Chapter 9.

9.2K 379 62
                                    

CHAPTER 9.

PORSCHE'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




PORSCHE'S POV.


Magkasabay kaming naglalakad ni Callixte patungo sa room. Naiilang ako sa suot ko ngayon. First time ko kasing mag dress sa school, eh. Lagi kasi akong naka pants at shirt.



"Hi Porsche! Ang ganda mo!" May bumati sa aking lalaki.



"Thank you!" Ngumiti lang ako at napayuko konti. Nakakailang! Parang mas madami ang nakakapansin sakin ngayon dahil sa suot 'ko.



Pagdating sa room ay busy magusap-usap ang buong klase at ang president namin na si Ronamela.



"Anong meron?" I asked.



"Well, malapit na kasi ang sports fest. Pinaguusapan namin kung sino ang magiging muse kasi from our section na ang magiging representative." Ronamela. "At naisip namin na.. Ikaw nalang."



"Huh? Bakit ako? 'Di naman ako bagay d'yan." Sabi 'ko.



"'Kaw nalang Porsche! Malay mo magpatalo mga kalaban namin diba, kasi halos lahat naman may gusto sa'yo." Natawa nalang ako sa sinabi ni Jake. Baliw talaga!


"Oonga, Porsche. Malay mo ma-distract sila sa kagandahan mo tapos di sila makapag-concentrate sa laro. Easy win!" Paolo naman. Baliw nga talaga siguro ang mga kaibigan ni Callixte.



"Sige na, Porsche. Malakas ang hatak mo sa crowd. Plus, captain ball pa si Callixte. Diba guys? Ang perfect ng combination?" Ronamela said at nag-ingay ang buong klase.



Napatingin ako kay Eunice, inirapan niya ako at halatang galit siya. Hala!



"Si Eunice nalang. Mas maganda naman 'yan sa akin." Sabi 'ko.



"Hindi pwede, cheerleader siya eh." Ay. Ganun?



Wala akong nagawa kaya um-oo nalang ako. Everyone's rooting for me at nakakahiya naman tumanggi.




Half day lang ngayon dahil may meeting ang mga profs. Napagdesisyunan naming mag-mall nina Ivy at Aiko. Hindi ko pa naikkwento sakanila ang mga nangyari kagabi. Ikkwento ko pa ba? Wag na siguro. Tama, wag nalang.



Nanuod kaming tatlo ng sine. Nag-timezone at nag foodtrip. Palakad lakad kami sa mall nang makasalubong namin sina Callixte at ang mga teammates niya. Shet. Si Miggy at Romeo! At si Callixte pa!



Patalikod na sana ako nang hilain ako ni Aiko at Ivy. UGH! Tama nga siguro si Callixte! Di ko na sila dapat ineentertain!



"UY PORSCHE!" Magkasabay na sigaw nina Miggy at Romeo at sabay na lumapit sa akin.



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon