Chapter 33.

7.9K 365 62
                                    

Hello readers! Meron paba?



CHAPTER 33.


6 oclock na ako nakauwi sa bahay pero sa pag uwi ko naman, may malaking ngiti sa labi ko. HEHE! Naka 1 million ako sa unang gabi ko. Hinalik-halikan ko ang cheque. 23 million nalang! Wait ka lang, dad. Malapit ka na makabayad!



Naligo lang ako at nagtanggal ng makapal na make up atsaka dumiretso na sa Brentville. Kumain muna ako ng hopia sa tindahan bago ako pumasok. Kailangan ko magtipid kaya sa bahay nalang ako kakain paguwi ko.



Nagkasalubong kami ni Callixte at nagyakapan kami. My gosh. Namiss ko siya agad!



"Ano ka ba Porsche? Ha? Asan ka kagabi bakit—"



"SSHH." Tinakpan ko ang bibig niya. Ang ingay eh. "May pinuntahan ako last night."



"Saan? Kaya pala pinuntahan kita sainyo at wala ka."



"Sa cavite.. Birthday ng pinsan 'ko." I lied.



Hanggat sa makarating kami sa classroom ay sinesermonan niya padin ako. Pero ako, nakangiti lang sakanya. Wala, cute niya magtampo eh.



"Oh ano? Nakikinig ka ba?" Inis na sabi niya.




Tumango tango ako, "Yes. Tapos ka na mag sermon? Mahal ko?" I giggled.



"Porsche I'm not kidding here—"



"Oo na, 'to naman. Sorry na mahal. Wala kayang signal sa cavite." I lied again. Joski! God! Forgive mo po I love you and Callixte!




"Saan ka mamaya? Dinner tayo sa bahay." Aniya, kalmado na.




"Ay naku wrong timing ka. May dinner kami ni Dad." I lied. AGAIN. AND AGAIN. Jusko Porsche! Hanggang kelan ka magsisinungaling?



"Edi bukas."



"Huh, e-eh.. May.. M-may.. Uhm.. Ayun! Niyaya ako ng pinsan ko mag-stay overnight sa Cavite ulit eh."



"Sa thursday?"



"Huh.. Papa-check up kami ni Dad dahil sabi nya nilalagnat siya—"



"Porsche may tinatago ka ba sa akin?" Napatitig ako dahil sa tanong niya. Bakit ba ang fail ko lagi mag tago ng mga ganito? "Come on say it, nahahalata ko na."



"Wala Callixte.. Wala."



"Fuck. Wag mo ko pagmukhaing tanga okay? Ano nga yun?" Ayan na shetmalu galit na siya!



"E-ehh kasi.."




"Kasi? Kasi what?"



"May part time job ako okay!" Pag-amin ko. Shocks! Wala ng atrasan 'to!




"What? What for?" Naguguluhang tanong niya.




"Kasi diba may utang si Dad? Ayun.. Namasukan ako bilang crew ka KFC." Shet Porsche sige mag sinungaling ka pa! "6-11 pm ang duty ko don't worry." Lies. 7pm-4am ang duty ko! Help! Di na uso tulog!



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon