Fifteen

10.3K 445 22
                                    

Nasa tapat na ko ngayon ng bahay namin, bitbit ang kaba sa dibdib ko dahil sa ideang galit ang tatay ko.

Bumaba ako ng kotse ko at dahan dahang pumasok ng bahay. Sa pag pasok ko, nakita ko si Papa na nakaupo sa couch kaya yung kaba ko lalong lumalakas lalo na't yung awra niya nakakatakot. Shocks! Nakakatakot talaga si Papa.

Kahit kinakabahan ako nag lakad padin ako papalapit sakanya at hinalikan siya sa pisnge.

"Good morning, Pa." I greeted, nervously.

"Mag asikaso ka na para sa training natin." He coldly said. I do as i told.

Pumunta na ko ng kwarto ko bago pa niya kong pilitin gawin yun. Nag madali akong nag bihis kasi naman, pag galit si Papa ayaw niyang pinag hihintay siya kaya bawat kilos ko ginagamit ko yung kakayahan kong mabilis kumilos.

Nang makapag bihis naman ako dumiretso ako sa kusina para uminum ng dugo, naabutan ko dun si Mama kaya bumeso muna ako sakanya.

"Morning Ma." I greeted her.

"You look nervous, sweetheart."

"Galit kasi sakin si Papa."

"He's just concern, Sweetheart."

"Alam ko po yun." Uminum nalang muna na ko ng dugo bago pa tuluyang magalit sakin si Papa.

Lumabas kami ng bahay kung saan dun lagi ang training namin ni Papa. I saw him waiting, standing, impatiently with a, i dont know kung anong tawag dun. Para siyang baril pero isa siyang bow and arrow ang bala nito.

Woe! Kailan pa niya naisip magpaka achery? Kung kailan man yun, tingin ko hindi ko na kailangan isipin pa yun for sure, masasaktan ako nito.

Pumwesto na ko, huminga ng malalim tsaka humarap sakanya. "Let's test your speed and strength, Sweetheart. Kunin mo sakin tong weapon."

Bigla niya saking binaril yung panang yun ng hindi manlang ako sinabihan na simula na pala yung training, yan tuloy tinamaan ako sa balikat at sa sobrang sakit nito napaluhod pa ko.

"Bakit po hindi niyo muna sinabing simula na pala?" Tanong ko habang pilit na hinihila yung arrow na tumama sa balikat ko.

"Kapag umatake ang kalaban hindi na siya magsasalita at gagawin nalang niya patayin ka."

I know but still, training lang to!!

Urgh! He's really mad.

Nang matangal ko yung arrow na nakatarak sa balikat ko, narinig kong bumaril ulit si Papa at bago pa ko masaktan nun ginamit ko yung speed ko at lumapit ng bahagya kay Papa. Pero bumaril lang ulit to and luckily nailagan ko ulit, muntikan na ko dun.

Gamit ang speed ko plano kong pumwesto sa likod ni Papa and nagawa ko yun, hinawakan ko yung isa niyang kamay at inilipit to sa likod niya pero nakatakas lang siya sa pagkakahawak ko and in just a blinked of eye siya na ang nasa likod ko.

Dahan dahan akong humarap at nakita kong nakatutok na sa ulo ko yung baril.

"Honey!!" We heard Mama's angry voice. Sabay kaming tumingin sakanya ni Papa at halata sa mukha ni Mama ang galit habang naglalakad to papalapit samin

"What are you doing?" Galit na tanong ni Mama kay Papa.

"Tini'train ang anak mo."

"Tini'train? Bakit hindi yun yung nakikita ko?" Mom faces me. "Sweetheart pumunta ka na sa kwarto mo!" Mama said to me.

"Don't spoil your daughter, Bernadette." Papa said.

"I'm not spoiling her, im just a concern mother!"

"Tingin mo ako hindi? Nagaalala ako sakanya lalo na ngayon, nasa paligid lang si Damon."

"I understand your concern Honey, pero di kayo mag titrain hanga't galit ka!"

Haay! Nag away na!

"Ma, Pa.. tama na yung pag aawa niyo, sorry na kasalanan ko to. Wag na kayong mag away, hindi na ulit ako mag iisleep over sa bahay ng kaibigan ko." I reassured.

"We're not fighting Sweetheart. Yung pag sleep over mo sa kaibigan mo ayos lang yun, dapat mong maexperience ang mga ganun bagay at mamuhay padin na parang normal. Wag kang magalala samin ng Papa mo, i was just reminding him na hindi ka labasan ng sama ng loob, anak ka niya." She holds my both cheeks. "Sige na, pumasok ka na ng kwarto mo, anak."

Tumingin muna ako kay Papa kung sangayon ba siya sa gusto ni Mama na pumasok na ko ng kwarto. Tumango siya sakin bilang pag sangayon.

Just like what Mama wants, pumasok na ko ng bahay at dumiretso na sa kwarto ko.

Tinignan ko sa salamin yung itsura nung pagkakapana ni Papa sakin sa balikat. Maliban sa nasira yung damit ko, wala namang naiwang bakas yung panang yun.

Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama ko pagkatapos kong icheck yung balikat ko.

Haay! Ayaw kong nag aaway ang parents ko kasi mas sanay akong naglalambingan sila pero.. salamat nalang din talaga sa tulong ni Mama kaya nabawasan ako ng sakit sa katawan, kapalit nga lang nun ang pagaaway nila.

Sino ba kasi yung Damon na yun? Simula kasi ng makita siya ni Papa yung pagiging over protective niya nag level up ng bongang bonga.

Hmmm.. base sa kwento nabangit ni Papa, dati niya tong kaibigan. Di kaya may picture silang dalawa together? Kung meron man, nakatago ba yun o tinapon nalang?

Bumangon ako ng kama ko at dali daling lumabas ng kwarto, tumakbo ako papunta sa maliit na library ni Papa dito sa bahay. Nasabi ko na bang namana ko sakanya ang hilig sa pagbabasa? Ngayon alam niyo na.

Kaya siya may library dahil mahilig siyang mag basa.

Ewan ko kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko, siguro dahil nagbabaka sakali akong may naitago o naipit sa isa sa mga libro dito si Papa na litrato. Kahit na anong litrato na mag tuturo o mag papakilala sakin kung sino talaga yung Damon na yun dahil naiintriga na ko.

Sa pagpapatuloy ko sa paghahanap ang dami ko ng librong nabuklat pero wala pa din akong nakita. Siguro nga tinapon na niya yun or pwedeng wala naman talaga silang picture.

Pero may mga libro pa kong hindi nabubuklat, yung mga Encyclopedia niya. Yup, meron siya nun.

Isa isa ko tong binuklat hangang sa may isang bagay na nahulog sa sahig dahil sa buklat ko nitong encyclopedia. Isa tong litrato na base sa itsura nito sobrang tagal na nito dahil black and white lang ito at dahil din sa itsura at ayos ng buhok, pananamit ng dalawang taong nasa litrto. At ang dalawang taong nakita ko ay si Papa at si.. Lucas.

Shit! Anong ibig sabihin nito? Si Lucas ay si Damon?

Wait, No! Imposible yun, kung siya si Damon bakit hindi niya ko sinasaktan? Bakit wala ding binabangit si Lucas na kilala niya si Papa?

Urgh! Lucas, sino ka ba talaga?

--

Keep voting. ☆

The Immortal's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon