Twenty

10.7K 473 40
                                    

Warning: Bawal kiligin kundi may kiss kayo kay Damon. 😄

--

Sabay kaming tumayo ni Damon mula sa pagkakaluhod naming dalawa pero kung siya nakatayo ng maayos ako naman halos matumba dahil bigla akong nakaramdam ng hilo buti nalang nasalo ako ni Damon. Shit! Mukhang napadami ng inum ang mokong.

"Ayos ka lang?" Pagaalala niya.

"Amber anong nangyari?" Pagaalala din ni Majah.

"Ayos lang ako." I lied.

"Napadami ba ko ng inum? Pasensya hindi ko gustong.." He paused breathing in. "..matagal na kasi nung huling uminum ako ng direkta sa katawan ng tao o kung ano mang nilalang yan kaya hindi ko natansya, im sorry baby." He sincerely apologized.

"Ayos lang." I reassured.

"Kaya mong maglakad?" Tanong niya.

"Yah." Honestly di ko talaga sure kung oo pero sinubukan ko pa ding mag lakad at medyo nahirapan ako sa hilo.

Naramdaman ko nalang bigla na binuhat ako ni Damon. "Ito na ang huling beses na papainumin mo ko ng dugo mo." Seryoso niyang sabi na tila na gu'guilty.

"Ayos lang naman ako eh."

He chuckled. "Mana ka talaga sa Tatay mo."

"Madami akong gustong itanong tungkol sainyo ni Papa."

Hinalikan niya ko sa noo at ngumiti. "Tsaka na natin pag usapan yan pag maayos na pakiramdam mo."

Sinimulan na niya ang paglalakad papunta sa loob ng bahay niya, habang nakasunod lang samin si Majah at sumunod nalang din papasok samin si Mario.

Dumiretso si Damon sa paglalakad paakyat kung nasaan ang mga kwarto na pinagtaka ko. "Teka, bakit tayo umaakyat?"

"Kailangan mong mag pahinga at bumawi ng lakas baby kaya advice kong matulog ka muna, kapag di parin gumanda pakiramdam mo pag gising mo papainumin nalang kita ng dugo."

"Talaga? Hindi ka gagawa ng kahit na anong kapilyuhan?" Paniniguro ko, knowing him.. wala ng lumalabas sa bibig niya kundi puro kapilyuhan at paglilihim.

"Tempting baby but, no."

Nakarating kami ng kwarto niya.. ulit at inihiga niya ko ng dahan dahan. Umupo siya sa kama nung maihiga niya ko at hinawakan ang kamay ko. "Mag pahinga ka na baby, ako ng bahala sa lovers sa baba."

I giggled. "Wag mong ipaparinig kay Mario na type siya ni Majah baka umiwas."

He grinned. "Nakikinig siya ngayon panigurado at tingin ko mukhang magkakasundo sila ni Majah."

"Tingin ko din yan."

Hinalikan niya lang ako sa forehead ko, sunod ay nose at both cheeks ko. "Rest now, baby." I just nodded smiling. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto. Nang masara niya yung pinto ipinikit ko nalang yung mga mata ko at nag pahinga tulad ng sabi niya.

Gustuhin ko mang matulog di ko maiwasang mag focus at makinig sa paligid.

"Hindi ka ba natatakot dahil hindi normal na mga tao ang kasama mo?" Boses yun ni Mario na sa tingin ko ay tinatanong niya yun kay Majah.

"Nung una natakot ako ang tagal kong iniwasan si Amber at Lucas- i mean si Damon nung malaman ko kung ano talaga sila pero mas nangibabaw sakin yung pinagsamahan namin nung best friend ko kesa ang takot." Sagot ni Majah. Napangiti ako sa narinig ko, parang ako lang kay Damon. Siguro nga may nakakatakot siyang past pero mas nangibabaw yung pinagsamahan namin noong di ko pa alam na siya talaga si Damon at syempre dahil mahal ko siya.

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now