Forty Three

7.5K 329 16
                                    

Papunta na kami ngayon nila Damon, Kelly at ako sa hideout ni Manuel. Eto na ata ang pinaka nakaka kabang araw sa lahat. Kapag natapos ang araw na 'to na pumalpal ang plano namin siguradong patay kaming lahat. Lalo na 'ko dahil katulad ko ang pinaka gusto nila. Bahala na! Mag titiwala nalang ako sa mga kasama ko.

"Kinakabahan ka?" Dinig kong sabi ni Kelly mula sa backseat.

"Bakit mo natanong?" Tanong ko.

"Ang bilis kasi ng tibok ng puso mo." Hindi ko alam na pinapakinggan niya pala ang tibok ng puso ko.

"Oo. Kinakabahan talaga ako." Pag amin ko.

"Magiging ayos lang ang lahat baby." Paniniguro sa'kin ni Damon.

"Sana nga. Gusto ko nang mawala ng tuluyan si Manuel. Gusto kong makita ko mismo na ililibing natin siya."

"Mangyayari 'yun, malapit na."

Sana nga, sana talaga!

Habang papalapit kami ng papalapit sa hideout lalo akong kinakabahan sa pwedeng mangyari pero alam kong kailangan kong kumalma. Mahirap nga lang talaga.

Nang makarating kami. Isa-isang biglang nag si-sulputan ang mga ibang tauhan ni Manuel. Hanggang pati si Manuel ay lumabas mula sa warehouse na 'yun. Pinatay ni Damon ang makina at bumaba siya sa kotse tsaka niya pinag buksan ng pinto si Kelly mula sa likod at hinawakan ito sa braso. Habang ako na natili lang dito sa loob ng kotse at pinag mamasdan ag bawat kilos nila. Dahil nandito ako sa loob hindi ko sila masyadong marinig kaya ginamit ko ang kakayahan kong malakas na pandinig para marinig pag uusapan nila.

"Nandito na kami." Si Damon ang una kong narinig na nag salita.

"Anong ginagawa ng girlfriend mo dito?" Tanong ni Manuel habang naka tingin sa direksyon ko.

"Sinamahan niya lang ako."

"Nakakabiglang napa-payag mo siyang ituloy ang deal natin. Nung huli kasi kaming nagkita siguradong sigurado siyang pipilitin ka niyang maputol ang deal."

"Oo para naman 'to sa pamilya niya kaya napa-payag ko siya."

"Natutuwa akong marinig 'yan."

"Heto na 'yung isa kong alay na bampira, tulad ng pinag usapan."

"Gusto ko talaga 'pag tumutupad ka sa usapan."

"Kilala mo naman ako basta kaligtasan ng mahal ko, tumutupad ako."

"Pumasok na tayo sa loob." Tumingin si Manuel sa isa niyang tauhan. "Bantayan nyo 'yung babae baka may gawin na kalokohan." Utos niya.

"Kaming bahala." Sagot nung bampira.

Nag simula silang mag lakad papasok sa warehouse habang si Damon at Kelly ay sumunod lang. Pagpasok na pagpasok nila nagpatugtog ako dito sa loob ng sasakyan para makabawas focus nung bampirang bumabantay ng kilos ko at para makagalaw ng mas maayos ang mga kasama kong nag umaabang lang sa hudyat ko. At ang hudyat na 'yun ay itong pagpapatugtog ko.

Nag simulang mag lakad papalapit sa'kin 'yung dalawan tauhan ni Manuel at sinesenyasan ako ng hinaan ang music ko pero dahil trip kong bwisetin sila nilakasan ko pa 'yung music.

Ginamit nung isang bampira ang bilis niya at nasa side na siya ng pinto kung nasaan ako.

"Patayin mo yan!" Utos niya.

Ibinaba ko 'yung bintana. "May sinasabi ka?" Pagkukuyari kong hindi narinig na mas lalo niyang ikinainis.

"Papatayin mo ba 'yan o gusto mong ikaw ang patayin ko-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil may biglang humila sa kanya at nawala din siya sa paningin ko bigla. Ilang sandali lang nagpakita si Papa. Binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba at nakita ko 'yung bampira na naka handusay na at literal na walang buhay.

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now