Chapter 36.

8.1K 276 42
                                    

CHAPTER 36.


Naging maayos ang takbo ng relationship namin ni Callixte. Kahit first time kong magka-boyfriend, eh alam ko naman kung paano siya ihandle. Hindi naman counted yung samin ni Romeo kasi hindi yun legit at hindi seryoso.


Binalitaan ako ni Daddy na nasa Canada siya at nagl-launch ng makabagong produkto. Mukhang hindi pa nakakapag sumbong si Romeo about sa ginawa ko kaya hindi galit si Dad sa akin.



"Babe.." Napangiti ako nang niyakap pa ako ng mahigpit ni Callixte. Hanggat nasa Canada kasi si Daddy ay sinusulit ko na ang pagtulong sa condo ni Callixte.




"Bakit?" Tanong ko at hinalikan ang napaka tangos na ilong niya.




"Gusto na kita pakasalan. Pwede ko na ba hingin ang kamay mo sa Daddy mo?" Napasimangot ako at the same time ay napangiti. Mga pinagiisip talaga nito!



"Baliw ka.. Matulog ka pa. Antok lang 'yan."



"Buntisin kita dyan eh.." He whispered pero rinig ko padin. GSGSGSHAJAKALLALA GAHD!!!




"Bastos ka Callixte!" Pinalo ko nga.




"Hindi bastos yun lalo na't papakasalan naman kita. Pagmamahal tawag dun." Dinilat niya ang mga mata niya and he cupped my cheeks, "Porsche.. Okay lang ba?"



"Ang alin?"



"Na buntisin kita?"



"Callixte ano ka ba!" Sinimangutan ko siya. Nababaliw na siya!!!!




Sumimangot din siya, "Ano ka ba din, seryoso kasi ako. Ano? Okay lang ba?"



"Syempre hindi!" Lokong 'to! 18 palang kaya ako?!



"Bakit hindi? Pananagutan naman kita at papakasalan."




"Palibhasa ikaw, lalaki ka. Walang mawawala sa'yo. Ako, ang daming mawawala sa akin. Siyam na buwan ko pa dadalhin yung bata. Oh? Ikaw ba mahihirapan? Magb-breast feed pa ako, magpapalit ng diaper at magpapaligo sa bata. Di ko pa kaya yun. Atsaka.. Ang bata ko pa kaya. Di ba mas maganda na magka-anak tayo kapag may stable na trabaho na tayo at.. Kasal na tayo? Kasal bago anak. Hindi anak muna bago kasal. Okay?"



He smiled, "Ang smart ng baby ganda ko. Alam mo, the way you talk e mahahalata mo talagang matalino ka." I like the way he calls me baby ganda kahit korni. Haha dami niya alam!




"Kaya ikaw, itong ulo mo ang pairalin mo at hindi ang nasa ibaba." Pangaral ko pa.




"Yes, baby ganda." Nag-salute pa siya.



Nang mag 5:30 ay nauna akong naligo at nag-ayos. Pagtapos ay siya naman. Pinanuod ko lang siyang magluto. Dapat ako din marunong magluto eh! Nakakahiya sa boyfriend ko na siya palagi ang nagluluto at ako, taga-hain lang ng mga plato.



"Finals na next week beh. Sabay tayo aral ha?" I said habang kumakain kami. Ang bilis.. Isang linggo nalang at tapos na ang school year! 4th year na kami oh my gosh!



"Yup. DL ka pa din ba mahal?" He asked.



"Consistent to mahal! Hmm..." Nag-salumbaba ako at tinitigan ang pogi kong boyfriend.



Tinaasan niya naman ako ng kilay. Shunget! "What?"




"Gusto ko pag 4th year tayo, parehas tayong DL. We have to make a deal." Tinaas baba ko ang kilay ko. Hmm. Exciting to! Chinachallenge ko ang boyfriend ko!



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon