Chapter 53.

8.7K 384 115
                                    

CHAPTER 53.



"Boyfriend?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Totoo ba 'to? May relasyon ang kapatid ko at si Callixte?



"Yep!" Nag-cling pa si So-hee sa braso ni Callixte kaya napa-atras ako. Oh, no.. this can't be real.




"Stop this nonsense, So-hee!" Padarag na
ni Callixte ang pagka-cling ni So-hee sakanya. "Me? Your boyfriend? Haven't I told you that I have a girlfriend and you're not my type?"



And with that, sinampal ni So-hee si Callixte habang lumuluha. "Dre... I did all your homeworks! We usually eat together! So why are you denying me in front of my family?!"



"I did your English homeworks too, So-hee. But that doesn't mean i like you. And yes we eat together, but that doesn't mean we're already dating. I'm sorry. You knew from the start that I was inlove with somebody else.." Tinignan ako ni Callixte, "Who happens to be your sister."




Biglang humagulgol si So-hee habang pinagpapalo ang dibdib ni Callixte. Nagsasalita siya ng korean ngunit hindi ko na iyon maintindihan dahil marami siyang sinasabi at mabilis siyang magsalita.


Parang nadudurog ang puso ko sa nakikita ko... ang kapatid ko, sariling kapatid ko, sinaktan 'ko. Wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-magandang loob sakin at tulungan ako simula nung dumating ako dito sa Korea. Pero ako... my god. What have I done?


Dinaluhan ni Mommy si So-hee at niyakap habang matulis ang mga titig kay Callixte. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong daluhan... Ang mommy ko at si So-hee, o ang ama ng anak ko. Para akong pinapapili between life and death. Kapag pinili ko si Mommy at So-hee, alam kong magagalit si Callixte at alam kong baka sukuan na niya ako. Baka mapagod na siya. At kapag pinili ko naman si Callixte, para ko naring tinalikuran ang pamilya ko.



"Porsche... let's go." Nanginginig na sabi sakin ni Callixte. Kita ko ang takot sa mga mata niya, at yung sakit.



"Porsche, stay." Mariin na sabi naman ni Mommy.


Napapikit ako ng mariin. Litong lito. Parehas ko silang mahal pero bakit ba ganito? Ganito yun nangyari noon samin ni Daddy eh. I had to choose between Callixte and my own Father. Lagi nalang bang ganito?



Pero buo na ang decision ko. I will choose what I think will be the best for me. And if it's not the best then I think it'll be better.



"Mommy, ililigpit ko na po ang mga gamit ko sa itaas para magamit na ulit si So-hee yung kwarto niya." I said without looking at my mom. Hinila ko si Callixte patungo sa taas at dun lamang bumuhos ang luha ko. I can't believe na tinalikuran ko ang sarili kong nanay.


Callixte cupped my cheeks and wiped my tears, "I love you, Porsche. We got this, okay?"



Tumango lang ako at inayos na ang maleta ko. Bumaba na kami agad ni Callixte at bago pa man kami makalabas ay sumigaw na si Mommy.



"Wala kang utang na loob, Porsche! Ang kapal ng mukha mong talikuran ako! I am your mother!" She said, raging with anger and tears.



"And I am your daughter too! Bakit ma? Noong tinaikuran mo ba ako at iniwan mo ako sa mapanakit kong ama, sinumbatan ba kita? Nagalit ba ako?" Hindi ko na mapigilan na ibulaslas ang ilang taon kong kinikimkim. Yung pag-iwan niya sakin kay Daddy kahit alam niyang bugbog lang ang aabutin ko.




She was caught off guard.. "How dare you..."



"How dare you too, Ma! Kelan ba mangyayari na ako naman ang piliin mo? Ma, anak mo din ako! Mas una mo akong naging anak kesa d'yan kay So-hee! Mas una mo akong minahal! Mas una mo akong inaruga! Mas nauna ako, Ma! Pero bakit ganyan ka? Bakit kung umasta ka parang ako nalang palagi yung dapat na nagbibigay?"



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon