Thirty Four

7.3K 320 17
                                    

Nakaramdam ako ng paghaplos sa buhok ko, na dahilan para magising ako. Pagmulat ng mga mata ko laking gulat ko ng makita ko si Damon. Nilagay niya yung hintuturo niya sa labi niya na nagsasabing wag akong maingay. Kahit di niya kailangan gawin yun di talaga ako magiingay.

Umupo ako mula sa pag kakahiga at tinignan ko siya ng anong-ginagawa-mo-dito look. He just smirks down at me. He suddenly presses his lips to mine that took me by surprise. Oh shit! We're on my bed and he's kissing me. Are you kidding me?

Sinubukan kong pahintuin siya sa pag halik pero hindi siya huminto. Until i find myself kissing him back. He slowly lays me again to my bed, and positioning himself on top of me.

He breaks the kiss and stared down at me smiling widely. Umalis siya sa ibabaw ko at nag lakad papunta sa bintana ko, and bigla siyang nawala.

Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sa napanaginapan ko, no- i don't think na panaginip yun mukhang alalala yun. Alala alala ko kay Damon. Pambihira! Sa dinami dami ng pwedeng maalala yung halikan pa namin?

Napahawak ako sa labi ko.

"Buti gising ka na, sakto nandito na tayo." Majah said interrupting my thought. Nag simula na silang magsibabaan si Mama at Papa mula sa front seat kaya ganun din ang ginawa namin ni Maj mula dito sa backseat, dito na kasi kami pumwesto nang malaman kong malayo pala ang byahe namin.

Pagbaba ko tumingin ako sa paligid naka park ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay.

Eto na siguro yung bahay ng kaibigan ni Mama.

"Damon bakit di ka pa bumababa dyan?" Tanong ni Maj kay Damon kaya naibaling ko ang tingin sa kanya. Until now nasa track padin. Nang mapatingin siya sa direksyon ko di ko maiwasang mailang dahil sa naalala kong panaginip ko kaya umiwas din agad ako ng tingin.

"Dahil siguradong papatayin ako ng tao sa loob niyang bahay na yan." Sagot ni Damon.

Bakit naman siya papatayin? Siguro may nagawa siyang kasalanan sa kaibigan ni Mama.

Nag lakad na papalapit si Mama sa pinto at nag simula itong kumatok. Nag bukas ang pinto at isang kasing edad lang namin ang lumabas, siya na ba yun? Bakit ang bata kung kaibigan siya ni Mama? So... bampira din siya?

"Sino po sila?" Tanong nung babae. Ahh.. so hindi siya, hindi niya kilala eh.

"Ako si Bernadette, nandyan ba si Lucy?"

"Ma, may nag hahanap sa'yo." Ilang sandali lang may isang tingin ko ay nasa mid-50's ang nagpakita pero kahit ganun na ang edad niya mukha parin siyang fit.

"Bernadette?" Laking ngiti nitong bati kay Mama. Lumapit siya kay Mama at niyakap ito.

"Kumusta ka na?" Tanong ng Mama ko habang magkayakap sila.

Unang bumitaw yung kaibigan ni Mama mula sa pagkakayakap. "Heto tumanda na, samantalang ikaw, batang bata pa din."

"Ganun talaga pag naging bampira ka na."

This time tumingin naman siya kay Papa. "Albert, kumusta ka na?"

"Maayos naman, nananatili paring buhay." Sagot ni Papa.

"Anong dahilan at napabisita kayo at ang dami nyo pa." Inilibot niya ang tingin sa'ming lahat at nang maibaling niya yung tingin niya kay Damon nawala ang ngiti nito sa labi at parang biglang galit ang nakita kong reaksyon.

"Anong ginagawa ng hayop na yan dito?" Galit nitong sabi habang nakatitig ng masama kay Damon.

"Luisa, akin na yung baril ko." Utos niya dun sa anak niya.

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now