Thirty Seven

7.1K 346 23
                                    

Hinayaan na 'ko ni Mama na mapag isa sa kwarto. Ni-request ko din kasi 'yun.

Bumangon ako ng kama at tumingin sa salamin na nakita kong nakasabit sa ibabaw ng study table. Wala akong ibang makitang emotion sa mukha ko kundi lungkot.

Nakakainis!! Sana hindi nalang binalik ni Manuel 'yung alala ko, sana hinayaan nalang niyang may amnesia ako. Hindi sana ganito kasakit ang lahat.

Nakita kong may silver knife sa ibabaw ng study table, pamilyar 'to sa'kin dahil kay Damon 'to. Ang sabi ni Manuel, ito ang gagamitin ko para patayin si Damon. So, nung ibinalik pala niya 'ko sa pamilya ko, kasama din 'to.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto at narinig ko din na nag bukas ito. Lumingon ako para makita kung sino 'yun at si Majah ang nakita ko.

"Hey!" She greeted.

"Hey!" I greeted back.

"Sabi ng Mama mo na nakakaalala ka na daw, kaya gusto kong kumustahin ang pakiramdam mo."

"Ito, nasasaktan padin."

"I was talking about sa ginawa ni Manuel sa'yo mukhang 'yung sagot mo ay tungkol kay Damon."

I chuckled weakly. "Ganun na nga. Eh ikaw? Kumusta ang pagiging bampira mo?"

"Well, let's just say na tama ka sa sinabi mo noon na hindi ko nga gugustuhing maging bampira."

"Sorry."

"Para saan?" Pagtataka niya.

"Kasi nangako ako sa sarili ko noon na gagawin ko ang lahat para hindi maging ganap ang pagiging bampira mo pero hindi ko nagawa."

Ngumit siya at nag lakad papalapit sa'kin tsaka tinapik ang braso ko. "Kapalaran ko din talaga sigurong maging bampira kaya di mo kasalanan."

"At kapalaran mo ring mag sama kayo ni Mario." Pabiro kong dagdag sa sinabi niya.

"Naku! Malabo pa 'yan."

"Bakit naman?"

"Masyado pang maraming nangyayari ngayon, gusto kong matapos muna 'yun bago ko isipin 'yung sa'min."

"Kaya di mo parin siya sinasagot?" Tumango lang siya bilang sagot. Humarap ulit sa salamin at hinawakan 'yung silver knife. Paano ba matatapos ang lahat nang 'to? Obvious naman na mahirap kalaban si Manuel dahil mas matalino siya sa iniisip namin. Tapos may plano pa 'kong gawin kay Damon, speaking of him...

"Alam mo ba kung nasaan si Damon?" Tanong ko sa kanya.

She shakes her head. "Nung umalis ka para sundan siya, kinabukasan bumalik dito si Damon. Nag simula ang lahat na mag panick nung malaman nilang hindi mo pala kasama si Damon kaya ang unang pumasok sa kanila ay nahuli ka ni Manuel. At simula din nun, hinanap ka na niya. Sa ngayon hindi namin alam kung nasaan siya."

"Ganu ba?"

"Amber..." Dinig kong boses ni Damon na tinatawag ang pangalan ko. Kumirot agad ang puso ko nang marinig ko palang amg boses niya at napahigpit ang pagkakahawak ko sa silver knife.

Ginamit ko yung bilis ko para silipin siya sa bintana, nakita ko siyang naglalakad papalapit sa pinto sa baba. Tumalon ako mula sa bintana at paglapag ng mga paa ko sa lupa, nilingon ko si Damon na ngayon ay nasa tapat na ng pinto.

Dahan dahan siyang lumingon nang maramdaman ako.

"Hi, baby." Bati ko sa kanya ng walang emotion. "I'm back."

Sinimulan niyang maglakad papalapit sa'kin. "Nakakaalala ka na?"

"Oo."

"Para sa'kin ba 'yang knife?"

"Oo!"

"Baby-" Hindi niya natapos ang pagsasalita niya dahil ginamit ko 'yung bilis ko para makalapit sa kanya at at itarak ito sa tagiliran niya. Kita sa reaksyon ng mukha niya na nasaktan siya.

