Twenty Two

9.6K 416 11
                                    

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Damon papuntang classroom at pagkarating namin dun, nakaupo na si Majah sa silya niya habang nakayuko sa table nito.

"Maj, ayos ka lang?" Tanong ko pagkaupo namin ni Damon.

Dahan dahan niyang iniangat yung ulo niya at tumingin samin. "Ayos lang, medyo masakit lang yung katawan dahil sa training kahapon."

"Suko ka na ba?" Damon asked.

"No dude! Hindi lang naman to about sa pagtulong kela Amber at Mario sa mga hayok na halimaw, para din yun sa proteksyon ko."

"Tama ka, pero tingin ko alisin mo muna yang sakit ng katawan mo bago ka mag ensayo ulit." I said.

"To that i agreed." Yumuko ulit siya sa table niya.

"Kamusta pala si Mario sa bahay mo?" Tanong ko kay Damon.

Tinuro niya yung labi niya at tila humihingi ng kiss. "Para saan na naman yan?" Pagtataka ko.

"Nakalimutan mo na? One question, one kiss."

"Hindi pa naman to tungkol sainyo ni Papa nu!"

He chuckled. "Oo nga nu?" I rolled my eyes. Mokong na to, gagamitan pa ko ng paraan. "Ayos lang siya dun, mas mabuting mag stay muna siya dun dahil mainit pa ang mata ng ibang.. bampira sakanya." Binulong lang niya yung salitang bampira, baka nga naman may makarinig sakanya ng walang alam tungkol samin at pagtawanan siya.

Biglang dumating yung prof. namin kaya natigil kami sa pagkukwentuhan. Siniko ko na din si Maj ng mahina sa braso niya para ipa alam na nandyan na yung prof. namin.

Nang dumating yung breaktime..

Sabay sabay kaming lumabas na tatlo ng classroom, ngayon may chance na kong makapag tanong kay Damon about sa pinagsamahan nila ni Papa hindi naman kasi ako pwede mamayang uwian dahil ididate ko si Mama kaya ngayon ko siya tatanungin. Di ko nga lang alam kung saan mag sisimulang mag tanong.

Nakarating kami ng canteen, pumili muna kami ng kakainin tsaka kami umupo sa table. Magkatabi kaming umupo ni Damon habang ang walang energy kong kaibigan na si Maj ay nasa tapat lang namin at nag sisimula ng kumain.

"Simulan na natin ang tanong." I said to Damon.

"Hindi ba pwedeng mamaya nalang sa bahay?"

"No! Hindi ako pwede ngayon dahil ididate ko si Mama mamaya after school."

"Ididate?" Maj asked chuckling.

"Oo, paglalambing niya yun kanina."

"Kung ganun, sige magtanong ka na para makakiss na 'ko." Laking ngisi niyang sabi. Haay! Ibang klase talaga!

"Okay.. uh.." Anong tatanungin ko? "Kailan kayo naging bampira ni Papa?" Hindi ko pa to natanong kay Papa, ang totoo ayaw din niya ikwento.

Tinuro muna niya yung labi niya na ibig sabihin kiss muna bago sagot. So, i kissed him para sumagot siya. Siya na ata ang pinaka matalinong bampirang nakilala ko pagdating sa kalokohan.

"Nagkaroon kami ng isa pang kaibigan, si Lucio siya ang bampira pero di namin alam yun. Matino siyang bampira, sabihin nalang natin na.. para siyang Tatay mo ngayon. Kaya noong nanganib yung buhay namin ng Tatay mo at naghihingalo na pinainum niya kami ng dugo niya hanggang sa malagutan kami ng hininga at sa pag gising ulit namin mga bampira na kami tulad niya."

"Nasaan na yung Lucio?" Wala namang nababangit sakin si Papa noon na kaibigan na Lucio, kung sabagay si Damon nga di niya nabangit.

Tinuro niya ulit yung labi niya. Oo nga pala kiss muna bago sagot. Hinalikan ko ulit siya sa labi niya.

"Patay na siya, mga dalawampong taon pagkatapos naming maging bampira. Pinatay siya ng mga hunters." So, noon palang may hunters na?

"Totoo bang sinabi mo sa mga magulang ko na sasaktan mo ko kaya ayaw nilang maencounter kita?" Tanong ko ulit.

"Sinabi pala nila yun sayo." He bitterly said. "Oo, totoo yun sinabi ko nga yun." He added.

"Bakit mo yun sinabi?"

"Siguro dahil dala ng ingit dahil kayo magiging isang perfect family na, habang ako iniwan ng kauna unahang babaeng minahal ko." Seryoso niyang sabi. So, tungkol pala ulit to sa babaeng una niyang minahal. Tungkol sa babaeng naging dahilan para bumitaw siya sa grupo ni Manuel, at sa babaeng gusto niyang ipagluto noon. Ngayon, naiintriga na ko kung sino yun.

"Masyado akong bitter sa nangyari at naisip kong kung di ako sasaya dapat wala ding sumayang iba kaya nagawa kong pag bantaan yung magulang mo." Dagdag niya.

"Pero dahil sa ginawa mong yun, isa ka ng malaking threat para sakanila."

"Alam ko, palpak talaga ako mag isip dati kaya nga napasok ako sa grupo ni Manuel."

"Bakit kasi di niyo pa ipaalam yang relasyon niyo sakanila at patunayang nag bago na si Damon." Majah suggested. I don't think magandang idea yun, laging ang tensyon sa bahay pag nababangit palang ang pangalan niya kaya imposibleng mapaliwanangan si Papa ngayon pero kailan naman kaya siya pwedeng mapaliwanagan? Gusto ko pa naman na sabihin na sakanila ang tungkol samin ni Damon dahil ayaw ko ng magsinugaling at maglihim sakanila.

"Maganda sanang idea yang sinabi mo kaya lang hindi maniniwala si Albert lalo na't alam kong mainit pa ang ulo niya sakin, masyado siyang mapagtanim ng galit luckily di mo namana yun." Damon said.

"Tigas ng ulo lang ata ang namana ko kay Papa."

"Tama ka." Pagsangayon niya. Naramdaman ko ang pag hawak ni Damon sa kamay ko.

"May dalawa kang tanong na hindi ka humalik sakin."

I chuckled. "Akala ko pa naman nawala na yun sa isip mo."

"Basta pag dating sa kiss di yun mawawala sa isip ko." Halata naman eh. Hinawakan ko nalang siya sa magkabilang pisnge at ibinigay ang dalawang halik na utang ko.

"Haay! Ibang klase talaga kayo, nasa canteen tayo mandiri nga kayo!" Pagaangal ni Maj.

"Wag ka na maingit, papahalikan nalang kita kay Mario, gusto mo ba?" Damon teases her making me laughed. Oo nga pala, halata kahapon na type niya si Mario.

"Shut up, dude!" Maj said.

"Beb, halata namang type mo si Mar kaya ayos lang."

"Beb, wag mo ng gatungan jowa mo! Ituloy niyo na nga lang paguusap niyo."

"Tapos na kaming mag usap." Damon said.

"Kung ganun ako naman ang magtatanong, so pag uminum ka ng dugo ng bampira at namatay ka magiging bampira ka na?" Curious niyang tanong.

"Ganun na nga." Sabay naming sabi ni Damon.

"Pero pag nawala na sa sistema mo yung nainum mong dugo ng bampira at namatay ka, balewala na yun at mamamatay ka na talaga." I said.

"Bakit gusto mo din bang maging tulad namin?" Damon asked Maj. Whaat?

"Hindi nu! Curious lang." Mabuti naman kung ganun. Ayaw ko siyang mas lalong mapasok sa buhay namin, tama na yung ganito.

Nag patuloy nalang ako sa pagkain tutal tapos naman na ko sa tanong ko sakanya, ang totoo gusto ko pang magtanong pero hindi yun about sakanila ni Papa kundi about dun sa babaeng minahal niya noon. Kaya lang hindi ko naman matanong, di ko din alam kung bakit. Siguro dahil baka magselos din ako.

Naramdaman ko ang pag halik ni Damon sa pisnge ko kaya nabaling ang tingin ko sakanya.

"Para saan yun?" Tanong ko.

"Wala gusto ko lang maglambing sa girlfriend ko."

I chuckled. "Nasaan na yung playboy Lucas na nakilala ko?" I joke.

"Wala na siya si malambing Damon na ang nandito, baby." Hinawakan niya yung kamay ko ulit at hinalikan ito. "Bakit mo pa siya hinahanap? Baka magselos na ko niyan."

I giggled. "Para kang sira!" Pagselosan daw ba ang sarili? Haha.

--

Keep voting babies. ☆

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now