Five

12.5K 442 7
                                    

Dumiretso ako sa kwarto ko pagkadating na pagkadating ko sa bahay, di ko rin naman nakasalubong yung magulang ko kaya di na ko bumati sakanila. Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama at di maiwasang isipin ang mga nangyari kanina.

Hindi dapat malaman nila Mama ang nangyari kanina dahil siguradong ha'huntingin ni Papa yung bampirang yun at papatayin masigurado lang na ligtas ako at ang ms worst baka pati si Lucas patayin niya.

Ano bang plano ni Lucas? Talaga bang gusto niya ko? May plano manlang ba siyang ipaalam sakin ang tungkol sa pagiging vampire niya?

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko, umupo ako mula sa pagkakahiga. Bumukas yung pinto at nag pumasok si Mama.

"Okay ka lang ba hija?"

"Opo, bakit niyo naman po natanong?" I lied.

"Medyo maputla ka kasi at yung tibok ng puso mo napakabilis."

"Ma, nag usap na tayo tungkol sa pakikinig sa tibok ng puso ko diba?"

She chuckled. "I know, im sorry sweetheart." Nag lakad siya papalapit sakin at umupo din sa kama katabi ko. "So, ano ba talagang nangyari?"

"Uh.. kinabahan lang ako para kay Majah kanina dun sa modeling agency daw, niloko kasi siya ng mga yun at kung wala ako baka kung anong ginawa na nila sakanya." I said trying to hide about sa two vampire na nakita ko kanina.

"Ganun ba, hindi mo naman siguro nakalimutang pigilan yung lakas mo diba?"

"Opo, wala kayong dapat ipagalala."

She stands. "Sige, dun tayo sa baba at kakain na."

"Okay, susunod na po ako." Hinalikan niya lang ako sa noo tsaka lumabas ng kwarto ko.

Kumuha lang ako ng pwedeng pangpalit sa closet ko at nang makapag bihis ako lumabas din naman agad ako sa kwarto ko at pumunta sa dining room kung saan nandun na ang parents ko at as usual lambingan na naman sila. Di ko tuloy maiwasang isipin yung halik ni Lucas kanina.

I cleared my throat, stopping their lambingan. "Mamaya na yan." Para talaga silang teenager maglambingan.

"Sorry hija." Mom said giggling.

Umupo nalang ako at sinimulang kumain at di na pinansin ang harutan ng parents ko, push nila yan masaya sila dyan eh. Tahimik lang ako habang kumakain dahil yung utak ko lumilipad na naman sa nangyari kanina. Gustuhin ko mang iwasang isipin yun di ko naman magawa.

Nang matapos kaming kumain at bumalik na din naman agad ako sa kwarto ko para maiwasan ng makita ang paglalambingan nila Mama at Papa.

Kumuha ako ng librong pwedeng basahin at nag basa nalang muna habang hindi pa dinadalaw ng antok. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa bigla akong nakaramdam ng malimig na hangin mula sa bintana, tumingin ako dun at laking gulat na makita si Lucas.

I was about to say something nang biglang lumapit siya sakin gamit ang bilis niya at tinakpan yung bibig ko. Inilagay niya yung pointing finger niya sa labi niya saying.. shhh.

Tinangal ko yung kamay niya sa bibig ko. "What are you doing here?" I mouthed, i hope maintindihan niya.

"I was just checking you." He whispered, smirking.

"Nababaliw ka na ba? Alam mo bang baka maramdaman ka nila Papa, papatayin ka nun!" I whispered back.

"Alam ko, kaya nga aalis na ko. Isarado mo yung bintana mo, pag alis ko." He kissed my forehead and just a blink of eye, he's gone. Nag lakad ako papunta sa bintana at pinag masdan ko siya kung makikita ko pa pero wala na. Isinarado ko nalang yung bintana at bumalik sa kama ko.

Totoo nga kayang gusto niya ko? Napapaisip na ko ngayon, kung totoo man yun malas niya dahil siguradong hindi papayag si Papa.

Humiga nalang ako ng kama ko at ipinikit ang mga mata.

Tulad ng daily routine maaga akong gumising para sanayin ako ni Papa laban sa mga vampires, ngayon talagang kailangan na kailangan ko tong training na to especially dahil sa mga nangyari kahapon. May isang bampirang nakakaalam na half vampire ako at maaring anytime pag wala si Lucas ay sugurin ako ng bampirang yun.

Uminum muna ako ng isang paketeng dugo tsaka namin sinimulan ni Papa. Dalawang sunod na knife ang ibinato sakin ni Papa pareho ko yung naiwasan pero ayaw kong pakampante dahil knowing Papa susunod sunurin niya ko at di nga ko nag kamali pero sa pagkakataong to lahat yun ay naiwasan ko.

Ngumiti ako kay Papa ng punong puno ng kompyansa. Ha! Sa wakas nagawa ko din.

"Rest now, bukas naman." Papa said. Tumango lang ako sakanya habang ang laki ng ngiti sa mukha ko.

Sabay kaming pumasok ni Papa ng bahay, dumiretso ako ng kwarto ko para makapag prepare na sa pag pasok ko ng school.

Humanap lang ako ng pwedeng suotin sa closet ko at nang makapili na ko, pumunta na ko ng bathroom para makapag shower.

Nang matapos akong mag shower, nag bihis din naman agad ako tsaka lumabas ng kwarto at nakita ko si Papa sa sala na nag babasa na naman, sakanya ko talaga nakita namana ang hilig sa pagbabasa.

Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisnge. "Pasok na po ako." Ginamit ko yung bilis ko at pinuntahan si Mama sa kusina. Hinalikan ko din siya sa pisnge.

"Pasok na ko, Ma."

"Mag ingat ka."

"Opo."

Nang makapag paalam ako sakanila lumabas na ko at pumunta sa kotse ko tsaka ko sinimulan ang bumyahe papasok ng school. Wala pang kalahating oras nakarating na ko.

Bumaba ako ng kotse at isinara ko lang yung pinto at nang may bigla akong naramdamang tao sa likod ko, dali dali akong humarap at nakita ko si Lucas.

"Papatayin mo ba ko sa nerbyos?" Inis kong sabi.

He chuckled. "Hindi ka mamamatay sa nerbyos, baby." Ngayon balik playboy na naman siya. Nakakainis na naman tuloy siya.

Hinawi ko siya sa harap ko. "Umalis ka nga dyan, ngayong alam ko na kung ano ka di ko pipigilan ang sarili kong saktan ka!" I warned.

Pumito siya at tila humanga sa sinabi ko. "Ang hot mo pagnagagalit."

"Shut up!" Kairita talaga siya.

The Immortal's SecretWhere stories live. Discover now