Twenty Nine

8K 356 19
                                    

"Mag ingat kayo sa baril, silver bullet gamit nila." Pagpapaalala ni Damon kay Mama at Papa, hindi na sa'min dahil alam na namin ang tungkol sa pag gamit nila ng baril dahil ginamit nila yun kay Mario.

May inilabas din si Manuel na baril. "Tama si Damon, ang tatalino na kasi ng hunters ngayon pero malas nga lang nila nauunahan ko pa din sila." Nag simula siyang mag lakad papalapit sa'min. "Ano ulit yung sinabi mo kahapon?" May pag babantang tanong ni Manuel kay Damon.

"Yung aling? Yun bang Papatayin kita? Wag mag aalala mangyayari yun hintayin mo lang." Pagmamatapang pa rin ni Damon kahit na pinalilibutan na nila kami. Itinutok niya yung baril niya kay Damon at binaril ito sa binte na dahilan para mapaluhod si Damon. Shit! Mukhang lahat kami papatayin niya.

"Tama na yan! Ako lang naman ang kailangan niyo diba? Pakawalan n'yo na sila kasama yung mga magulang ni Majah." Mario said.

"Mali ka, hindi lang ikaw ang kailangan namin pati yung anak ni Albert at ang napaka gandang si Bernadette. Ano nga ulit pangalan niya? Ah.. tama, Amber." Tumingin siya sa direksyon namin ni Maj.

"Pwede ba kayong pumwesto sa harap mga magagandang binibi." Utos ni Manuel sa'min ni Maj. Nagkatinginan kami ni Maj dahil sinabi niya, kahit pilit niyang tinatago at hindi ipakita sa kalaban nakikita ko pa din na natatakot siya. Bitbit ang armas namin sinunod nalang namin ang sinabi niya dahil na rin sa tinutukan ng mga tauhan niya ng baril ang mga kasama namin.

"Pwede n'yo rin bang ilapag sa sahig ang mga dala n'yong silver." Pa nice niya kunyaring favor. Ginawa nalang namin, gusto niya.

"Salamat sa pag sunod. Ngayon, sino sainyo si Amber?" What? Hindi niya alam na ako si Amber? "..pinatay n'yo kasi yung tauhan ko kaya hindi ko tuloy alam kung sino sainyo si Amber."

"Ako!" Maj said kaya di ko maiwasang mapatingin sa kanya ng gulat na gulat.

"Ano ba yang sinabi mo?" Tanong ko. Hindi siya sumagot at tumitig lang sa kay Manuel para siguro ma-convince pa niyang siya ako. "Wag kang maniwala sa kanya ako si Amber." I said.

"Wag mo siyang pakingan, ayaw niya lang na isakripyo ko ang sarili ko para sa mga magulang niya. Ako ang totoong si Amber." Pagpupumilit ni Maj. What the hell? Ano bang pumasok sa isip niya at naisip niyang mag pangap na ako? Nag papakamatay ba siya? Wait! Hindi kaya ginagawa niya 'to para patayin siya ni Manuel? Para maging ganap ang pagiging bampira niya?

"Tumigil ka na Maj!" I yelled, scolding.

"Ikaw ang tumigil! Hayaan mo na 'ko. Nasaan yung mga magulang niya, nangako kang walang gagawing masama sakanila diba?"

"Naguguluhan na 'ko, sino ba sakanilang dalawa si Amber?" Tanong ni Manuel sa mga kasama namin at halata na boses niya ang inis, pero kahit ganun wala pading sumagot sa mga kasama namin. Haay! Ginagatungan pa nila kabaliwan ni Maj.

"Sige ganito nalang, since walang nag sasalita ako nalang ang aalam." Paano niya gagawin yun?

Tumingin siya sa isa niyang tauhan. "Ikuha mo 'ko ng dalawang normal na kutsilyo. Kung sino ang mabilis na mag hihilom sa pag saksak ko sainyong dalawa siya si Amber."

Shit!

"Teka! Ako ang totoong Amber, wag mo nang gawin yun!" Pag pipigil ko.

He smirked, evilly. "Malalaman natin mamaya."

Mabilis na nakabalik yung bampirang inutusan ni Manuel at inabot dito yung dalawang kutsilyo. Hindi namin namalayan ang mabilis na pag lapit sa'min ni Manuel at naramdaman ko nalang na mag natark na tagiliran ko na kutsilyo.

Tinangal ko agad yung kutsilyo at lumapit kay Majah na napaluhod na dahil sa sakit. Hinugot ko yung kutsilyong nakatarak kay Maj at napasigaw siya sa sobrang sakit. "I'm sorry." I quickly apologized. Kinuha ko yung silver knife na pinalapag kanina sa'min ni Manuel tsaka ko hinawakan sa balikat niya si Maj para alalayan siya tsaka ko binaling ulit ang tingin kay Manuel.

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now