Nineteen

9.8K 461 12
                                    

"Biwset ka! Hindi pa ko handa!" Inis kong sabi.

"Baby, bigla biglang sumusulpot ang kalaban ng walang pasabi dapat matalas ang pakiramdam mo."

Mukhang tama siya ng sinabi na mas strikto siya kay Papa sa training. Para siyang version ni Papa sa training kapag galit sakin.

Tama siya, mabait pa nga si Papa sa training namin.

Tumayo ulit ako dahil wala na yung sakit na binigay niya sakin kanina sa binte. "Akala ko ba hindi mo ko sasaktan?" I asked.

He just smirked, this time ako naman ang sumugod sakanya at plinano siyang saksakin sa tagiliran niya pero, nahawakan niya yung wrist ko at pinilit yung kamay ko papunta sa likod ko. "Baby ang tinutukoy kong pananakit ay 
emotional, mas masakit yun kesa sa physical diba?" Patulak niya kong binitawan na halos ikatumba ko.

"At isa pa nasa training tayo baby, expect mo ng masasaktan ka."

Humarap ulit ako sakanya at tumayo ng diretso, pero bigla nalang siyang nawala sa paningin ko at naramdaman ko ulit siya sa likod ko, hinawi ko yung kamay ko na may hawak na kutsilyo para tamaan siya pero nakailag padin siya kaya hinampas niya ko ng arnis sa tagiliran ko kaya napaatras ako sa sakit.

"Awww!!" Pagaangal ko.

"Sabi ko naman sayo, di ako magiging mabait."

"Tingin ko nagiging mabait ka pa nga dahil ni hindi mo manlang nababali yang arnis sa paghampas sakin." Sabi ko habang nakahawak sa tagiliran ko. Ang sakit talaga! Walang hiya!

He chuckled. "Tama ka." Sumugod ulit ako sakanya pero tulad kanina nakaiwas siya at sa kabilang tagiliran ko naman niya hinampas yung arnis napaluhod ako sa sakit pero dahil sa pagluhod ko naisip ko itarak yung kutsilyo sa binte niya dahil hindi naman to nakadepensa.

Yes! Nakatama din!

Bigla siyang nawala sa harap ko, hinanap siya ng paningin ko nasa likod ko siya at nakatingin sa binte niya.

"Ha! Tinamaan kita!" Pagmamalaki ko.

Tinangal niya yung kutsilyo sa binte niya at binato pabalik sakin yung kutsilyo at muntikan na kong tamaan. "Papatayin mo ba ko?!" Bulyaw ko.

"Baby, hindi ka mamamatay sa kutsilyo lang."

"Siraulo!"

"Ouch!" Humawak siya sa puso niya at umarte na nasaktan sabay ngisi.

Dinampot ko yung kutsilyo at lumapit sakanya para sugurin siya dahil ineexpect ko naman na mawawala siya huminto ako sa pagtakbo, tsaka tumalikod kung saan ko siya inaasahang pupunta, nang saktong makita ko siya sa likod ko na ikinagulat niya, nagkaroon na ko ng pagkakataong maitinarak ko agad sa tagiliran niya yung kutsilyo.

"Huli ka, baby!" Sarkastiko kong sabi na may halong pagpupunyagi. Akala niya ah!

Tinangal ko yung knife sa tagiliran niya kaya umatras siya habang nakatingin sa sugat niya. "Mukhang masyado kitang minaliit, baby." He said smirking, amusingly.

"Yah!"

"Okay, seryoso na." Woe- what? Hindi pa siya seryoso nun? Hinagis niya patapon yung arnis at hinubad yung T-shirt niya na ikinailang ko.

Topless siyang makikipag training sakin? Hey! Unfair yun! Paano ako makakapag focus kung topless siya!

"Mag damit ka nga!" Utos ko.

Hindi siya nakinig at bigla nalang siyang napunta sa harap ko, hinawakan niya yung kamay kong may bitbit na patalim at itinaas ito, tsaka ako niya hinawakan ang mukha ko gamit ang kamay niya at inilapat niya yung labi niya sa labi ko na ipinagtaka ko, training ba to o pananantsing na?

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now