Chapter 37.

7.4K 315 63
                                    

CHAPTER 37.



Tawag ng tawag sakin si Callixte nung gabing 'yon. Text din ng text pero talagang hindi ko siya pinapansin. Nasasaktan ako ngayon, nasasaktan ako sa mararamdaman niya, nasasaktan ako kasi sasaktan ko siya.




Mali.. Mali nga talaga na ipaglaban ko siya. We are too young to make permanent decisions. Wala pa kaming ipagmamalaki sa mga magulang namin. Hindi pa namin right time.




Napatitig ako sa pinto dahil may kumatok. Tumayo ako at pinagbuksan iyon only to find out na si Romeo pala.



"Rome—"



"I really do miss you, Porsche.." Inakap niya ako ng mariin kaya napapikit nalang ako. Mali sa pakiramdam. Gusto ko si Callixte ang kayakap ko ngayon.




I sighed heavily, "I miss you too." Kahit 'di naman talaga.




"Sabay na tayo sa school?" He said at inakbayan ako.



"Wag muna.. Please. Romeo, to be honest hindi pa ako nakikipag hiwalay kay Callixte. Please, ibigay mo muna sakin ang araw na 'to. I just have to end everything between us." I almost begged. Halatang galit siya pero tumango padin.




Nagpahatid ako sa driver ko sa school kahit sobrang kabado ako. Naiisip ko palang na sasaktan ko si Callixte ay parang gusto ko na agad isuko. Parang ayaw ko na ituloy pero kailangan...



Nagkita kami agad pagdating sa classroom. Nilapitan niya ako at agad na niyakap. God. Naiiyak ako!



"Mahal.. Why weren't you anwering my calls?  Sobrang nagalala ako sa'yo.." He cupped my cheeks and kissed the bridge of my nose.




Ngumiti ako ng pilit, "May inasikaso kase ako at ayaw 'kong magpa-istorbo."





Umupo na 'ko sa upuan ko pero sinundan niya padin ako at tinabihan, "Ano yun? Sana sinabi mo para natulungan kita."




"No thanks. Kaya ko naman."




"Eh pero—"




"Callixte pwede ba bumalik ka na sa upuan mo? Simula na ng finals bukas. I have to focus. Dapat ikaw din." Mariin na sabi ko sakanya.




"Bakit ba bad mood ka? Di mo ba namiss ang pogi mong boyfriend?" At nagpacute pa ang loko. Hay naku. Cute mo mahal! :(




"Miss? Nagkita naman tayo ah. Wag ka ngang OA dyan. Sige na balik ka na, and'yan na si Mam." Sabi ko nang papasok na ang prof namin.




Nakita kong napatitig siya sakin ng matagal pero nagiwas lang ako ng tignin. Bumalik na siya sa upuan niya pero sakin padin siya nakatitig padin siya. Nakokonsensya ako.. Shit. Ang hirap.



Binigay ni Mam ang pointers to review and I thank heavens dahil kompleto ang notes ko. I have to study very well. Nakakainis kasi wala pa akong nasisimulan aralin. UGH! Kelan ba magiging chill ang Engineering? Huhu.



Nang mag break time ay nagmamadali akong umalis ng classroom kasama sina Ivy at Aiko.




"Porsche! Teka!" Rinig kong sigaw ni Callixte bago pa man ako maka-abot sa pinto.




Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon