Seventeen

9.9K 428 18
                                    

Nakatitig lang kami sa mata ng isat isa habang nakatutok ang silver knife sa puso niya. Kitang kita sa mga mata niya na seryoso siya sa sinabi niyang patayin ko na siya.

Alam ko sa sarili kong hindi ko kayang gawin yun kahit na nag sinungaling pa siya, kahit na sino pa siya. Nakakainis dahil napangungunahan ako ng nararamdaman ko para sakanya.

Binitawan ko ang yung silver knife at tanging ingay lang ng pagbagsak nito ang umalingawngaw sa loob ng bahay niya.

Biglang napaluhod yung lalakeng half vampire dahil siguro sa sugat nito, kaya lahat ng focus namin ay napunta sakanya.

"Pasensya, nahihirapan na kong tumayo." Sabi nito habang nakahawak sa sugat niya.

"Hindi ba bibilis ang pag hilom niyan?" Majah asked him, concerned.

"Silver bullet ang gamit nila kaya hindi, kung gaano kasakit para sa tao ang mabaril ganun din kasakit ito."

"Makakatulong ang dugo para sa mas mabilis na paghilom." Damon said. Pagkasabi niya nun ginamit niya ang bilis para pumunta sa pinagtataguan niya ng dugo.

Lumapit ako kay Majah para tulungang paupuin ulit sa sofa yung lalake. "Magiistay pa din ba tayo dito?" Tanong sakin ni Majah.

"Ganun na nga muna siguro." Tumingin ako sa kapwa kong half vampire. "Anong pangalan mo?"

"Mario."

"Nasaan ang mga magulang mo? Wala ka bang kasama?" Tanong ko ulit.

"Matagal ng patay ang mga magulang ko, 16 years old palang ako ng mamatay sila dahil sa pagtatangol sakin. Simula nun namuhay na ko magisa."

Biglang dumating si Lucas/Damon na may bitbit na dugo at inabot to kay Mario.

Kinuha naman niya to at ininum, umiwas lang ng tingin si Majah dahil siguro hindi pa siya sanay na nakakakita ng umiinum ng dugo.

"Pasensya na." Pag hingi ni Mario ng tawad kay Majah.

"Uh.. hindi ayos lang." She forces a smiles.

"Sino ba ang may gawa sayo niyan?" Tanong ko kay Mario habang nakatingin sa sugat niya at ngayon ko lang napansin na maganda pala ang katawan niya.

"Grupo nila Manuel, sila din yung grupong pumatay sa mga magulang ko." Sagot nito.

"Delikado ka kung ganun." Lucas said, sabay sabay kaming napatingin sakanya at nag taka.

"Kilala mo sila?" Tanong ni Majah.

"Kasali ako dati sa grupo nila, sakanila ko unang natikman ang dugo ng half vampire at sabihin nalang natin na tinuruan nila akong maging hayok sa dugo ng half vampire." Kung ganun grupo pala nung Manuel na yun ang may dahilan kung bakit nagustuhan ni Damon ang dugo ng half vampires?

"Bakit ka umalis? Kasali ba dun si Papa?" Tanong ko.

"Hindi sumali si Albert dun ako lang, masyado siyang mabait para sa isang bampira. Umalis ako sa grupo nila dahil.." He paused. "..may nagustuhan akong tao at nakita ko ang sarili kong siya ang makakasama na bumuo ng pamilya kaya naisip kong kumalas."

Nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa puso nang marinig kong sinabi niya yun. Nabangit na niyang may nagustuhan na siya, siya rin kaya yung babaeng yun?

"Madami ba sila sa grupo?" Tanong ni Majah.

"Sa pagkakaalam ko kunti lang sila, pero malalakas sila dahil umiinum sila ng dugo ng half vampire. Maski ako mahihirapang kalabanin sila."

Lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Malalakas na bampira pala ang makakatapat namin, siguradong pag nalaman nila kung ano ako baka kung saan na ko pulutin nito.