Naramdaman kong may humila sa'kin para ilayo ako kay Damon. "Tama na 'yan Amber!" Sigaw 'yun ni Mama. Habang si Papa nasa likod at inaawat akong makalapit kay Damon.

"Hayaan n'yo 'kong patayin siya!" I yelled, angrily.

"Tapos ano? Pag napatay mo siya anong gagawin mo?" Tanong ni Mama.

"Hayaan n'yo na siya." Damon said. "Kung makakagaan sa loob niyang patayin ako, hayaan n'yo siya."

"Narinig n'yo siya!" Nag pumiglas ako sa pagkakahawak ni Papa at nag lakad ulit papalapit sa kanya habang punong puno ng galit na nakatitig sa kanya.

"Baby..."

Naramdaman kong tumulo 'yung mga luha ko. "Wag mo 'kong tawaging baby, nakakadiri ka! Pinaibig mo lang ako, binola, p*tang *na ginamit mo lang ako! Minahal kita ng totoo, totoong totoo Damon! Pero anong ginawa mo? Ginamit. Mo. Ako. Sinaktan mo 'ko. Ngayong nasasaktan ako nakaganti ka na sa mga magulang ko, tagumpay ka na! Hindi pa ba sapat 'yun para bumalik ka pa dito?"

"Totoong minahal kita." I just smile, bitterly then tinutok ko sa puso niya yung silver knife. Tingin ba niya talaga maniniwala pa 'ko sa sinabi niya?

"Totoong minahal ko si Bernadette, totoong nabaliw ako sa kanya, totoong ginamit kita para makaganti sa kanila. Pero totoo rin na minahal kita."

Itinarak ko na sa dibdib niya 'yung kahoy na parang walang narinig sa sinabi niya, pero hindi pa sagad para umabot sa puso niya. Nakatitig lang ako sa kutsilyong nakatarak sa kanya hanggang sa naramdaman 'kong may pumatak na tubig sa mga kamay kong nakahawak sa patalim.

Tumingin ako sa mukha niya at nakita kong doon galing ang tubig na pumatak sa kamay ko dahil sa pag luha niya.

"Bakit? Bakit ka umiiyak? Natatakot kang mamatay? BAKIT?!!!" Galit kong tanong.

"Dahil nakikita kong kinakain ka ng galit, nakikita ko ang sarili ko sa'yo noon nang masaktan ako kay Bernadette. Umiyak ako dahil, dahil mahal kita."

"Tama na ang pagpapanggap na mahal mo 'ko, Damon! Tapos na ang palabas mo!"

Tumango siya at pumikit na tila handa ng mamatay. "Sige gawin mo na, mas gugustuhin kong mamatay sa mga kamay mo kesa sa iba."

Dahan dahan kong nilaliman ang ang pagkakatarak sa puso niya at kitang nasasaktan na siya. Pareho kaming umiiyak. Kagat kagat ko lang ang lower lip ko habang nagtatalo ang damdamin sa loob ko na patayin siya at wag patayin. Pero mas nangibabaw sa'kin ang kagustuhang wag siyang patayin.

Unti unti akong bumitaw sa pagkakahawa sa kutsilyo na ikinagulat niyam napaupo ako sa lupa habang umiiyak. I can't, i can't do it! I love him.

"Umalis ka na!"

"Baby-"

"UMALIS KA NA!" Sigaw ko. "Utang na loob, umalis ka na."

Lumuhod siya sa harap ko gamit ang isang tuhod. "Lalayo na 'ko kung yan ang gusto mo." Inilapat niya 'yung labi niya sa noo ko para halikan. "I'm sorry."

Tumayo ulit siya at sinimulang mag lakad, habang ako nandito parin at umiiyak. Sobrang sakit! Sobrang sakit! Sobrang sakit! Bakit sa dinami dami ng taong pwedeng manakit sa'kin, bakit siya pa? Bwiset!

--

Keep voting.

The Immortal's SecretWo Geschichten leben. Entdecke jetzt