Chapter 18.

9.9K 422 70
                                    

CHAPTER 18.


Tahimik lang kami sa kotse niya at tanging ang stereo lamang ang naririnig namin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.. Sobrang naiilang ako sakanya. Ano nga ba yung ginawa namin kanina? MOMOL? Ay shet!



Nag stop siya sa harap ng bahay namin kaya dahan-dahan kong in-unbuckle yung seatbelt ko. Napalunok ako ng ilang beses bago magsalita.



"Uhh. Thank you." Sabi ko nang di siya tinitignan.



"For the kiss?" Tumawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Shet naman baka mahalata nanaman niya na nagb-blush ako!



"Sa paghatid."



"Alright.. See you tomorrow then?" Nakangiti siya. Bakit bigla siyang good mood! Ughhhhh! Gwapo!



"Yes. See you." Ngumiti din ako.



Nagulat ako nang mag lean siya sa akin at hinalikan ulit ako. Pag ako nadala baka mag momol na naman kami dito! Hay nako Callixte!



"Oops. Ano 'yang hahawakan mo?" He smirked. Napatingin tuloy ako sa kamay 'ko na naka-rest sa belt niya. "Bata pa tayo, Porsche." Atsaka siya humalakhak. WHAT THE HELL!!??



SHET PUTMALU GASGSHJAZJAJAKAK ANONG PINAG-GAGAGAWA KO?!




"So-sorry! Bye! Ingat!" Agad agad din akong bumaba ng kotse niya at pumasok na sa bahay.



What was that? Baka isipin niya na nadala ako.. Oh my gosh! Nakakahiya akong babae! Shet! Baka isipin niya na gusto kong hawakan... Yung ano! Syempre hindi! 'Di pa naman ako ready!



Paulit-ulit kong naalala yung nangyari sa condo niya at sa kotse. Shet. Di ko maimagine na nangyari talaga 'yun! Akala ko panaginip lang ang lahat.. Hinalikan niya talaga ako mga bes! Hindi na panaginip iyon! Totoong pangyayari na!





Haaaayyy. Ensherep nya humalik talaga!




Binisita ako ni Tita Rina that night kaya mas naging masaya ang araw ko. She bought me cookies kaya sobrang nagpapasalamat ako sakanya. Masarap kasi siya mag-bake!



"Tita Rina sobrang thank you po talaga dito ha?" Sabi ko habang ngumunguya pa.




"You're very welcome, Porsche.. Pinabibigay yan ng anak kong si Aldrin." Ngiti niya.




"Wow! Sana po mameet ko siya soon. Pakisabi po thank you."



"Hindi ba kayo nagkikita ng anak ko? Same school kayo, ah. Higher year lang siya." She said.



"Ano pong college niya?"



"Architecture. First time ka nga daw niya makita kanina. He's a basketball player. Nakalaban na siya ng college niyo."



Nagkwentuhan lang kami ni Tita Rina. Aniya'y naghiwalay na daw sila ni Daddy dahil sa sobrang bayolente nito. I'm somehow glad na naghiwalay sila kasi ayaw kong pagbuhatan pa siya ng kamay ni Daddy.



"Be honest with me.. Porsche, sinasaktan ka ba ng Daddy mo?" Hinawakan niya ang mga kamay 'ko. "Pwede tayong magtulungan, Porsche. Kakasuhan natin ang daddy mo."



What? Kahit bayolente si Daddy, ayaw ko siyang mawala sa akin. Siya na lang ang mayroon ako! "Tita hindi po talaga. H-hindi po kaya ni Daddy gawin yun sakin. H-he loves me.. So much. Never niya po akong sinaktan." Lies. Lies. Lies! Ang hirap magsinungaling kapag ganitong sitwasyon.



Alluring II:  Alluring her innocenceWhere stories live. Discover now