Twenty Eight

9.1K 355 22
                                    

Oras na ng plano..

Lahat kami nag hahanda na para sugurin ang grupo ni Manuel. Hindi namin alam kung ilan kalaban namin, basta ang alam lang namin siguradong malalakas sila dahil sa pag inum nila ng dugo ng mga katulad ko.

Ang plano ay kaming girls ang kukuha sa mga magulang ni Majah habang ang boys ang papatay sa mga bampira.

Kumuha kami ng kanya kanya naming armas na gustong gamitin at dahil mas sanay ako sa silver knife kaya yun ang kinuha ko.

Tumingin ako sandali kay Mama na seryoso lang ang mukha. "Ma.." I called her. Tumingin siya sa direksyon ko ng blangko. Yah! She's still mad at me.

Naglakad ako papalapit sa kanya. "Uh.. sorry po, sorry kasi tinago ko yung tungkol sa'min ni Damon. Ayoko pong galit kayo sa'kin kapag may nangyari masama-"

"Walang mangyayaring masama." Pagpuputol niya sa'kin. "At Oo, galit ako sa ideang nag lihim ka yun ay dahil ayaw kitang masaktan kay Damon."

"Alam ko pong mahirap paniwalaan pero hindi po niya 'ko sasaktan."

"Tama ka, mahirap ngang paniwalaan yun." I looked down, speechless. Di ko na alam ang sasabihin ko, masyado na kasi silang sarado sa ideang nag bago na si Damon. She touches my both cheeks forcing me to looked at her eyes. "Please, mangako kang magiingat ka ngayon sweetheart hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa'yo." Pagaalala niya.

"Pangako po."

Niyakap niya 'ko at sinuklian ko naman agad yung yakap na yun. "I love you, Ma." I whispered. Gusto ko ng mag sabi ng i love you dahil baka ito na huli kong pagkakataon at ayoko ng palampasin pa yun.

Bumitaw si Mama sa pagyayakapan namin. "Ayokong mag sabi ka ng mga ganung salita na parang namamaalam ka, walang mangyayaring masama sa'ting lahat."

"Sana nga po."

"Walang mangyayari, pinapangako ko yun." Pagsisingit ni Papa. Gusto ko kapag nangangako siya dahil tinutupad talaga niya kaya lang iba ang sitwasyon ngayon kaya sana nga walang mangyaring masama sa kahit isa sa'min.

Lumapit ako Papa at niyakap din siya. "I love you Pa, and im really sorry for everything."

Naramdaman ko ang pag halik niya sa ulo ko. "Mahal din kita, sweetheart and I'll do everything to keep you safe."

"Salamat po."

"Pwede ko ba siyang makausap?" I heard Damon asked. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Papa at tumingin sa direksyon niya. Di ko akalaing mag lalakas ng loob siyang mag paalam kasi alam naman naming pareho na suntok sa buwan na payagan siya nila Papa at Mama.

"Sabihin mo na yung gusto mong sabihin sa kanya sa harap namin." Papa said, strictly.

"Pwede ba, kailangan din ng anak mo ng privacy." Damon said.

"Pag bigyan mo na honey, ngayon nalang din naman yan dahil pag natapos 'to ilalayo na natin si Amber sa kanya." Mama coldly said. Haay! Kailan ba matatapos 'tong pataasan nila ng pride?

Papa gives way for Damon para makalapit sa'kin. Hindi naman nag aksaya ng oras si Damon makalapit, natatakot siguro na magbago ang isip ni Mama. Hinawakan ako sa kamay ni Damon at inalayo nang kunti sakanila.

"Hindi ko alam kung bakit nilayo mo pa 'ko eh alam naman nating pareho na nakikinig sila sa'tin." Sabi ko pagtigil namin sa pag lalakad.

"Gusto lang kitang masolo baby, baka kasi huli ko na 'to."

I slapped him on his chest. "Wag ka ngang mag salita nang ganyan!"

"Bakit ikaw lang ba dapat ang mag salita na tila namamaalam?" Seryoso niyang tanong at sa tono niya ayaw niya nung ginawa ko.

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now