Chapter 23.

9.9K 404 67
                                    

CHAPTER 23.


"Ano ba ito! Mukha naman akong pokpok dito!" Reklamo ko dahil sa outfit na pinapasuot sakin ni Ivy.



"Just for tonight Porsche! Celebration natin dahil sa wakas! Tapos kana magpaka-stupid kay Callixte!" Humalakhak pa si Aiko. Baliw!



Nakasuot ako ng off shoulder dress tapos sobrang ikli pa at fitted. My god! Feeling ko labas ang kaluluwa ko dahil sa suot 'kong 'to! Mga impluwensya talaga ng dalawang 'to!



Pero wala akong nagawa. Nakarating talaga ako sa club house nila Enzo nang ganito ang suot. Madami ang pumupuri sakin, mga nagpapapicture at kumakausap. Feeling ko naging center of attraction ako dahil sa pagiging Muse of the year ko at "best cheerleader award" kuno.



"AYAN NA ANG MVP!" Nagsigawan sila sa pagdating ni Callixte.



Maski ako, napatingin. Bumaba siya sa corvette stingray niya at ang suot niya ay itim na polo at bukas ang first three buttons, itim na pants at top sider. May dala pa siyang boquet. MY GOD. Ang gwapo ng baby boy ko. Ang hot niya pa lalo nung bumaba siya sa corvette niya. GOSH. :( habang papalapit siya, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Oh god. I'm seriously inlove with this man.



Nagulat ako nang tumigil siya sa harap 'ko, "Para sa'yo, Porsche." Nagulat ako. Shet. Para sakin ba talaga?



Hindi ko muna tinanggap at tinigan ko muna ang napaka bango na boquet, "Para saan?"



"Sabi nila dapat daw tinuturing na princesa ng MVP ang muse so.. 'Wag ka ng maarte, alam kong kinikilig ka kaya tanggapin mo na." He said. Madaming tumawa at nag-ayie. Heh!



"Alam mo, para kay Eunice dapat 'yan."



"Arte talaga." Hindi na siya nakatiis at nilagay na niya sa legs ko yung boquet at umupo na sa table ng mga kaibigan niya.



"Oh ano! Kinilig ka nanaman!" Tinawanan ako nina Ivy at Aiko.



"Hindi noh." Pagdedeny ko pero deep inside.. Okay. KINIKILIG AKO FIRST TIME KONG MAKATANGGAP NG KAHIT ANO SAKANYA. Except sa momol... Hihihi. Okay Porsche wag kang malandi. Di na yun mangyayari ulit.



Ang boring. Seriously. Nagk-KTV lang sila at inuman. Hindi naman ako umiinom, at nakakahiya naman kumanta.



"Porsche! Inom ka?" Pagaaya sakin ni Jake habang naglalaro sila ng cards.



"No, no, no. Hindi ako umiinom eh. Okay na ako dito." Tinaas ko ang coke in can na iniinom ko.




"Hoy! Wag niyo nga pilitin yung girlfriend ko!" Sigaw ni Callixte, tumabi siya sakin sa couch at tumawa. My god. Is he drunk?



"WAHAHAHA shut up ka nalang pare! Naunahan ka na ni Romeo!" Paolo.



"Tss. Nakakatawa ka, Porsche. Ipagpapalit mo nalang ako, 'dun pa sa bano magbasketball." Atsaka siya humalakhak at niyakap ako habang magkatabi padin kami at nakaupo. Pati mga team mates niya natatawa sa ginagawa niya.




"Callixte stop. Lasing kana." Inagaw ko sakanya yung beerpong cup niya pero inilayo niya ito sa akin.



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon