Forty Two

7.3K 331 29
                                    

Naramdaman kong may humaplos sa pisnge ko na dahilan para magising ako. I open my eyes and i saw Damon, smiling down at me.

"Hi, we're here." He said.

Tumingin ako sa paligid at hindi maiwasang mapangiti at humanga sa ganda ng view na nakikita ko. Dagat ang nakikita ko at kita mula dito sa pwesto namin ang palubog na araw.

"Wow! Damon, this is so beautiful." I admiringly said.

"I know." Hinawakan niya 'yung kamay ko kaya naibaling ko ang tingin sa kanya. Hinalikan niya 'yung kamay ko ng hindi inaalis ang tingin sa'kin.

"Nagustuhan mo ba dito?" Tanong niya.

"I love it here." Tumingin muli ako sa sunset na talaga namang napaka ganda.

"Really?"

"Yah!"

"Gusto mo bang tumira dito? Kasama ko at soon bumuo ng pamilya."

I blinked at him, shockingly. "Seryoso?" He just nodded. "Para ka nang nag po-propose ah."

He laughed softly. "Parang ganun na nga."

"Shocks!! Seryoso?!!!"

"Oo nga."

"Bakit?"

"Anong bakit?" Kunot noo niyang tanong.

"I mean... sure ka na?" Kung ako ang tatanungin gusto ko na rin naman makasama siya at makasal sa kanya kaya lang buhay pa si Manuel.

"Matagal na 'kong sure sa'yo, baby."

"Pero may Manuel pa, nabubuhay pa siya at... hindi naman natin alam kung magtatagumpay tayo sa plano bukas."

"Magtatagumpay tayo. Gagawin ko ang lahat para mag tagumpay tayo dahil gusto na kitang makasama at pakasalan. Hindi si Manuel ang makakasira ng pangarap ko na 'yun para sa'tin, baby."

Huminga ako ng malalim at tumingin muli sa sunset. "Mukhang maganda nga naman ang tumira dito."

"Ibig bang sabihin niyang sinabi mo, payag ka ng tumira dito kasama ko?"

"Oo kapag namatay si Manuel at may bahay na dito."

"Bahay lang ba? Well, i'm happy to inform you na... meron na."

What?

Bigla ulit ako napatingin sa kanya ng gulat na gulat. Like super gulat. Ngumiti lang siya sa'kin tsaka siya bumaba ng kotse kaya ganun din ang ginawa ko. Sa kanya agad ako tumingin pagbaba ko. Tumuro siya sa right side niya gamit ang ulo niya. Tumingin ako dun at isang bahay ang nakita ko. Ayun dito sa labas, kasing laki siya ng bahay ni Damon.

"Sa'yo 'to?"

He nodded. "Yup. Sa tagal kong nabuhay sa mundo, hindi ko na mabilang bahay ko. Kasi alam mo na, kailangang lumipat palagi para 'di magtaka 'yung mga taong nakakakilala sa'yo kung bakit hindi ka tumatanda."

"Wow!" I mouthed, shockingly.

"Gusto mo na bang pumasok? Siguradong maalikabok pa 'yan dahil matagal akong hindi nakabalik dito." Tanong niya.

"S-sige." I'm still shock.

Nag simula siyang maglakad papalapit ng pinto kaya ang ginawa ko ay sumunod nalang. Pag bukas niya hinawakan niya 'ko sa kamay at sabay kaming pumasok dumiretso kami sa sala kung saan ang mga upuan lamesa, drawers ay tinatakpan ng puting tela.

"Kunting renovate nalang pwede na ulit tirhan." Tama siya! Maalikabok mang tignan pero pag nalinis 'to siguradong magiging magandang bahay 'to.

Inangat niya 'yung kamay ko at hinalikan ulit ito. "I can't wait na makasama ka dito."

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now