Eight

11K 377 6
                                    

Sinimulan ko na namin ang umuwi, plano pa akong ihatid ni Lucas. Siya ang nagmamaneho ng kotse ko. Baka daw kasi may sumunod saking bampira na kasamahan nung kakapatay lang namin na bampira. Hindi ko akalain na magiging parte ako ng pag patay ng isang bampira. Hindi ito ang unang beses na makakita ako ng pagpatay ng bampira, ilang beses ko ng nakita si Papa na pumatay ng bampira dahil sa pagtangka sa buhay ko. Kaya nung may nakita akong namatay na bampira di na ko nangilabot.

Pero di naman yun ang concern ko kundi si Majah, ngayon alam na niya ang tungkol sa pagkatao ko natatakot akong baka lumayo na siya samin.

"Bigyan mo lang ng kunting araw si Majah, for sure matatangap din niyang may kaibigan siyang bampira." Pagpapalakas ng loob ni Lucas.

"Sana nga."

Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito ng hindi inaalis ang tingin sa mata ko. "Ang tapang mo kanina, lalo tuloy kitang nagustuhan."

"Lucas, di oras ng mga kapilyuhan ngayon." I scolded.

He laughed. "Gusto ko lang pagandahin mood mo, baby."

"Salamat." Nag crossarms nalang ako at nag focus sa kalsada.

Nang makarating kami ng malapit lang sa bahay, kasi nga baka maramdaman siya ni Papa. "Salamat sa pag hatid."

"Walang anuman." Hinalikan lang niya ko sa pisnge atsaka tuluyan siyang bumaba ng kotse.

Nang makarating ako sa bahay, dumiretso na ko ng kwarto ko at ibinagsak yung katawan ko sa kama ko. Feeling ko sa lahat ng nangyari ngayong araw, pagod na pagod ako. Ipinikit ko nalang yung mga mata ko para makapag pahinga.

Nakaramdam ako ng paghaplos sa buhok ko, na dahilan para magising ako. Pagmulat ng mga mata ko laking gulat ko ng makita ko si Lucas. Nilagay niya yung hintuturo niya sa labi niya na nagsasabing wag akong maingay. Kahit di niya kailangan gawin yun di talaga ako magiingay.

Umupo ako mula sa pag kakahiga at tinignan ko siya ng anong-ginagawa-mo-dito look. He just smirks down at me. He suddenly presses his lips to mine that took me by surprise. Oh shit! We're on my bed and he's kissing me. Are you kidding me?

Sinubukan kong pahintuin siya sa pag halik pero hindi siya huminto. Until i find myself kissing him back. He slowly laying me again to my bed, and positioning himself on top of me.

He breaks the kiss and stared down at me smiling widely. Umalis siya sa ibabaw ko at nag lakad papunta sa bintana ko, and bigla siyang nawala.

Napahawak ako sa labi ko at hindi makapaniwalang nakipag halikan ako sakanya sa kama ko. Kinuha ko yung unan ko at tinakip sa mukha ko. Shocks! Anong pumasok sa utak ko at pumayag akong halikan niya?

Tinangal ko yung unan sa mukha ko at pumunta sa bintana ko, sobrang dilim pa sa paligid kaya di ko na siya makita. Dito naman siya pumasok sa bintana ko, I'll make sure next time na nakasarado na to bago ako matulog para di niya ko pasukin ulit para halikan. Baka maulit na naman kasi yung kanina. Nakakaloka talaga!!

Nang masigurado kong nakasarado yung bintana ko, bumalik na ko sa kama ko. Feeling ko namumula yung pisnge ko dahil sa hiya, urgh! for sure gagamitin niya saking pangtitrip yun bukas. Ipinikit ko nalang ulit yung mga mata ko kahit mahirap susubukan ko ulit na matulog.

Urgh! Humanda siya sakin bukas!!

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko dahil may tumatama ng liwanag sa mata ko. Dali dali akong napaupo sa pagkakahiga at nag simulang nag panick. Shit! Hindi ako nakapag training, malalate pa ko sa school.

Nag madali akong nag asikasong sa pagpasok ko, nang matapos ako bumaba agad ako sa kusina. Nandun sila Mama at Papa.

"Ma, bakit di mo ko ginising? Baka malate ako sa school." Pagaangal ko.

She laughed. "Anak, kailangan mo din maranasan ang malate, exciting kaya yun."

I grin at her. Lumapit nalang ako sakanila para ibeso sila. Kumuha lang ako ng tinapay at nagmadali ng pumasok ng school.

Nag madali talaga ako sa pag pasok, pati sa pag mamaneho nag madali ako. Ang bilis kong pinatakbo ang pagmamaneho ng kotse ko.

Nang makarating ako, dumiretso din naman agad ako sa classroom ko at nandun na yung professor namin.

"Late ka, Ms. Tuazon." My professor said.

"Sorry, sir." I apologized. Tumingin ako sa direksyon ng upuan ko, nandun na si Majah at si Lucas na nakangisi sakin for sure dahil yun sa nangyari kagabi.

Umupo na ko sa chair ko at di pinansin ang ngisi ni Lucas tumingin nalang ako kay Majah pero hindi niya ko tinitignan at pinapansin.

Hanggang kailan niya kaya yan gagawin?

Nang matapos ang klase. Nagmadaling lumabas ng classroom si Majah, pero hinabol ko siya. Para na din makaiwas kay Lucas.

"Majah, wait." I called. Huminto siya pero hindi niya ko nilingon. "Can we talk? May ibibigay din ako sayo." I said. Dahan dahan siyang humarap sakin pero di siya makatingin ng diretso sakin.

"Can we talk in private?" I asked. Tumango lang siya.

The Immortal's SecretDonde viven las historias. Descúbrelo ahora