Thirty Three

7.5K 317 7
                                    

Sinimulan na namin ang pag e-empake ng mga gamit namin paalis sa bahay na 'to. Nang hihinayang pa din ako na lilipat kami kasi maganda talaga dito.

Kung pwede lang sana dito nalang kami kaya lang kailangan daw talaga naming umalis para dun daw hindi kami mahanap nung Manuel na yun.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto na bumasag sa pagiisip ko. Sinarado ko lang yung bag ko tsaka ko pinag buksan yung kumatok. Pag open ko si Majah ang nakita ko.

"Alis na daw tayo, tapos ka na ba?" Tanong niya.

"Oo." Sagot ko. Kinuha ko lang sa kama yung bag ko tsaka kami sabay ni Majah na naglakad pababa diretso sa labas ng bahay kung saan may naghihintay na pick up car na tingin ko ay sasakyan namin.

Lumapit sa'min si Mario at kinuha yung mga bag namin tsaka 'to inilagay mula sa track, kung saan dun sila naka pwesto ni Damon. Yup, he's still with us. Dahil wala namang pumapatay sa kanya kaya makakasama pa din namin siya. Ewan ko ba, hindi naman na siya welcome sa'min pero nag susumiksik pa din siya. Siguro talagang gusto niyang mahingi ang tawad nung isang Amber kaya kahit anong pagtulakan namin ayaw niya paring lumayo. Malas nga lang niya dahil, may amnesia ang Amber niya at ako ngayon ang kaharap niya.

"Sumakay na kayo." Utos ng Tatay ko. Sumunod kami ni Maj sa utos niya, pero kung si Majah di-deretso sa back seat ako naman sa track kung saan nadun yung boys. Ngumiti pero may halong pagtataka sa reaksyon ni Damon nang dito ako pumwesto.

"Amber dun ka sa loob." Utos ulit ni Papa.

"Gusto ko lang pong makausap si Damon, habang nasa byahe."

"Hindi pwede!" He strictly said.

"Honey, hayaan mo na." Mama said. Plano sana atang mag complaint ni Papa pero tinignan lang siya ng Nanay ko na tila nag pa bahag ng buntot niya.

After nilang sumangayon, si Majah ay dito narin naki pwesto kaya apat kami dito sa likod ng track.

"Anong gusto mong pag usapan?" Tanong ni Damon nang mag simula na ang Tatay ko sa byahe namin papunta sa... hindi ko pa alam. Kung saan man yun for sure safe dun.

"Anong nagustuhan mo sa'kin?" He was about to answer pero nag salita ulit ako kaya hindi natuloy. "Alam ko na, kamukha ko kasi si Mama kaya paniguradong yun ang dahilan kung bakit mo 'ko nagustuhan. Pareho pa kami ng ngiti, siguro isa din yun sa nagustuhan mo sa'kin. Wow! Kung sabagay, kung hindi mo nga naman nakuha yung dream girl mo edi dun ka nalang sa kamukha niya."

Hindi lang siya sumagot kasi mukhang di rin niya nagustuhan yung sinabi ko. Pero di ko yun pinansin at nagtanong ulit.

"Anong pakiramdam na mag mahal ka ng mag ina? Ang hirap siguro nun."

"Tama ka, mahirap nga yun. Nung una akala ko nakikita ko lang ang Nanay mo sa'yo, dahil nakikita ko yung ngiting nakikita ko sa kanya. Pero magkaiba kayo ng ugali na talaga namang nag pa challenge sa'kin. Masyado kang mataray at pakipot, matigas pa ang ulo mo napakalayo kay Bernadette." Sagot niya.

Dalawa ng tao ang nag sabing matigas ang ulo, siya at si Majah.  Siguro talagang pasaway akong anak sa magulang ko, kasi minahal ko pa 'tong ugok na 'to kahit na ayaw nila sa kanya para sa'kin..

"Isang tanong nalang. Hindi ka ba nandiri na after mong mahalin ang Nanay ko, ako naman na anak niya? Hindi mo ba naisip na kung sakali palang ikaw ang pinili ni Mama, ikaw ang Tatay ko ngayon."

Alam kong napaka rude ng mga tanong ko sa kanya kaya lang kasi naiintriga talaga ako kung paano niyang nagawang mahalin kami ng Nanay ko.

Medyo matagal bago siya nakasagot sa hundred million question ko.

"Hindi. Kasi, para sa'kin ikaw ang ebidensyang hindi ako ang pinili ni Bernadette kaya kesa isipin na anak ka ng babaeng minahal ko, mas inisip kong mawala ka at mamatay. Dahil siguradong pag namatay ka makakapag higanti na 'ko sa dalawang importanteng nilalang sa buhay ko na nanakit sa damdamin ko." Sagot niya habang nakatingin ng blangko sa mga mata ko.

"Pinatunayan mo lang sa'kin na, mali nga talagang minahal ka nung dating Amber."

"Siguro nga tama ka, masyado niya 'kong pinagkatiwalaan na hindi naman dapat. Nakakainis yun sa parte ko dahil alam kong niloloko ko siya para mapatay."

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya kasi... ewan, siguro dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi niya. Imbes na i-angat niya yung sarili niya sa'kin para mapatunayan kung totoo nga yung nararamdaman niya para sa'kin lalo lang niya pang ibinababa.

Hindi ko talaga alam kung anong nakita nung dating ako sa kanya, tama nga siguro sila Mama mas okay 'tong nagka amnesia ako dahil hindi ko maalala ang sakit pero nadun ang inis at galit ko sa kanya lalo na sa mga sinasabi niya.

Ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Majah, at bigla kong naalala yung kwinento ni Mama sa'kin kanina.

"Ang sabi ni Mama, bago ka lang sa pagiging bampira."

"Ganun na nga, tinuluyang patayin kasi ako ni Manuel nung inililigtas natin ang mga magulang ko. Ang di niya alam pinainum nyo ko nun ng dugo ng isang bampira at pag patay sa'kin ang kukumpleto nun."

"Kumusta na daw ang mga magulang mo?"

"Nakokontak ko pa sila at maayos na sila, malayo sa kapahamakan."

"Hindi ba mahirap maging bampira?" Tanong ko ulit. Kasi naman malay ko sa buhay na yan kasi wala naman akong maalala sa buhay bampira ko.

She chuckled, amusingly. "Mahirap. Siguro nga nandun yung hindi ka tatanda, mananatili kang maganda, may super powers ka at mabubuhay ng matagal. Pero... kapalit naman ng lahat nang yun ay malayo ka sa pamilya mo. Yung takot na baka makapatay ka ng inusente dahil hindi mo mapigilan yung pagiging hayok mo sa dugo." Biglang lumungkot yung mga mata niya.

"Alam mo bang may napatay na 'kong inusente dahil hindi ko napigilan yung uhaw ko sa dugo. Sobrang... sakit sa kunsenya nun." She added.

"Sorry, mukhang kasalanan ko ang lahat ng yan." I apologized.

She shakes her head. "Hindi. Nagkataon lang na baliw si Manuel. Tsaka may isang dahilan kung bakit parang blessing din 'tong pagiging bampira ko."

"Ano yun?"

Tumingin siya sa dirkesyon ni Mario at ngumiti. Hindi man siya sumagot sa tanong ko alam kong dahil yun kay Mario, ngumiti din naman si Mario ng pabalik sa kanya. Pag-ibig nga naman oh!

Ibinaling ko sandali ang tingin ko kay Damon, nakatitig lang siya sa'kin na parang ako lang ang nilalang sa mundo.

Inirapan ko nalang siya at tumingin nalang ulit kay Majah.

"Kayo na ba?" Tanong ko.

"Uh... hindi." Nahihiyang sagot ni Majah.

Tumingin ako kay Mario habang nakangisi. "Mario ang hina mo naman, bakit di mo pa siya tinatanong?"

"Uh..." Napakamot ng ulo si Mar na nagpatawa sa'kin. Mukhang torpe eh.

Siniko ako ni Majah dahil sa tanong ko. "Aww! Bakit?" Natatawa kong tanong.

"Tumigil ka nga."

"Sus! Nag di-date na kayo ngayon pa kayo nahiya." Biro ko.

"Ha.Ha! Very funny, Tuazon!" Maj said sarcastically, making me laughed again.

Huminto si Papa mula sa pagmamaneho kaya nahinto ako sa pagtawa. Bumaba sila ni Mama tsaka nag lakad papunta sa direksyon namin. "Malayo ang magiging byahe natin kaya mabuti pa mamimile muna kami ng kakainin para habang nasa byahe may kinakain tayo." Mama said.

"Malayo? Bakit saan po ba tayo lilipat?"

"Sa kaibigan ng Mama mo." Sagot ni Papa.

--

Keep voting babies. ☆

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now