"Pasensya na dinala ko sainyo yung problema." Pag hingi ng tawad ni Mario.

"Wag mong sabihin yan, alam mo hindi mo kasalanan kung may mga baliw na bampira." Pagpapagaan ng loob ni Majah. Kunti nalang iisipin kong type niya tong si Mario.

Naramdaman ko ang paghawak ni Lucas/Damon sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya. "Pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya.

Tumango nalang ako sakanya bilang pag sangayon. Hinila niya ko paakyat ng second floor niya hangang sa makarating kami ng kwarto niya sa pagpapatuloy niyang pag hila sakin.

He was about to speak pero pinigilan ko agad. "Wait, ano munang itatawag ko sayo. Dahil sa totoo lang hindi ko alam kung alin sa pangalan mo ang dapat kong itawag sayo!" Prangka kong sabi.

He smirked. "Tawagin mo kong baby."

"Seryoso ako!"

"Kung saan ka komportable, ayos lang sakin maging Damon man yan o Lucas pareho namang astig ang pangalan na yun." Parehong astig? Kaya ba niya ipinangalan sa sarili niya ang Lucas dahil lang sa astig?

"Simula ngayon mas gusto kong tawagin ka sa Damon, dahil ayoko na ng lihim! Understand?" Tumango lang siya. "Sige sabihin mo na yung gusto mong sabihin."

"Sorry baby, im really sorry dahil nag sinungaling ako." Hinawakan niya ko sa magkabilang pisnge. "Naniniwala ka namang hindi kita sasaktan diba?" Tanong niya.

"Hindi ko alam kung anong papaniwalaan, lalo na't natatakot ang mga magulang ko na maencounter kita, natatakot silang saktan mo ko."

"Hindi ko sila masisi, mag kaibigan kami ni Albert at kilala niya ko. Pero dati yun baby, hindi na ko yung Damon na nakilala niya. Hindi kita magagawang saktan baby, mahal kita." He kissed my forehead.

"Kailan mo nalaman na anak ako ng kaibigan mo?"

"Nang lumipat ako dito limang taon ng nakakalipas, nakita ko si Albert na may pinatay na bampira dahil plano kang saktan, kasama ka niya nun dun kita unang nakita. Naisip kong tulungan ng palihim si Albert na ipagtangol ka sa mga bampirang may plano sayo. Limang taon na kitang palihim na sinusundan hangang sa iba na yung nararamdaman ko para sayo at hindi nalang basta anak ng kaibigan ko. Naisip kong magpakilala sayo bilang Lucas bumalik ako ng school kahit na hindi naman ako mahilig magaaral nun dahil gusto lang magpakilala sayo, gusto kong maramdaman mo din yung nararamdaman ko para sayo, wala na kong pakialam kahit galit pa sakin yung Papa mo."

"Baby, ang pagkakamali ko lang naman ay nag sinungaling ako na ako si Damon. Pero yung nararamdaman ko sayo hindi to pagkakamali at alam kong hindi papayag ang Papa mo, kasi siguradong hindi siya papayag na tawagin ko siyang Papa."

Tinangal ko yung mga kamay niya sa pisnge ko at hindi ko mapigilan mapangiti sa sinabi niya. Parang ang awkward ngang tawagin niyang Papa ang Papa ko lalo na't magkaibigan sila.

He smiles. "Am i forgiven?" He asked.

"No you're not."

His smiles fades. I smirked secretly, as i saw on his face na hindi na niya alam ang sasabihin para mapatawad ko.

"Gusto mo parin ba ko, hindi ba nagbago yung nararamdaman mo?" He seriously asked.

"I do still like you Damon."

Niyakap niya ko na hindi ko naman na masyadong kinagulat. "Thank you baby."

"May itinatago ka pa ba sakin?" Tanong ko.

"Wala na baby." He reassured.

--

Keep voting babies.

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now