Six

11.6K 416 2
                                    

Sabay kaming nag lakad ni Lucas papunta sa classroom namin, no choice na ko kasi nakasunod lang naman siya sakin. Gusto ko mang magmadali mag lakad napaka useless naman nun para sa isang tulad niyang bampira!

Nakarating kami ng classroom namin at wala pa si Maj sa upuan niya, nakakapag taka dahil lagi yung nauuna sakin sa pag pasok. Siguro affected pa din sa nangyari sakanya sa fake model agency na pinuntahan namin.

Kinuha ko yung cellphone ko at dinial yung number niya pag kaupo namin.. pero hindi niya sinasagot.

"Sino tinatawagan mo, baby?" Lucas asked.

"Si Majah, wala pa kasi eh."

"Baka malalate lang."

"Siguro nga, baka affected pa siya sa nangyari sa agency kaya ganun." Itinabi ko nalang yung cellphone ko at kumuha ng novel book sa bag ko para magbasa.

While reading, medyo napapansin kong nakatingin sakin si Lucas kaya di ko maiwasang mapatingin sakanya pero nung ginawa ko yun tsaka siya umiwas ng tingin. Binaling ko nalang ulit ang tingin ko sa pagbabasa at tulad kanina napansin ko na namang nakatingin siya, kay tumingin ulit ako sakanya at umiwas na naman siya ng tingin.

"Ano bang problema mo?" Irita kong tanong.

"Wala." He said smirking.

"Bakit ka tingin ng tingin?"

"Masama bang titigan ang maganda mong mukha?"

I roll my eyes. Bakit ba hindi nalang siya bumalik sa serious side niya? Baka mag kasundo kami, ito kasing mga bwiset niyang pick up lines di nakakatuwa eh.

Dumating yung professor namin na dahilan para huminto ako sa pagbabasa at halos kasabay din niyang dumating si Majah na nakayuko lang habang naglalakad papunta sa upuan niya. She's shaking, i guess.

"Ayos ka lang?" Tanong ko. Hindi siya sumagot at tila wala manlang marinig sa sinabi ko. Hinawakan ko siya sa balikat at tila siya biglang nag panick sa ginawa kong yun, para siyang natakot sa paghawak ko.

"Woe, are you okay?"

"Y'yah! I'm fine, masama lang pakiramdam ko." She's lying.. paano ko nasabi? Di siya nakatingin sa mata ko. Nag focus ako para pakingan yung tibok ng puso niya at sobrang bilis nito, tibok yun ng pusong natatakot at hindi masama ang pakiramdam.

Gusto ko pa sana siyang tanungin pero nag simula ng magturo yung prof. namin kaya di ko na ginawa. Pero habang nasa klase di ko maiwasang tumingin kay Majah, na halata parin ang pagkabalisa.

Bigla akong siniko ni Lucas na dahilan para mapatingin ako sakanya.. may sinulat siya sa isang papel at pinabasa sakin.

She's acting weird.

"I know." I mouthed at him.

Finally natapos ang klase namin si Majah ang unang lumabas ni hindi manlang kami hinintay. Sinundan ko siya at alam kong si Lucas din nakasunod samin.

I grabbed Majah arm, forcing her to face me. "Hey what's wrong?" I asked concerned.

"W'wala!" Nauutal niyang sabi.

"You're lying!"

She sighed heavily. "Amber, wag mo na muna kong guluhin ngayon please lang!" She angrily said. Tumalikod na siya at aakma sanang mag lakad pero hinawakan ko siya sa balikat niya at nasaktan siya sa ginawa kong yun.

"Ouch!" She groans.

"I'm sorry, may bali ka ba?" She shakes her head while holding his shoulder. Okay, nakakainis na tong pag sisinungaling niya sakin. Hinawakan ko yung kamay niyang nakahawak sa balikat niya at pilit na tinignan yung balikat niya, hinawi ko yung damit niya at laking gulat ko na may bite mark siya. Bite mark ng isang bampira.

Tinignan ko siya ng gulat na gulat. "Anong-"

"Wala lang yan!" Hindi ko pa natatapos sasabihin ko nag salita na siya. "Please Amber, lumayo ka muna sakin. Ayaw kitang madamay dito." Pag kasabi niya nun tumakbo na siya.

"Nakita mo ba yun?" Tanong ko kay Lucas habang nakatitig ako sa tumatakbo kong kaibigan.

"Oo."

"May kilala kang pwedeng gumawa sakanya nun?"

"Meron akong idea, kung sino at yung mga tipo talaga ni Majah ang gusto niya." He seriously said.

Shocks, kung ganun marami ng nagkalat na bampira dito? Siguradong delikado to para sakin.

"Sino?" Tanong ko.

He sighed. "Hayaan mo na ko dito, kaya ko na yun."

"Sasama ako, kaibigan ko si Majah kaya tutulong ako."

"Alam ko naman yun, pero bampira ang kalaban natin dito alam mo naman kung ano ka sakanila." Tumitig lang ako sa mga mata niya. Wala akong pakialam kung bampira kalaban dito basta walang pwedeng manakit sa kaibigan ko. He sighed signed of his giving up. "Fine, sige isasama na kita."

Buti naman kung ganun.

"Paano natin siya mahahanap?" I asked.

"Kung tama nga ko ng hinala kung sino siya, sigurado akong si Majah mismo ang pupunta sakanya, kaya susundan natin si Majah." I nod my head to him.

He smirks, holding my chin. "You're beautiful today."

Hinawi ko yung kamay niya. "Umayos ka nga!" Iniwan ko na siyang tumatawa. Nakakainis talaga siya ang seryoso ng problema namin may oras pa siya para magpatawa. Wala ako sa mood para sa mga kapilyuhan mas gusto kong unahin safety ng kaibigan ko.

Palihim na naming sinundan ni Lucas si Majah, hindi niya kami napapansin. Mabuti kung ganun dahil yun talaga ang plano namin.

Nakarating kame sa isang liblib na bahay, pumasok dun si Majah na bitbit ang takot sa mga mata niya.

"Hey, here alam mo naman siguro kung saan ipapatama yan diba?" Lucas said handling me a silver knife.

"Meron ka nito?"

"Lagi akong may dalang ganyan, just in case na may galit na vampire na gusto akong patayin."

"Pasok na tayo!" Aakma na sana akong papasok pero pinigilan niya.

"Pagpapakamatay yang plano mo, halatang first time mong gagawin to."

"Bakit ilang beses mo na tong ginawa?"

"I'm already an expert, baby. So listen to my every instructions." I just nodded my head. "Humanap tayo ng open na bintana at dun pumasok, pag may makita kang bampira wag kang mag hesitate na saksakin niyan. Tandaan mo mas gusto nila ang dugo mo kesa ang dugo ni Majah." He warns.

Tumango lang ulit ako, ngayon magagamit ko na yung mga tinuro sakin ni Papa. Ngayon ko malalaman kung may natutunan nga ko sa mga trainings na yun.

The Immortal's SecretWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu