Thirty Five

7.1K 296 7
                                    

Pinanuod ko lang si Damon na makalayo at mawala sa paningin ko. Merong tumutulak sa loob ko na parang gusto siyang sundan pero parang pinipigilan ako ng utak ko. Urgh! Nakakalito! Ang sakit sa ulo!

"Amber, pumasok na tayo na bahay." Dinig kong sabi ni Papa.

Humarap ako sa kanya. "Susundan ko siya." Bahala na! Itong nasa loob ko ang susundin ko.

"Ano?" Sa tono niya, hindi siya papayag. "Hindi, pwede!" I knew it.

"Pero kailangan niya 'ko, sugatan siya."

"Alam mo naman kung gaano kadelikado ngayon diba?"

"Hindi ko alam! Hindi. Ko. Talaga. Alam. Wala akong maalala! Hindi ko alam kung gaano ba talaga nakakatakot yang Manuel na yan! Isa lang ang alam ko, gusto kong sundan si Damon. Pumayag ka man o hindi."

"Honey..." Dinig naming tawag sa kanya ni Mama. Sabay kaming tumingin sa direksyon niya ni Papa. "Payagan mo na si Amber."

"Pero, honey-"

"Honey, di mo parin ba nakukuha na namana niya sa'yo ang pagiging matigas ang ulo kaya kung magmamatigasan kayo ng ulo dalawa, walang mananalo. Sa kanya na nanggaling, pumayag ka man o hindi susundan niya si Damon kaya payagan mo na."

Tumingin sa'kin si Mama at ngumiti. "Just make sure na umuwi ka dito, sweetheart. Kung hindi ngayon, bukas."

I smiled. "Opo, Ma."

Tumalikod na 'ko at aakma sanang maglakad na pero nag salita si Papa. "Sandali..." I face him. May hinagis siya sa'kin, nang masalo ko 'yun susi ang nakita ko. "Gamitin mo na 'yung sasakyan."

"Salamat po." Nag madali na 'kong sumakay ng sasakyan ni Papa at ini-start agad ito. Tumingin muna 'ko sandali sa kanila, kita sa mata nila ang pagaalala. Ngumiti ako para i-reassured na makakauwi ako ng safe.

Sinimulan ko ang pagmamaneho, dumaan ako sa way kung saan ko nakitang naglakad si Damon. Dahil sugatan siya paniguradong madali ko lang maaabutan 'yun.

Pero mukhang mali ako, halos sampong minuto na 'kong nag da-drive, hindi ko pa din siya nakikita. Then bigla kong naisip na bampira nga pala 'yun, baka may ginamit siyang kakayahan para mabilis na makalayo. Haay!

Paano ko siya nito hahanapin?

Habang nag mamaneho bigla akong nakarinig ng kumalabog sa likod ng track, lumingon ako para makita kung ano yun wala naman akong nakita. Nang ibalik ko ang tingin sa kalsada may nakita akong taong nakatayo kaya mabilis kong kinabig yung manebela and the last thing i know, bumangga ako.

Minulat ko ang mga mata 'ko, nakita kong sa postse ako bumangga. Bumaba ako sa kotse at tinignan yung damage, nayupi yung harapan ng sasakyan. Patay ako sa Tatay ko nito.

Tumingin ako sa paligid para hanapin yung taong dahilan kung bakit ako nabundol pero wala naman na 'kong makitang tao.

Ilang sandali lang bigla kong naramdaman na tila may nakatayo sa likod. Dahan dahan akong humarap at isang hindi pamilyar na tao ang nakita ko.

"Hello, Amber." He greeted, smiling evilly.

Umatras ako ng isang hakbang. "Sino ka?"

"Totoo nga, wala kang maalala. Ako si Manuel, sweetheart."

SHIT!!

I was about to run pero bigla naman siyang sumulpot sa harap ko. "Na-uh! Kung ako sa'yo wag ka ng tumakas. Mag tiwala ka, hindi kita sasaktan."

"Ikaw ang bumaril sa ulo, plano mo pa 'kong patayin kaya bakit ako mag titiwala sa'yo?" Pagmamatapang ko pa din kahit na sobrang kinakabahan na ko sa sitwasyon ko ngayon.

The Immortal's SecretOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz