Thirty Six

7K 305 17
                                    

I don't know kung gaano na 'ko katagal dito sa storage room, basta ang alam ko ilang araw na. Dahil sa continues na pag inum ko ng dugo tingin ko bumabalik na 'yung mga kakayahan na nawala sa'kin mula nang magka amnesia ako.

Nagagawa kong marinig ang pinaguusapan nila mula sa labas ng storage tulad nang kagustuhang kainin na 'ko nung ibang kasamahan ni Manuel. Yung pagtutol ng iba niyang kasamahan sa plano niyang patakasin pa 'ko pag katapos niyang magawang ibalik ang memorya ko. Pero dahil wala silang magawa dahil si Manuel ang namumuno sa kanila kaya hanggang ngayon buhay pa din ako.

Ang tanong hanggang kailan ako dito? Medyo magaling naman na 'yung sugat ko, hindi na rin naman na siya makirot.

Nag bukas ang pinto ng storage room at nag pakita ang tauhan ni Manuel. "Pinapatawag ka ni Manuel." Walang emotion niyang sabi.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo dito sa sahig at nag lakad papalapit sa kanya. Hinawakan niya 'ko ng mahigpit sa braso habang hinihila palakad papunta kay Manuel.

Sinubukan kong pumalag dahil baka pagkakataon ko nang makatakas. Nang mapabitaw ko siya sa pagkakahawak sa'kin bigla din namang nag sisulputan yung mga iba pang bampira at pinalubutan ako.

"Kung ako sa'yo wag ka ng tumakas, dahil isa pang maling galaw mo kakainin na nila ang dugo mo." Sabi nung bampirang may hawak sa'kin kanina. Bwiset!! Mukhang kulang pa ang lakas ko para matakasan ko sila.

Hinawakan ulit ako ng mahigpit sa braso at direkta ng dinala kay Manuel na nakaupo lang habang nakapataong ang paa sa isang tingin ko ay office table at may hawak na isang basong dugo sa kamay nito.

"Handa ka na ba?" Tanong niya.

"Handa saan?"

"Ngayon na kasi ang araw na makakaalala ka at ibabalik kita sa pamilya mo."

"Hindi ko papatayin si Damon, kahit bumalik man 'yung alala ko."

"Wag kang pasiguro." Kompyansa niyang sabi.

This time dalawang bampira na ang humawak sa magkabilang braso ko. Tumayo na rin si Manuel mula dun pagkakaupo niya at may kinuha sa drawer nito na isang... baril.

"Paano maibabalik niyan ang alala ko?" Tanong ko.

"Gagawin ko lang ulit 'yung ginawa ko sa'yo, babarilin ulit kita sa ulo. Pero wag kang magaalala, hindi 'to silver bullet kaya mabilis kang gagaling."

Nag simula siyang mag lakad papalapit sa'kin hanggan sa makarating siya sa tapat ko. Itinutok niya 'yung baril sa ulo and ang tangi ko lang nagawa ay pumikit para ihanda ang sarili ko gagawin niya.

"Hanggang sa muling pagkikita, Amber." Dinig kong sabi niya. Ang huli ko nalang narinig ay putok ng baril.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nasa familiar room ako, ito 'yung kwarto na pinahiram ng kaibigan ni Mama para sa'min. Sa pagupo ko mula sa pagkakahiga, sobrang sakit ng ulo agad ang aking naramdaman. Sa sobrang sakit hindi ko mapigilan mapasigaw sa sakit and may mga memoryang bumabalik sa'kin, habang dumadami ang mga memoryang 'yun, lalong sumasakit 'yung ulo ko.

"Amber..." Dinig kong boses ni Mama. Pero dahil sa sobrang sakit ng ulo ko ni hindi ko magawang imulat ang mata ko para tignan. "Sweetheart, anong nangyayari sa'yo?"

"Ang sakit..." Yan lang nasabi. Sa pagkakataong ito parang hindi nalang 'yung sakit ng ulo ko ang nararamdaman ko, pati matinding kirot sa puso ko. "Sobrang sakit!"

"Anak..." Sinubukan kong imulat ang mga mata ko para tumingin sa kanya, umiiyak siya sa sobrang pagaalala sa'kin. At yun nalang ang tangi kong nakita dahil nawalan na 'ko ng malay.

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now