Twelve

10.8K 422 23
                                    

Dumating na ang gabi, oras na ng pagbabalik namin sa school. Pero para di mag taka ang mga magulang ko kung bakit gagabihin ako ang sabi ko may group study kami sa bahay ng isang kaklase. It mean, more lies sa parents ko.

Kasama parin namin ngayon si Majah dahil gusto niya daw tumulong.

"Okay, so what's the plan?" Lucas asked, he's at the driving seat, me at the passenger seat while Majah at the back seat.

"Ako ng bahala sa security para siguradong walang makakakita na dala ni Lucas yung katawan. Ikaw naman Maj, dito ka lang." I instructed.

"What? Ang boring naman nung akin!" Pagaangal niya.

"Hindi naman exciting tong gagawin natin nu! Kukuha tayo ng katawan ng bangkay."

"Exciting yun para sakin."

Lucas laughed at her words. "Tama naman siya baby, exciting to." Haay!

"Sige, tulungan mo nalang ako sa security."

"Okay, much better." Bumaba na kami ng kotse at sinunod yung plano. Magkakasabay kaming pumasok ng campus, habang inililibot ang paningin sa paligid dahil baka may security guard na nag papatrol.

"Dito nalang kayo, pupuntahan ko na yung katawan." Lucas said.

"Okay bilisan mo!" I said.

"May prize ba ko dito?" He asked.

"What?" Kunot noo kong tanong.

"Buksan mo na lagi yung bintana sa kwarto mo, okay? Ako nalang bahalang mag sara."

"Lucas just stick to our plan!" I scolded him.

"Seriously guys, ngayon pa kayo nag usap ng ganyan? May security guard na papalapit." Majah scolded us. Nang marinig naming sinabi yun ni Majah, pareho namin ginamit ang kakayahan naming mabilis na pag kilos. Siya papunta sa katawa, ako sa likod nung security guard at pinatulog ito sa pamamagitan ng pag hambas sa batok nito gamit lang ang braso ko.

Tumakbo papalapit sakin si Majah habang nakatingin sa katawan ng security guard. "Anong ginagawa mo sakanya?"

"Pinatulog ko lang."

"Wow! Ipaalala mo saking wag kang galitin."

I laughed softly. "Tulungan mo na nga lang ako dito, baka makita pa siya nung ibang security guard."

"Sabi sayo eh, kailangan mo ng tulong ko."

I chuckled. "Oo na, dun ka sa paa ako sa kamay." Sinimulan na namin siyang buhatin, hanggang sa makahanap kami ng upuan at pinaupo namin to dun na tila natutulog lang. Well, tulog naman talaga siya. Ang pinagkaiba nga lang ay paniguradong masakit ulo nito bukas.

"Tell me, gusto mo na ba si Lucas?" Malisyosang tanong ni Majah pag katapos namin maiupo yung guard.

"Hindi magandang pag usapan yan ngayon." Pagiiwas ko.

"C'mon tell me, akala ko ba wala ng secrets?"

I roll my eyes. "Fine, Oo gusto ko na si Lucas."

"Eh bakit nagpapakipot ka pa kung ganun eh obvious na obvious naman na gusto ka din niya?"

"Hindi palang siguro panahon na malaman niya yun."

"Kailan naman?"

"Hindi ko pa alam!" Nag cross arms siya na ibig sabihin ay di siya convinced. "Hindi ko pa talaga alam."

"Eh yung tungkol sa bintana mo sa kwarto? Anong ibig sabihin nun?"

"Lagi kasi siyang pumapasok sa kwarto ko at.. uh.. para humalik sakin."

The Immortal's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon