse. Kaya lumapit na ko sa driving seat at nag maneho na papalapit sa bahay.

Nang makarating ako, dumiretso ako sa pag pasok and hinanap sila Mama.

"Hello sweetheart, bakit ginabi ka?" Mama asked. Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisnge.

"Madaming activity lang sa school." I lied. "Where's, Papa?" Nag tanong agad ako para di na masundan tanong ni Mama baka kasi mahalata niyang nagsisingaling ako.

"Naglilibot siya ngayon sa labas, baka kasi may bampirang nakapalibot lang na bampira dyan, mahirap na."

Bigla kong naalala si Lucas. Naku! Sana naman talaga di siya makita ni Papa.

"Okay, pupunta na po ko ng kwarto."

"Hindi ka muna kakain?"

"I already do."

"Where? With who?"

"With.. Maj." Pagkasabi ko nun, tumakbo na ko papuntang kwarto ko para iwas usap na. Tsaka less pag sisinungaling kasi naman nakaka konsensya na.

Pag dating ko ng kwarto ko una kong tinignan yung bintana ko, chineck ko kung nakasara. Then kinuha ko na yung towel ko para makapag shower na.

Nang matapos naman akong mag shower, nag patuyo lang ako ng buhok tsaka kumuha ng libro at nag basa bilang pangpaantok. Pero di rin naman ako makapag focus sa pagbabasa dahil sa mga nangyayari nitong mga nakaraan na araw..

Galit sakin si Majah.

Nagsisinungaling na ko sa magulang ko.

Si Lucas naman.. well, okay sige na annoying siya and i admit na.. uh.. nagsisimula na kong magustuhan siya.

Haay! Itinabi ko nalang yung libro ko at sinimulan ng matulog.

Nagising ako sa pag tulog dahil sa alarm ko. Wala man pasok ngayon, kailangan ko pa ding gumising dahil may training kami ni Papa.

Nag hilamos at nag toothbrush lang ako then lumabas na ko ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para uminum ng dugo, pero bago pa ko makarating narinig kong nag uusap si Mama at Papa.

"Sigurado ka ba sa nakita mo?" Boses yun ni Mama.

"Hindi ako pwedeng magkamaling si Damon yun." Damon? Sino naman yun?

"Hindi niya dapat makita ang anak natin." Mama said.

"Hindi mangyayari yun."

Tuluyan na kong nag lakad sa papuntang kitchen at nag pakita sakankla. "Mama, Papa.." i called them. Sabay silang tumingin sakin. "Sino po si Damon?" Pagtataka ko.

Nagkatinginan silang dalawa at tinginan palang alam mong naguusap na. "Isang dating kaibigan, anak." Papa answered.

"Bakit hindi niya ko dapat makita? Bakit ngayon ko lang nalaman na may Damon po pala kayong kaibigan?"

Lumapit sakin si Mama at hinawakan ako sa magkabilang pisnge. "Anak, mangako kang pag may nakilala kang bampira na Damon ang pangalan.. layuan mo agad siya."

"Uh.. bakit po?"

"Dahil kilala siyang umiinum ng dugo ng kalahating bampira, dugo mo. Malakas siya anak, kaya hangga't maari maging alerto ka."

Shocks!

"O'opo."

--

Please vote. ★

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now