Epilogue

11.7K 469 55
                                    

Two Years after....

"Baby," Tawag sa'kin ng asawa ko habang busy ako sa pagbabasa dito sa kwarto namin.

"Bakit?" Tanong ko habang ang focus ko ay dito pa din sa binabasa ko.

"Nandyan sila Albert at Bernadette, binibisita ka." Bigla kong naibaling sa kanya 'yung tingin ko at sinarado ang librong binabasa ko. Bumangon ako ng kama at 'di maiwasang ma-excite na makita ang magulang ko. Isang buwan na din ata nung huling bisita nila.

"Kanina pa sila?" Tanong ko.

He shakes his head. "Karating lang nila."

Hinawakan ko siya sa kamay niya tsaka kami sabay na nag lalakad papunta sa kanila.

Nakita namin sila sa sala na nakaupo lang sa couch. "Ma, Pa." Tawag ko sa kanila na dahilan para tumingin silang dalawa sa'kin at tumayo. Bumitaw ako sa pag kakahawak ng kamay kay Damon at nilapitan sila para yakapin.

"Buti napa bisita po kayo, boring kasi si Damon lang lagi ang kausap ko." Biro ko. Ang totoo niyan walang boring moment sa pilyong bampira.

"Hey!" Pagaangal ni Damon.

"Boring din kasi ang Papa mong kasama kaya naisip kong bisitahin ka." Mama jokes too making laughed. Kung 'di ko sila magulang maniniwala ako sa sinabi niya.

Inangkla ko ang kamay ko sa braso ni Mama. "Pwede mo po ba 'kong ipagluto?" Paglalambing ko.

"Bakit sawa ka na ba sa luto ko?" Kunyaring pag tatampo ng asawa ko.

"Baby, masarap kang mag luto pero iba pa din ang lutong Nanay."

"Sige na ipagluluto kita, samahan mo 'ko sa kusina nyo." Mom said.

"Okay." Excited kong sabi. Bago namin sinimulan ang paglalakad  Tumingin muna 'ko kay Damon. "Ikaw munang bahala kay Papa."

Tumango lang siya bilang sagot.

Sinimulan namin ni Mama ang maglakad papuntang kusina. Tinulungan ko siyang kumuha ng mga ingredients niya sa pagluluto.

"Nasaan po pala sila Majah?" Tanong ko. 'Yung best friend ko na kasing 'yun hindi masyadong bumibisita palibhasa may Mario na. Haha. Nag sasama na silang dalawa pero hindi pa sila kasal. Nakatira sila ngayon sa dating bahay ng parents ni Maj.

"Nasa bahay nila ni Mario, tinawagan ko sila kanina at sinabihang bibisita kami dito ang sabi daw nila susunod sila." Buti naman, na mimiss ko na 'yun eh.

Sa pag sisimula niya namang mag luto nakatutok lang ako sa panunuod. Habang nag hihiwa si Mama at nakatitig ako sa hinihiwa niya, bigla siyang tumitigil at tumingin sa'kin.

"Bakit po?" Pagtataka ko. 'Wag naman sana niya 'kong patulungin dahil mas gusto ko lang talagang tumingin. Haha.

Binitawan niya 'yung hawak niyang kutsilyo at biglang ngumiti ng malaki. Bigla siyang tumili at niyakap ako na ikinagulat ko.

"Mom, are you okay?" Pagtataka ko.

"Honey?! We heard Papa voice. Tumingin ako sa direksyon niya, nasa likod lang niya si Damon at pareho silang halatang nagtataka. Bumitaw si Mama sa pagkakayakap sa'kin at tumingin sa dirkesyon ng boys.

"Magkaka-apo na tayo, honey." Pagbabalita niya kay Papa.

"Ha?" Sabay naming sabi ni Damon dahil sa gulat.

"Sweetheart, listen to your heartbeat." Utos ni Mama. Ginawa ko 'yung sinabi niya pinakinggan ko 'yung heartbeat ko pero hindi heartbeat ko lang nag narinig ko meron pang isa at... isa pa. Sumatutal, three heartbeats ang naririnig ko sa loob ng katawan ko.

The Immortal's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon